Tuesday, 28 April 2009

pasensiya hindi ako si nobody!

isip..isip...takbo..takbo..hindi makatulog kailangan ko magsulat..magtype pala..

nobody is perfect..perpekto daw si nobody, hayaan mo na sa ganyang paraan ko siya gusto gamitin, pasensiya na hindi ako si nobody ibang tao ako..hindi perpekto, madalas magkamali pero hindi ako ang taong mariringan mo ng "pasensiya na tao lang"..bakit may mas mataas na uri pa bang nilikha ang diyos bukod sa tao na perpekto na hindi maari magkamali kaya ka nahihiya na tao ka lang..?..lahat tayo nagkakamali mula sa pagkakamaling naiwanan ang company id kaya hindi makapasok hanggan sa paggawa ng malalaking desisyon, ang importante matuto tayo..

sa lahat ng bagay na gagawin mo kailagan lagi kang handa, hindi maaring lagi ka sa positibong aspeto nakatingin, oo magandang may positibo kang pananaw sa buhay pero tandaan hindi laging gawa yang kalsadang yan at baka kung minsan ay gawin yan at ma detour ka, kailangan handa ka, pag maganda resulta salamat at maganda, kung hindi dapat mong malaman paano ka kikilos upang maayos ang kinalabasan o kung ano ang dapat sanang gawin mo pa..

hindi perpekto ang buhay, lahat may paghihirap, ibat ibang klase man, lahat tayo may kanya kanya dapat gawin, kailangan handa ka..wag ka pumunta sa eskwela ng walang dalang bolpen, exams pa naman..

habang tumatagal tayo sa mundo pabigat ng pabigat ang mga desisiyong nagagawa at kailangan nating gawin, kaya naman dapat dalawa lagi ang sagot..dapat hindi sarado sa oo at hindi ang sagot mo sa lahat ng sitwasyon..dapat laging may kasunod,kung,kaya,dahil..

kung ikaw ay magkakamali, gamitin mo na lang itong aral, parte ng klase mo upang matuto dito sa mundo..

tulad ko..hindo ako si nobody..ibang tao ako..pasensiya..ipakilala mo ako kay nobody para matutunan ko ang teknik niya sa buhay..

__blank__and__empty__

sa mga nakakaalam at nakakakilala sakin...just two words can sum up all the things i want to say,

BLANK & EMPTY

with all the thoughts running in my mind, i just camt simply put it altogether to share my araw araw na kwento ko...

Monday, 27 April 2009

hate.this.sick.of.it.

ever felt so alone?..powtek..i F**KING hate that feeling, well im not actually alone, i have friends..and a lot of them, but there are just those times that you feel sad..once a friend told me, its part of maturity..shet ang maturity na yan..anu super mature nako??!

anyhow..maybe im just not that contented with where i am, yes im happy, a bit fulfilled with a career im planning to feed to grow..pero iba talaga ang pakiramdam ko..para kong naluge..hindi hindi naluge ang tamang term, parang nabuhusan ng kape tong laptop ko..oo ganun, since ito ang pinaka priced possesion ko ngayon..oo parang natapunan ng kape ang laptop ko at hindi ko alam ang gagawin..parang walang bagay na makakapagsabi sakin na ok lang yan kasi hindi ok..

ang kulet pa naman ng kokote ko as many of my close friends know..grabe imagination ko..a simple old music from the 80's can convert the looks around me into the 80's and just thinking of a ghost a couple of times scares the hell out of me..kaya ayoko ng nababakante ko..

i want to be occupied all the time, kasi kung hindi hala takbo-takbo-takbo..dont get me wrong im not a schezo ok, its just that i think the "mind over matter" has a lot to do with it, ang lakas ng ganyang powers ko..which sucks at times...like right now..

gusto ko na umuwi ng pilipinas..anung gagawin ko dun..gusto ko dito kasi may trabaho..aba puro trabaho na lang ba..shet i suck at this...

before graduation i have the list.."to do" list..all may goals..and here i am with that checklist again..last on that list is having this job..then i plan to make another again..now i cant think of any plans..what is this..im blank??!hell that cant be..

im an independent person.,independent na nagiisa..hindi naman loner pero ok lang sakin magisa..kasi i grew up that way, i can survive alone..dont get me wrong, no man is an island..pero i can live with that kaya siguro when i have my friends i really treasure them..the worst part i somehow get attached..one reason that when it ends..the friendship ends.. i get so low...

even with the simple reason of losing the conversation and contact..


powtek..

Sunday, 26 April 2009

halo.halo.sago.gulaman

mixed ideas.diffrent concept.no whole story.friendster.boredom.plurk.facebook.doha.tatak ofw.language barrier.blasted arabo.no reactiong pana.excess baggage.love.kras.uwi ng pinas.makipagchikahan.maggive up.career.savings.gadgets.sick.homesick.traffic.rush.pinoys.dumb ass.new friends.new boyfriend.exit.ex relationship.grandpa.grandma.family.videos.laklak.thinking of making video.come fast.boredom.redundancy.insomniac.nucturnal.bitterbitteran.blogging.moymoypalaboy.DLSUD.college.college friends.around the world.hongkong.bangkok.male.seychelles.paris.stuck in this career.travel the world.new career.moving on.new love.long lost love.

i have all the ideas..running running...cant make it a story cos something is f**cking bothering me..grrrr

Friday, 24 April 2009

shockproof

ibat ibang lahi, ibat ibang lengwahe, ibat ibang amoy at bagahe, yan, yan ang araw araw na nakakaharap ng mga taong naghahanapbuhay sa paliparan..mahirap akala mo madali, may nagsabi napakadali ng trabaho sa paliparan di tulad niya sa ospital..sinagot siya ng oo madali talaga..madali oras..dahil pagupo mo sa trabaho dire-diretso ka..isip, salita,paliwanag, pakiusap, paliwanag,ngiti,ngiti,gutom,ngiti,pagod ngiti..para kang nasa call center yun lang live ang customer mo, minsan pa hawak mo na pala ang pasaporte at tiket, hihingin mo pa din..robot effect..

ibat ibang lahi-- andiyan ang indiano,pakistani,benggali, filipino,pranses,amerikano,inlges,hapon..buong mundo makakaharap mo..minsan pa magugulat ka at ang kartoon na madagascar pala ay totoong bansa..isla to..at ang mga tao dito ay proud sa nasabing kartoon..

ibat ibang amoy..pasintabi na lang sa maseselan, lahat ng klase ng amoy malalanghap mo..daig pa palengke, iwasan banggitin ang mga lahi ng kung anung amoy, may amoy kusina,araw,nakulob na damit,napaihi sa pantalon,panis na laway, hindi nagsabon nung naligo..lahat na..pero dito pwede mo maipagmalaki ang pinoy, may ibang lahi kasing nagsabi bakit daw ang mga pinoy parating mabango..isang simpleng sagot :"marunong kasi maligo"..marunong hindi lang basta ligo..

ibat ibang lenggwahe, hindi kayo magkakaintindihan, nakatunganga sayo pasahero mo, makipagsenyasan ka na lang..kinakausap ka sa lengwahe niya aba kausapin mo din sa lengwahe mo hanggang sa halos magaway na kayo, pero dahil tinawag na customer service ang trabaho mo..pipigilan mo ang sarili at maghahanap ka na lang ng translator--porter.

shockproof--ibat ibang bagaheng may sampung beses tata binalutan ng tali akalain mong may lambat..ang bagelya..kumot..

iba iba man sa kung anu anung bagay sa mata ng diyos iisa tayo, sa bansang to lahat nakipagsapalaran upang makaraos ang sarili at ang pamilya sa mundo..
kung anu pa man ang lahi mo, lahi niya, kung anu tingin mo sa kanya at tingin niya sayo..pare-pareho tayo..pinakamataas na uring nilikha ng diyos sa mundo...

RESPETO

highlight ng biyernes ko?---pitong go-show,piton association ng ticket, pitong APD..gising ang diwa ko..

isa kang feeling, at ako ay peeler..gusto mong balatan kita??

matauhan ka nga..natauhan na nga..
gising na..kanina pang umaga..
tapos na pantasya mo..kahapon pa alam ko na yan..

matapos makasama ng taong pinakagusto mo sa lahat na sa tingin mo eh sukdulan ng bait naman at naging maayos ang trato sayo, akala mo agad may something special na..mabait lang siguro talaga yung tao at kasi nga marami din siyang kaibigan..
d b nung isang araw na ndi ka na pinansin nautahan ka na sa katotohan..

hes just not that into you...live with it honey..

Thursday, 23 April 2009

love..love pa wala na nga makain..

(if roadfill may or may not allow me to use his dialog..which wala na siyang magagawa dahil ginawa ko ng title..pero i give respect kaya ayan..dito nako hihingi ng permission, with all due respect pahiram lang po ..at warning ulet..this entry may contain harmful words..)

love..sus..kung inlove ka malamang hanggang tenga o baka lagpasan batok na ang ngiti mo marinig mo pa lang ang salitang to,pero kung bigo ka..nakupo lahat na lang ng marinig mong lovesong at related sa love pakiramdam mo kinakanta para sayo, lahat ng bitter bitteran na kowt sa text at sa kung saan man super agree ka..at lahat ng makita mong may jowa reaction mo "woooh..maghihiwalay din yan!!"..asus natawa ka no..totoo naman kasi..

mga panahong bitter bitteran ang magbestfriend, pareho kasing bigo, nagtext si bru kay bru ng kowt...ang highlight ng kowt "tangnang pagibig yan nauso pa!"..ang nakabasang bestfriend, bigo din, so super agree sa kowt..
love is everywhere..all around.. its in the air..naks ang korny na, san nga ba nagsimula yan?..aba hindi ko din alam kaya nga ako nagtatanong..kung may sagot pacomment na lang..

ang love daw conquers all, love is blind---hindi ako naniniwala diyan, marunong tayo lahat magmahal pero sana lahat sa tamang tira..tira-pasok kumbaga, wag pabigla bigla, tandaan mo hindi ka man niya mahal at nasasaktan ka dahil dun paniguradong may tao din na mahal ka at hindi mo mahal na nasasaktan din..o kwits na kayo ng mundo..wag ka na masuklam sa mundo..
wag mo sisihin ang love..masaktan ka man o maligayahan panigurado may natutunan ka naman,dati hindi ka marunong maligo, ngayon may iniirog ka na natuto ka na magpabango..dati hindi ka napasok sa iskwela ngayon may dahilan ka na..yung cellphone mong pang games mo ng snake nagyon nagagamit mo ng pantext at pantawag..

ibig sabihin gawin mo na lang itong inspirasyon, wag na wag mong gamiting pansamantala ang salitang love, makakasakit ka panigurado at bihado mararanasan mo din ang ginawa mo..bilog lang ang mundo..

puso o utak ang tanong??..bakit hindi mo subukan gamitin pareho, kaya ka nga biniyayaan ng pareho di ba..sina jack at rose sa titanic, kundi ba naman mga tanga, kung ginamit ang utak sana nagsalitsalitan na lang sila e d sana walang nalunod..pagsabayin ang pagamit..UMISIP ng solusyon sa problema..gamitin ang utak.ang puso pangpump ng blood...ay pareho pala..ang puso pangbalense, pakiramdaman mo anu bang kahihinatnan ng naisip mong solusyon..

o sha tama na hindi ako love doctor..rush lang kasi kanina sa trabaho kaya kung anu anu naisip ko..
love is the reason why we are all breathing in this world..

kung ndi nagkaroon at nauso ang love, hindi ako mabubuo sa mundo..ibig sabihin walang magsusulat ng ganitong kalokohan, at tulad sakin wala ka rin, na magiging tagabasa ng kalokohan ko..

Wednesday, 22 April 2009

paborito.ko.to.

isang beses ng sumakay ako sa jeep…akp lang sakay ni manong..nagsalita bigla si manong: "hirap talagang pumasada, lalo na kapag ganito..bihira sumasakay" sabi ko.."opo nga eh" saby tanong niya: "nagmahal ka na noh?" sa isip ko: "koneksyon?!" sabay dugtong niya.."hirap talagang pakawalan ang taong sobrang mahal mo, la.o na kapag ipinangako mo na sa sarili mo na siya na talaga hanggang sa huli..sumagot ako:"ah ganun ho ba?"..sabi niya "mahal na talaga" "ah oo!magtataas nga ulet pamasahe" sagot ko…sabay sabi niya:" ganito yan ang gas, jeep atang mismong daan ay parang pagibig, ang driver ay ikaw ang pasahero ay siya, minsan kahit anong ayos ang daan, kahit full tank ka o ok ang jeep mo, kapag gusto na bumababa ng pasahero mo, wala ka magagawa, minsan ipagkatiwala mo manibela mo sa taas..malay mo sa pagpasada mo ulet siya pa rin ang pumara at sumakay"..

katotohanan laban sa pantasya

(paalala: kung bata ka pa, at hindi ka sanay sa "bad words" wag mo na basahin, ayoko maging masamang impluwensya, subalit gusto ko lang ikwento ng buo at eksakto ang mga pangyayari)

huwaw filipinong filipino..kalalim ng title..
eto ang kwento ko ngayong araw..

gumising ako..at tinamad pumasok..
pero bago pumasok may kakaibang nangyari..basta kakaiba..
at pagkatapos ng pangyayaring yun, aba ang ngiti ko ba haggang batok..kasi adik ako..yun na yun, maghapon, ako nakangiti at masa mood magtrabaho..pero pagkatapos ng ilang oras, tila natauhan ako..para kasi kong tanga di ba..

ah basta para kong tanga, sabi nga ng kaibigan ko: "hindi parang, tanga ka na talaga..adik pa potah!" at kailangan madiin na may H ang pota niya..
pinagtatawanan niya ko kasi nga adik ako..

ngayon tatapusin ko tong kwento na to, na naligayahan ngayong araw at hindi na aasa pa kalokohan at sa dahilang matawag akong tanga ng sarili kong kaibigan..

patawad.."its just that im highly inlove..today..just today"

Tuesday, 21 April 2009

peter pan

i think im need of peterpan..sabi nila..haha..

we are one day closer to death than yesterday, love like there is no tomorrow, and if tomorrow comes..LOVE AGAIN.

Sunday, 19 April 2009

byaheng 352

sa katamaran, kapaguran at kaantukan ilang araw hindi ako nakapagkwento..nakakainis hindi ko nasunod ang araw na araw na pagkwento..pero eto sige ang byaheng 352..


nakakainis at nakakaubos pasensiya na naman tulad ng dating byaheng 344, hindi ko maintindhan kung bakit nilipat na nila sa gabi ang byaheng ito, ang alam ko lang nadagdagan ang problema ko, una sa hindi pagakkaintindihan, naisip ko minsan mas nakakaintindi pa pala ang byaheng 344, sila sa 352, pota wala kang pagasa,titigan ka lang, akala ko din yung isa ang may pinakamabigat na problema sa sobrang timbang ng bagahe, pero hindi, suskopo, eto ang pinakamahirap sa lahat saktuhin ba namang limang kilo ang sobra, hindi mo tuloy malaman kung paano mo sisingilin kasi apat na kilo pwede na pagbigyan at sa limang kilo nagsisimula ang pagsingil, susko ang hirap, higit pa minsan hindi mo maintindihan kinse kilo ang sobra, tapos sasabihin sayo tulungan mo siya, anak ng putakte naman, paano mo matutulungan ang taong hindi marunong sumunod sa rules at hindi marunong umintindi, please lang ng please sa harapan mo, santisimo ke horor!!ayoko na talaga...ang hirap umintindi, patawad po pero ubos sa sagdsagaran ang pasensya ko sa byaheng ito at talagang hindi na kayang ipinta ang itsura ng mukha ko, meron pa nga suhulan pa daw ako ng singkwenta riyal para sa pitong kilo..gusto ko sagutin ng "eto singkwenta!lumayas ka sa harapan ko parang awa mo na!!"

hindi ko din sila masisi, dahil hindi sapat ang kaalaman nila, nakipagsapalaran din sila sa bansang ito para makasuporta sa kanya kanyang pangangailangan, pero naman, parang awa na, paano ka tutulong sa taong, ang gusto niya lang ang iginigiit at hindi ka maintindan, nakakaiyak sa kabwisitan..

Thursday, 16 April 2009

made.old

bente dos..bente dos nako...hindi pa naman ako panick buying sa lovelife..meron naman ako..
buhol-buhol nga lang..in short magulo..
sa mga panahon ngayon hindi naman pa ako worried sa mga ganyang bagay dahil pakiramdam at pakiwari koy nagsisimula pa lang ako sa buhay..tipong ngayon ko pa lang nagagawa ang mga gusto ko sa sarili kong desisyon, at ultimo sarili kong fulus..
ang kaso kinabahan naman ako ng malaman ko dito sa trabaho na may mga dalagang..may edad na rin eh dalaga pa rin..
lalo ako natauhan na ayoko magtagal sa bansang to..siguro dalawa-tatlong taon na nag pinakamatagal o bahala na SIYA kung ano ang balak NIYA sa landas ko..
gusto ko pa rin syempre ang trabahong ito pero ndi sa lugar nato, oo mahirap magsimula ulit, bagong pakisama, bago na naman lahat..pero kung ginusto mo naman ang isang bagay walang problema..
sa ngayon nagsisimula ako, mabuhay sa mundo ko na ako ang may hawak sa gusto kong tahakin, na syempre may gabay NIYA..

kaya nasa sa KANYA na kung anu ang susunod..
basta alam ko hindi ako panick buying, pero wala akong balak tumanda ng magisa sa mundo..wakoko

Wednesday, 15 April 2009

lungayngay

walo hanggang siyam na oras sa loob ng walong araw..sa wakas isang araw na lng makakapagpahinga na ko..dahil para nakong bouncing ball araw araw..im so f*cking tired..

give me a break people..

Tuesday, 14 April 2009

no.name.

mga sikat na nilalang sa DIA:

angelina--paborito saktan ng lahat
teletubbies--paborito upakan ng lahat
lolo--paborito ng lahat kasi mapagbigay sa pagkain
eyebags--paboritong pagtgauan ng lahat
gremlin--paboritong pagkutuwaan ng lahat kahit mataas ang pwesto
bestfriend ni aica--hindi nagpapakain, bestfriend din ni anne
bestfriend ni majo--marunogn naman magpakain, sa piling oras nga lang
kintab--pakialamera
landi--juwa ni panga
panga--juwa ni landi
chikito--pinagtripan nina anne
burger--kaisturya ni janice tungkol sa burger
bestfriend ni jam--basta bestfriend ni jam.

additional

mashonda--bestfriend namin lahat, busangot kasi siya


wala nako maisip..
pasintabi na lang po at patawad na rin..pawang katuwaan lang po at pagiwas sa lantarang pagbanggit ng pangalan upang makaiwas sa kaguluhan..

Monday, 13 April 2009

this one-liner made my day..

taena..ahlove this kowt!!
wahaha...

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

oo nga naman..duh..

Sunday, 12 April 2009

pagpatak ng scrapbook

pang limang beses ko na ata nakitang umulan sa doha, pero ito yung pinaka malakas..ang sarap..parang nasa pinas lang..ang lamig, simoy bagyo na nga..nakakaaliw, nakakarelaks...
pero balik na naman ang sakit ko ata sa kokote at emosyon na pag umuulan apektado ako..ang lungkot, flashback lahat..

rewind...
flashback..
rewind...
flashback..

ang pangit, ang lungkot, hindi naman sa puro malungkot ang naalala ko, may mga masaya din..yun nga lang yung mga masayang memories ang mas nakakalungkot kasi natapos na, mahirap na maulit, hangang memory na lang, kung pwede ngang ivideo o kunan ng picture lahat ng nangyayari aba why not kunan para lahat may souvenir..pero hindi, hangang memorya na lang yung lahat na parang hindi nangyari..

mga alaala na hindi na mauulit, at bukas bubuo ulit..

Saturday, 11 April 2009

shukranmyfriend

People come into your life for a reason, a season or a lifetime. When you know which one it is, you will know what to do for that person. When someone is in your life for a REASON, it is usually to meet a need you have expressed. They have come to assist you through a difficulty, to provide you with guidance and support, to aid you physically, emotionally or spiritually. They may seem like a godsend and they are. They are there for the reason you need them to be. Then, without any wrongdoing on your part or at an inconvenient time, this person will say or do something to bring the relationship to an end. Sometimes they die. Sometimes they walk away. Sometimes they act up and force you to take a stand. What we must realize is that our need has been met, our desire fulfilled, their work is done. The prayer you sent up has been answered and now it is time to move on Some people come into your life for a SEASON, because your turn has come to share, grow or learn. They bring you an experience of peace or make you laugh. They may teach you something you have never done. They usually give you an unbelievable amount of joy. Believe it, it is real. But only for a season.

LIFETIME relationships teach you lifetime lessons, things you must build upon in order to have a solid emotional foundation. Your job is to accept the lesson, love the person and put what you have learned to use in all other relationships and areas of your life. It is said that love is blind but friendship is clairvoyant . Thank you for being a part of my life, whether you were a reason, a season or a lifetime.

Friday, 10 April 2009

avrildyes

Jealousy is an emotion experienced by one who perceives that another person is giving something that s/he wants (typically attention, love, or affection) to a third party.
source: http://www.best-quotespoems.com/jealousy-quotes.html

eh ano ngayon? wala kang karapatan..karapatan mo man magkagusto sa isang tao at pwede mo pa ngang siyang mahalin pero kung wala kayong koneksyon, relasyon o kung anu pa man, wala kang magagawa, dahil wala kang karapatan magselos, sorry ka na lang, hindi ikaw, siya..


Men are the cause of women not loving one another.
A.W. Hare and J.C. Hare

Thursday, 9 April 2009

ang sementeryo sa umaga..gubat sa gabi..

kasumpa sumpa talaga ng huwebes sa klase ng trabahong ito..pagupo mo ng alas tres umasa ka na na hindi ka na makakatayo pwera na lang kung hahanap ka ng senior o bisor na siya ang makakatulong sayo at kung uuwi ka na..pambihira andiyan pa yung pilit mong gagawin lahat para maibigay mo pa din ang tinatawag na customer service pero hindi sukdulan ang sobrang bigat ng bagahe ng pasahero mo at aawayin ka pa dahil hindi mo mabigyan ng upuan na gusto niya..kung gusto niyo na puro bintana sumakay kayo sa jeep!at parang awa niyo na hindi namin kaya magbigay ng libreng sampung kilo sa bagahe..tayo kaya palit ng pwesto..pambihira..

andiyan pa yung sa sobrang pagod mo na mali mali na yung napapalitan ng upuan..susko..salamat na lang at hindi iisang flight ang bukas kundi yari ka na...

mauubos ang pasensya mo..sa pagod, gutom,at kakulitan ng pasahero na hindi alam na siyam na oras ka ng nagbibigay ng customer service..susko..buti pa tayo naiintindihan natin sila..ang hirap ng trabahong to..

lumipas ang siyam na oras na ganun ganun na lang..wala ka nang matatandaan sa siyam na oras na nagdaan..matatandaan mo lang ang pagpasok at pagalis sa trabaho..

abrilochodalawanglibosiyam

bukod sa tinatawag kong araw ko ang araw nato..hindi rin, nagkabulilyaso na nga nawalang pa kami ng internet connection..napakasayang kaarawan dito sa disyertong kaharian..

Tuesday, 7 April 2009

wala

wala ako masabi sa araw nato..siguro kasi naging maayos ang lahat..magaan yung araw walang problema at walang pabigat..masaya kami kahit sinamahan ko ang isang kaibigan sa ospital para magpacheck pagkatpos ay nagmalling saglit at kumain ng konte dahil bukas ay araw ko..pero bukas sa trabho malalaman ko kung talaga nga bang araw ko..

Monday, 6 April 2009

si manang na walang ****

lakad..lakad..hanap..tingin.."room for rent"..ayan maayos ang kuwarto, isang kama..king size siguro apat hangang lima pa nga ang kasya..rooftop ang pwesto, may garden set pa..mahangin, sa sobrang hangin iisipin mo nakasakay ka sa motor boat!isama mo pa ang takip ng lugar na trapal, ito ang pinaka bubong..masarap maliwas, libreng talong, libreng kalamansi, libreng sampaguita, libre kasi patago ang pagkuha..

"pakipatay ng toooobeeeeeeeggggggggggggggggg!!" ang hiyaw ni manag na walang ANO, etong si manang na maraming reklamo sa magagandang borders niya, marami daw bisita lagi, nagpapatulog ng ibang tao at inaangkin daw ang rooftop....

iski impyerno ang pakikipag away sa kanya ng mga border, pero siya ang nagbigay ng spice sa pagtira doon sa rooftop "baba na yung tubeeeeg sa hagdan!!" sigaw ng border na bwisit na bwisit sa kanya..

"saan ang punta niyo??"tanong ni manang na walang ANO "bible study po" sagot ng malokong empleyado ng paliparan..mga malolokong nilalang may edad na nga si manang pinagloloko pa, pano ba naman kasi to si manang lagi na lang pinagiinitin ang magagandang border!..

si manang na walang ANO..nagbigay kulay sa pagtira ng magkakaibigan sa may rooftop..papasok,magttrabaho,manananghalian,matutulog,papasok ulit,uuwi,matutulog,magmemerienda, matutulog, ang sarap at ang saya simpleng buhay na tulad noon, pero kailangan lakasan ang loob para makaraos sa buhay..

at hayaan na si manang, iwanan na si manang na sumigaw ng "pakipatay ng tooobbbeeeeggggg!"

Sunday, 5 April 2009

sagot mo sarili mo

sa mundong to mahirap magtiwala,nariyan ang pamilya, kaibigan, kasamahan sa trabaho, kakilala, sino sa kanila ang pwede mong pagkatiwalaan kung minsan nga sarili mong desisyon hindi mo mapagkatiwalaan? ang pamilya nandiyan sila para sayo kahit pa pagbalibaligtarin mo ang mundo, susuportahan ka hanggang sa huli, yun lang paano na kung hindi mo sila kasama? milya milya ang distansiya niyo..sino ang sasalo sayo? sino magpapayo? sinong magtatangol sayo??

lalo na kung sa trabaho na ang usapan, nasa ibang bansa ka ibang lahi ang mga kasama mo, mga ibang lahi na kung kadalasan ay hindi ginagamit ang tamang pagiisip.. ito yung mga taong ang maipilit lang..basta yun na yun..naipit ka sa isang sitwasyon, sinong sasalo sayo?..wala ka nang matakbuhan, salamat sa mga kaibigan mo na gumagawa ng paraan para matulungan ka sa sitwasyon, pero paano kung wala kang kaibigan, salamat sa kababayan mo na laging handa tumulong sayo, tutal pareho kayo wala sa bansa ninyo sino pa ba ang magtutulungan, pero paano kung sa mga oras na yon wala si kabayan?, salamat sa ibang lahi na ginawa ng diyos na may mabuti pa ring puso at maayos na pagunawa na andiyan na handa ka palang tulungan hangang sa huli, pero paano kung wala din?

paano ka?..sino na ang tatakbuhan mo?..pagdarasal na lang ang tangi mong panghahawakan para makaraos sa pagkakaipit na sitwasyon..

sa mundong to..mahirap..walang sasagot para sayo, lubos na pagiingat dapat, lubos na pagkamarunong, lubos na pagkamadiskarte..yan ang kailangan mo..isama na rin ang lakas ng loob at lakas ng pananalig at pagtitiwala sa taas na hindi ka NIYA pababayaan kahit anu pa man..

dahil sa mundong to..hindi parating may sasalo para sayo..sagot mo ang sarili mo..

Saturday, 4 April 2009

training

masaya ang training..ilang oras at ilang araw na maliligtas ka sa ipitan na trabaho sa paliparan..lalo na ngayon pag kumuha ka ng pwesto kulang na lang huwag ka huminga maibigay lang ang tama at mabilis na serbisyo sa pasahero..

naiintindihan natin sila..pero tayo sa ganitong larangan sinung iintindi?..sarili lang natin..tayo lang ang nakakaalam kung bakit masama ang araw natin dahil sa kung bakit hindi na natin kaya magtrabaho matapos ang pagupo ng walong oras..kung bakit hindi na natin kaya ngumiti sa mga susunod pang oras..at kung bakit hindi na natin maibigay ang tinatawag na customer service..

gusto ko ang trabahong to..pero tulad ng ibang nilalang na ginawa ng diyos sa mundong to tayong mga tao ay may buhay napapagod, naiinis at nauubos ang pasensiya..kailangan pang habaan ang pasensiya..san ba nakakabili para makapagbaon ng marami..

ang akala nila madali..walang madaling trabaho..kung magkaiba tayo ng trabaho..hindi ko kayang gawin yan tulad ng hindi mo rin kayang gawin ang trabaho ko..sapat na pagtitiyaga at pasensiya ang puhunan para matuto ng isang larangan..pero dapat isali din ang pagbibigay respeto..respeto sa sarili at sa bawat isa..

"we may be in the service industry but we are not their servants"

Thursday, 2 April 2009

nakakapagod

nakakapagod..maghanap buhay..ako pa naman yung taong gusto kumita ng pera pero ayoko mapagod.."hindi bale nang tamad hindi naman pagod" di ba??..
hirap maghanapbuhay..tapos na ang labing-limang taong pagaaral...labin-liman taong wala kang iintindihain kundi sarili mo..
noong kinder nga wala ka pa iniisip kundi ang maglaro, wala ka pakialam kung magaral ka o hindi..

elementary..dito mas maraming laro pero anim na taon to dadating na yung oras na unti unti ka ng matataunahan na kailangan mo magaral para makapasa at makakuha ng mataas na grade kasi nakakahiya sa crush mo pag bumagsak ka..andito na rin yung pagproblema mo sa mga ubod ng dami ng assignment mo at ang exam isang maghapon lang halos..galing natin nung elementary..

highschool..syempre mas may kokote ka na nito mas maarte ka na..mas concious ka na..mas marami ka ng crush..may nanliligaw na sayo o may nililigawan ka na..minsan tinatamad ka na pumasok pwera na lang kung may konsensya ka o maiingit ka sa mga kaklase mo na ggraduate na at kung saang collge o university sila papasok..

college..ang hirap pero masarap..ito na yung early adulthood, masaya ka your free to do anything you want basta syempre sagot mo sarili mo..you watch your own back! pag may bagsak ka magisip ka ng dahilan kung bakit ka magbaback subject..at magisip ka na rin ng dahilan kung bakit ka magshishift ng course pag tinatamad ka na sa unang napili mo..
kolehiyo..magisa ka na marami ka na natutunan..pagka nakapagtapos ka na..pwede na..
pwede ka na isabak sa totoong buhay..

unang araw pagtakatpos ng graduation eto ang mga problema ko:
**saan ako magapply?
**paano kung mapagiwanan ako?
**wala ng tutulong sakin
**wala nakong spokesperson
**wala ng summer vacation!!
**wala ng sem break!!
**wala ng xmas break!!
**wala ng "ma, pa, bili mo ko nun!"
**ibig sabihin good luck sayo!!

ang hirap din nga mga madadaanan mo bago ka magkaroon ng trabaho..papaimpress ka lagi..bebenta mo sarili mo..show them what youve got!

pag nagkatrabho ka na..sarap may sarili ka ng pera, sariling oras, wow grown up ka na, kaya mga problema mo pang grown up din, dati problema mo paano ka manunuod ng tv eh brownout, ngayon problema mo wala pang sweldo baka maputulan kayo ng kuryente, dati problema saan kaya maganda makaglamiyerda, ngayon problema mo, saan ka huhugot ng panahon para magpahinga..

iba na ngayon eto na totoong buhay..pero hindi mo naman dapat lagi seryosohin, maging masaya, ienjoy ang araw araw..may problema ka itawa mo lang masasawa din yan sayo, may mas mabigat pa na problema diyan..

wag mashado mamroblema..masaya mabuhay..minsan lang to..isipin mo mamomroblema ka ba sa mundong to eh wala namang nakalabas ng buhay dito..

live..love..laugh..

Wednesday, 1 April 2009

copied and pasted..jamil-leh

guys...i will miss u all...so sad pero maraming salamat sa understanding at napakalaking support...

ate bingkaye,di nako makakapagsumbong sau sa mga bestfriend kong ibang lahi...

shang...loko ka pinagpractisan moko ng tagalog lessons mo..

meann...pasensya na sa kakulitan ko tenk u kc d k napipikon sa pangaasar ko...

janice..."babaaaaayyyy"tenk u sa bonggang bonggang advice...

yvone,mami zen,jiniper...di ko man kau masyadong nakakasama,tenk u sa mga chismax at daldalan pag nagkikita tau...

juvy carla...wag kalimutan ang ating flat70 memories...ituloy mo ung pagiging lc ha...di man lang ako nakapagparelease ng seat o nakapagpaopen ng flight sau...

ging...magpaassign ka na sa c/in para di ka na nabuburaot sa mga taong matatalino at mababango...sabihin mo pareho lang ng system sa 5j ung sa rj kaya pwede ka maging dedicated dun..

april and days...salamat sa supply ng chichirya at chokolate sa break..

digma...hehe d.a. dir magiingat ka ha...gudlak sa inyong plans ni bf..nakakainis di na tau pinagsama ng shift

carisse...my dir...mamimisskita..magpapabili p naman sana ako sau ng hello kitty na laptop cover sa leave mo...wala na taung pagasa lumabas..

itel...wag masyado magSL...wala tau sa macro hehehe...peace!

shye..wag ka na maiinip ilang buwan nalang...konting konti nalang..saka magtipid ka anak...nanay??

erwin...ate,itigil mo na yang pagpaparami mo ng chinek in...dapat pag nyt shift mo gawin yan lalo na pag rush ewan ko lang kung umabot ka ng isang libo...dibale ng tamad di naman pagod!!!

anne,hay goodlak sa pagiging official mo...at karerin ang pagoother airlines...di natau nakapagpanderosa

aica...nakakaiyak tong blogmo..
http://kwentongmoonlight.blogs... .
mamimiss kita...sayang di ako nakapirma sa form na pinirmahan mo para makuha ang 3-11pm shift na pinakaaasamasam ko,,isipin mo nalang yayaman k sa ot...pasensya pasensya ang kailangan...

majo...pag naisipan mong lumipat sa room ko sabihin mona agad para may makasama si kat...tenku sa kulitan kahit sandali..

joi...isa kang mapalad na nilalang dahil kasama mo c chinching mo!!sayang sandali lang tau nagsama..

sam...nako naman di tau binigyan ng chance magsama...nakakainis...

at sa aking pinakamamahal na roommate na si kat na tumatangkilik sa mga niluluto kong hokuspokus...konting tiis nalang malapit ka na rin...hirap din ako umalis kc naiisip ko pano ka na..baka way to para maging magBFF kau ni landlady!!hehehe wag kang magpapapagod ha...ung likod at ulo mo...at saka wag kang tamarin kumain...sori tlga nid ko ng umalis...hayyy...di natin natapos ung pasalubong shopping everymonth...wag ka naman masyado magot baka naman mapadali ang paguwi mo dahil magkakasakit ka...

guys at sa lahat ng di ko na namention..super tenk u...mwaaaaahhhh...goodluck sa ting lahat!!alshallah!!

baysap

nakakalungkot talaga..
isiping aalis ka na..
saglit na panahon..
ating naipon..

salamat sa pastang masarap..
sa chocolate na laging meron ka..
sa glucose biscuit na laging tinatago..
at lalo ang mga moment sa counter..

sayo walang dull moment..
kahit pa nakatayo sa punishment..
kahit pa nakakatampo kayo..
dahil hindi niyo ko sinasama sa lakad niyo..

salamat sa oras..
at sa pagkakaintindi sa topak ko..
sa pagsakay sa pagpapansin ko..
ingat ka palagi..

magiging maayos ang lahat..
para sating lahat..