(if roadfill may or may not allow me to use his dialog..which wala na siyang magagawa dahil ginawa ko ng title..pero i give respect kaya ayan..dito nako hihingi ng permission, with all due respect pahiram lang po ..at warning ulet..this entry may contain harmful words..)
love..sus..kung inlove ka malamang hanggang tenga o baka lagpasan batok na ang ngiti mo marinig mo pa lang ang salitang to,pero kung bigo ka..nakupo lahat na lang ng marinig mong lovesong at related sa love pakiramdam mo kinakanta para sayo, lahat ng bitter bitteran na kowt sa text at sa kung saan man super agree ka..at lahat ng makita mong may jowa reaction mo "woooh..maghihiwalay din yan!!"..asus natawa ka no..totoo naman kasi..
mga panahong bitter bitteran ang magbestfriend, pareho kasing bigo, nagtext si bru kay bru ng kowt...ang highlight ng kowt "tangnang pagibig yan nauso pa!"..ang nakabasang bestfriend, bigo din, so super agree sa kowt..
love is everywhere..all around.. its in the air..naks ang korny na, san nga ba nagsimula yan?..aba hindi ko din alam kaya nga ako nagtatanong..kung may sagot pacomment na lang..
ang love daw conquers all, love is blind---hindi ako naniniwala diyan, marunong tayo lahat magmahal pero sana lahat sa tamang tira..tira-pasok kumbaga, wag pabigla bigla, tandaan mo hindi ka man niya mahal at nasasaktan ka dahil dun paniguradong may tao din na mahal ka at hindi mo mahal na nasasaktan din..o kwits na kayo ng mundo..wag ka na masuklam sa mundo..
wag mo sisihin ang love..masaktan ka man o maligayahan panigurado may natutunan ka naman,dati hindi ka marunong maligo, ngayon may iniirog ka na natuto ka na magpabango..dati hindi ka napasok sa iskwela ngayon may dahilan ka na..yung cellphone mong pang games mo ng snake nagyon nagagamit mo ng pantext at pantawag..
ibig sabihin gawin mo na lang itong inspirasyon, wag na wag mong gamiting pansamantala ang salitang love, makakasakit ka panigurado at bihado mararanasan mo din ang ginawa mo..bilog lang ang mundo..
puso o utak ang tanong??..bakit hindi mo subukan gamitin pareho, kaya ka nga biniyayaan ng pareho di ba..sina jack at rose sa titanic, kundi ba naman mga tanga, kung ginamit ang utak sana nagsalitsalitan na lang sila e d sana walang nalunod..pagsabayin ang pagamit..UMISIP ng solusyon sa problema..gamitin ang utak.ang puso pangpump ng blood...ay pareho pala..ang puso pangbalense, pakiramdaman mo anu bang kahihinatnan ng naisip mong solusyon..
o sha tama na hindi ako love doctor..rush lang kasi kanina sa trabaho kaya kung anu anu naisip ko..
love is the reason why we are all breathing in this world..
kung ndi nagkaroon at nauso ang love, hindi ako mabubuo sa mundo..ibig sabihin walang magsusulat ng ganitong kalokohan, at tulad sakin wala ka rin, na magiging tagabasa ng kalokohan ko..
No comments:
Post a Comment