Saturday, 4 April 2009

training

masaya ang training..ilang oras at ilang araw na maliligtas ka sa ipitan na trabaho sa paliparan..lalo na ngayon pag kumuha ka ng pwesto kulang na lang huwag ka huminga maibigay lang ang tama at mabilis na serbisyo sa pasahero..

naiintindihan natin sila..pero tayo sa ganitong larangan sinung iintindi?..sarili lang natin..tayo lang ang nakakaalam kung bakit masama ang araw natin dahil sa kung bakit hindi na natin kaya magtrabaho matapos ang pagupo ng walong oras..kung bakit hindi na natin kaya ngumiti sa mga susunod pang oras..at kung bakit hindi na natin maibigay ang tinatawag na customer service..

gusto ko ang trabahong to..pero tulad ng ibang nilalang na ginawa ng diyos sa mundong to tayong mga tao ay may buhay napapagod, naiinis at nauubos ang pasensiya..kailangan pang habaan ang pasensiya..san ba nakakabili para makapagbaon ng marami..

ang akala nila madali..walang madaling trabaho..kung magkaiba tayo ng trabaho..hindi ko kayang gawin yan tulad ng hindi mo rin kayang gawin ang trabaho ko..sapat na pagtitiyaga at pasensiya ang puhunan para matuto ng isang larangan..pero dapat isali din ang pagbibigay respeto..respeto sa sarili at sa bawat isa..

"we may be in the service industry but we are not their servants"

No comments:

Post a Comment