sa mundong to mahirap magtiwala,nariyan ang pamilya, kaibigan, kasamahan sa trabaho, kakilala, sino sa kanila ang pwede mong pagkatiwalaan kung minsan nga sarili mong desisyon hindi mo mapagkatiwalaan? ang pamilya nandiyan sila para sayo kahit pa pagbalibaligtarin mo ang mundo, susuportahan ka hanggang sa huli, yun lang paano na kung hindi mo sila kasama? milya milya ang distansiya niyo..sino ang sasalo sayo? sino magpapayo? sinong magtatangol sayo??
lalo na kung sa trabaho na ang usapan, nasa ibang bansa ka ibang lahi ang mga kasama mo, mga ibang lahi na kung kadalasan ay hindi ginagamit ang tamang pagiisip.. ito yung mga taong ang maipilit lang..basta yun na yun..naipit ka sa isang sitwasyon, sinong sasalo sayo?..wala ka nang matakbuhan, salamat sa mga kaibigan mo na gumagawa ng paraan para matulungan ka sa sitwasyon, pero paano kung wala kang kaibigan, salamat sa kababayan mo na laging handa tumulong sayo, tutal pareho kayo wala sa bansa ninyo sino pa ba ang magtutulungan, pero paano kung sa mga oras na yon wala si kabayan?, salamat sa ibang lahi na ginawa ng diyos na may mabuti pa ring puso at maayos na pagunawa na andiyan na handa ka palang tulungan hangang sa huli, pero paano kung wala din?
paano ka?..sino na ang tatakbuhan mo?..pagdarasal na lang ang tangi mong panghahawakan para makaraos sa pagkakaipit na sitwasyon..
sa mundong to..mahirap..walang sasagot para sayo, lubos na pagiingat dapat, lubos na pagkamarunong, lubos na pagkamadiskarte..yan ang kailangan mo..isama na rin ang lakas ng loob at lakas ng pananalig at pagtitiwala sa taas na hindi ka NIYA pababayaan kahit anu pa man..
dahil sa mundong to..hindi parating may sasalo para sayo..sagot mo ang sarili mo..
No comments:
Post a Comment