nakakapagod..maghanap buhay..ako pa naman yung taong gusto kumita ng pera pero ayoko mapagod.."hindi bale nang tamad hindi naman pagod" di ba??..
hirap maghanapbuhay..tapos na ang labing-limang taong pagaaral...labin-liman taong wala kang iintindihain kundi sarili mo..
noong kinder nga wala ka pa iniisip kundi ang maglaro, wala ka pakialam kung magaral ka o hindi..
elementary..dito mas maraming laro pero anim na taon to dadating na yung oras na unti unti ka ng matataunahan na kailangan mo magaral para makapasa at makakuha ng mataas na grade kasi nakakahiya sa crush mo pag bumagsak ka..andito na rin yung pagproblema mo sa mga ubod ng dami ng assignment mo at ang exam isang maghapon lang halos..galing natin nung elementary..
highschool..syempre mas may kokote ka na nito mas maarte ka na..mas concious ka na..mas marami ka ng crush..may nanliligaw na sayo o may nililigawan ka na..minsan tinatamad ka na pumasok pwera na lang kung may konsensya ka o maiingit ka sa mga kaklase mo na ggraduate na at kung saang collge o university sila papasok..
college..ang hirap pero masarap..ito na yung early adulthood, masaya ka your free to do anything you want basta syempre sagot mo sarili mo..you watch your own back! pag may bagsak ka magisip ka ng dahilan kung bakit ka magbaback subject..at magisip ka na rin ng dahilan kung bakit ka magshishift ng course pag tinatamad ka na sa unang napili mo..
kolehiyo..magisa ka na marami ka na natutunan..pagka nakapagtapos ka na..pwede na..
pwede ka na isabak sa totoong buhay..
unang araw pagtakatpos ng graduation eto ang mga problema ko:
**saan ako magapply?
**paano kung mapagiwanan ako?
**wala ng tutulong sakin
**wala nakong spokesperson
**wala ng summer vacation!!
**wala ng sem break!!
**wala ng xmas break!!
**wala ng "ma, pa, bili mo ko nun!"
**ibig sabihin good luck sayo!!
ang hirap din nga mga madadaanan mo bago ka magkaroon ng trabaho..papaimpress ka lagi..bebenta mo sarili mo..show them what youve got!
pag nagkatrabho ka na..sarap may sarili ka ng pera, sariling oras, wow grown up ka na, kaya mga problema mo pang grown up din, dati problema mo paano ka manunuod ng tv eh brownout, ngayon problema mo wala pang sweldo baka maputulan kayo ng kuryente, dati problema saan kaya maganda makaglamiyerda, ngayon problema mo, saan ka huhugot ng panahon para magpahinga..
iba na ngayon eto na totoong buhay..pero hindi mo naman dapat lagi seryosohin, maging masaya, ienjoy ang araw araw..may problema ka itawa mo lang masasawa din yan sayo, may mas mabigat pa na problema diyan..
wag mashado mamroblema..masaya mabuhay..minsan lang to..isipin mo mamomroblema ka ba sa mundong to eh wala namang nakalabas ng buhay dito..
live..love..laugh..
No comments:
Post a Comment