lakad..lakad..hanap..tingin.."room for rent"..ayan maayos ang kuwarto, isang kama..king size siguro apat hangang lima pa nga ang kasya..rooftop ang pwesto, may garden set pa..mahangin, sa sobrang hangin iisipin mo nakasakay ka sa motor boat!isama mo pa ang takip ng lugar na trapal, ito ang pinaka bubong..masarap maliwas, libreng talong, libreng kalamansi, libreng sampaguita, libre kasi patago ang pagkuha..
"pakipatay ng toooobeeeeeeeggggggggggggggggg!!" ang hiyaw ni manag na walang ANO, etong si manang na maraming reklamo sa magagandang borders niya, marami daw bisita lagi, nagpapatulog ng ibang tao at inaangkin daw ang rooftop....
iski impyerno ang pakikipag away sa kanya ng mga border, pero siya ang nagbigay ng spice sa pagtira doon sa rooftop "baba na yung tubeeeeg sa hagdan!!" sigaw ng border na bwisit na bwisit sa kanya..
"saan ang punta niyo??"tanong ni manang na walang ANO "bible study po" sagot ng malokong empleyado ng paliparan..mga malolokong nilalang may edad na nga si manang pinagloloko pa, pano ba naman kasi to si manang lagi na lang pinagiinitin ang magagandang border!..
si manang na walang ANO..nagbigay kulay sa pagtira ng magkakaibigan sa may rooftop..papasok,magttrabaho,manananghalian,matutulog,papasok ulit,uuwi,matutulog,magmemerienda, matutulog, ang sarap at ang saya simpleng buhay na tulad noon, pero kailangan lakasan ang loob para makaraos sa buhay..
at hayaan na si manang, iwanan na si manang na sumigaw ng "pakipatay ng tooobbbeeeeggggg!"
No comments:
Post a Comment