kasumpa sumpa talaga ng huwebes sa klase ng trabahong ito..pagupo mo ng alas tres umasa ka na na hindi ka na makakatayo pwera na lang kung hahanap ka ng senior o bisor na siya ang makakatulong sayo at kung uuwi ka na..pambihira andiyan pa yung pilit mong gagawin lahat para maibigay mo pa din ang tinatawag na customer service pero hindi sukdulan ang sobrang bigat ng bagahe ng pasahero mo at aawayin ka pa dahil hindi mo mabigyan ng upuan na gusto niya..kung gusto niyo na puro bintana sumakay kayo sa jeep!at parang awa niyo na hindi namin kaya magbigay ng libreng sampung kilo sa bagahe..tayo kaya palit ng pwesto..pambihira..
andiyan pa yung sa sobrang pagod mo na mali mali na yung napapalitan ng upuan..susko..salamat na lang at hindi iisang flight ang bukas kundi yari ka na...
mauubos ang pasensya mo..sa pagod, gutom,at kakulitan ng pasahero na hindi alam na siyam na oras ka ng nagbibigay ng customer service..susko..buti pa tayo naiintindihan natin sila..ang hirap ng trabahong to..
lumipas ang siyam na oras na ganun ganun na lang..wala ka nang matatandaan sa siyam na oras na nagdaan..matatandaan mo lang ang pagpasok at pagalis sa trabaho..
No comments:
Post a Comment