pang limang beses ko na ata nakitang umulan sa doha, pero ito yung pinaka malakas..ang sarap..parang nasa pinas lang..ang lamig, simoy bagyo na nga..nakakaaliw, nakakarelaks...
pero balik na naman ang sakit ko ata sa kokote at emosyon na pag umuulan apektado ako..ang lungkot, flashback lahat..
rewind...
flashback..
rewind...
flashback..
ang pangit, ang lungkot, hindi naman sa puro malungkot ang naalala ko, may mga masaya din..yun nga lang yung mga masayang memories ang mas nakakalungkot kasi natapos na, mahirap na maulit, hangang memory na lang, kung pwede ngang ivideo o kunan ng picture lahat ng nangyayari aba why not kunan para lahat may souvenir..pero hindi, hangang memorya na lang yung lahat na parang hindi nangyari..
mga alaala na hindi na mauulit, at bukas bubuo ulit..
No comments:
Post a Comment