Sunday, 8 November 2009

ang buhay nga naman

ngayong araw na to natutunan kong sadyang talagang lahat tayo ay may kanya kanyang kahahantungang katapusan, una una nga lang yan sabi ng mga nakakatanda, sadyang mahirap maiwan dito sa mundo ng mga taong sadyang mahal natin sa buhay lalo pat naging napakalaki ng naging parte nila sa pagkatuto natin sa mundo.
una una lang yan, may bata, matanda, biglaan, sinubukang maging handa, kahit pa sa paanong paraan mararamdaman mo ang sakit na hindi mo na makakasama ang taong ito sa mundo, pero kailangan natin tanggapin, masakit lalo na kung bata pa siya pero kung matagal tagal na rin ang nilabi niya sa mundo at alam monh nahirapan din siyang makipagpatintero sa nanunundo sa kanya ay matatanggap mo at pasasalamatan din na natapos na ang kanyang paghihirap.
lungkot at luha, walang humpay na pagiyak, marahil hindi dahil sa naiwan ka dito sa mundo kundi sa dahilang may mga pagkakataon kang napalagpas na sana ay nasabi mo sa kanya o nagawa mo kasama siya, nasa huli ang pagsisisi ika nga.
anu pa man ang bagay na iyon at mga pagkakataong sana ay hindi natin binalewala, tayo ay nagbabakasakali na sa ngayong malaya na sila ay nararamdaman nila ang lahat ng nasa puso natin.
anu man ang dahilang hindi natin alam, kailangan natin tanggapin, tibayan ang loob, maging bukas ang isipan, oo mas madali sabihin kesa gawin, pero ito ang ikot ng mundo, una una lang yan...


tatay,
salamat sa lahat, hinding hindi kita makakalimutan at lahat ng aking natutunan, salamat..dasal ko ay masaya ka na ngayon at malakas tulad ng dati.
ako pa rin ang paborito mong apo at ikaw pa rin ang paborito kong lolo.
i love you tatay..
nov.09, 2009 r.i.p.
aica

Monday, 26 October 2009

blanko

isang buwan na naman ang nakalipas, ang dami na namang tumakbo sa isip ko, gusto ko ilagay lahat dito pero sa dami hindi makakasabay ang kamay ko sa pagtipa ng mga letra o kahit pa pagsulat, hindi ko kaya sabayan ang utak ko sa dami ng naiisip.
bukas isang taon, diretsong isang taon nako wala sa pilipinas, sa bahay namin, masaya dahil isa na naman sa mga nakalista sa chekclist ko ang napagtagumpayan ko, naalala kong una ang maging aktibo sa kolehiyo, ang makapagtapos ng pagaaral ng hindi lumilipat ng kurso, magkaroon kaagad ng trabaho pagkababa ng entablado, makuha nag pinapangarap na trabaho, makuha ang pangarap na trabaho sa ibang bansa, ngayon nandito nako, naubos na yung checklist ko, nawala na hindi ko na alam ang susunod, isang taon, nastuck na ata ko, ganito ba talaga epekto ng kapaligiran ata tao dito?wala namang dapat sisihin natural, pero nakakalungkot at nakakainis isipin na hindi ko na maisip san ang susunod na pintong papasukan ko, noong nakaraang taon, disidido at pursigido akong makalabas ng pilipinas ngayong nandito na, anong susunod..

nalabanan ko na noon to, pero eto na naman , noon bago tumuntong ng kolehiyo sinigurado kong maayos ang kababagsakan ko, maayos naman, pero kulang pala ang preparasyon, dahil naabot ko na to, hindi ko na alam kung ano pa ang susunod, sigurado akong ayokong magkaposisyon sa trabaho, hindi ko tinarget yon, hindi ko yun nararamdaman na gagawin ko, ayokong magaya sa mga namumuno ngayon.

minsan ko ding naisip bakit kailangang seryosohin ng husto ang buhay, isang pagkakataon lang to, dapat namnamin, samantalahin pero sa walong roas na trabaho, malayo sa pamilya at kung titingnan e malayo sa matinong sibilisasyon sa paanong paraan ko malalaman ang totoong buhay, ang problema ko sa sarili ko, hindi ako marunong magsabi ng problema, gusto ko ako lang may alam hanggang hindi ko alam kung pano susulusyonan, sa pagkakataon ngayon hindi ko na sinunod ang sarili, hindi ko naman kasi alam kung saan patutungo, bente dos, yung iba nagaaral pa, yung iba may anak at pamilya na, ako hindi ko pa din alam san pupulutin....

blanko.hirap.

Sunday, 20 September 2009

panahon

sampung buwan dalawangpung araw na hindi na ako nakakakuwi sa bahay namin, kilala pa kaya ako ng aso namin, nakakalungkot at nakakatuwang maalala ang mga memoryang nabuo sa munting tahanan namin, tatlong masayang bahay ang nasa loob ng apat na pader tatalong pamilya, masaya samasama, yun ang noon, unang bahay ang bahay ng mga lolo at lola araw araw masaya, agahan, tanghalian , at hapunan, walang kasing sarap na putahe ang inihahanda ni lola.."nanay" kung tawagin ko, araw araw merienda, bili at bigay naman ni lolo "tatay" naman kung tawagin, sa ngayon nakakalungkot isiping tahimik na ang bahay nila, araw araw nadadagdagan ang edad ni tatay at araw araw ay nanghihina, tahimik na ang tatay, wala na yung araw na araw na kwento niya tungkol sa buhay, ang nanay naman na parating may pasalubong sa aming magkapatid at napakaalaga samin ay hindi na rin daw tulad ng dati, panahon nga naman..
ikalawang bahay, ang bahay nila pinsan, pinsan kong napakalapit sakin na parang kapatid ko na din, araw araw din dun masaya, araw araw magkakasama magpinpinsan at magkakaibigan, walang sawang kwentuhan at lokohan, kasama pa nga namin parati si auntie "mommy" kung tawagin, maliwanag parati ang bahay na ito, maingay, laging nakasindi ang stereo o kaya naman yung tv, pero ngayong pinili nang tumira sa ibang bansa nina mommy sobrang tahimik na, nawala na din yung liwanag, nawala na ang stereo, tv at walang sawang kwentuhan, panahon nga naman...
ikatlong bahay, ang bahay mismo namin, salamat sa diyos puno pa rin ng buhay, ang maliit kong kapatid, dalaga na,hindi na marunong maglaro,ang mga magulang ko na salamat sa diyos ay pinagitbay pa din, andito na din daw parati ang "nanay" kasama nila, pero hindi pa rin tulad ng dati, wala na kasi yung dating gulo ng mga kaibigan ko, naming magpipinsan...

ang dating compound namin, na parating masaya noon lalo na sa panahong ito at magpapasko, tahimik na...mahirap ng maibalik ang dati lalot may kanya kanya ng buhay ang bawat isa, pero wala pa rin akong ikasisiya kundi yung pagdating ng araw na magkakaroon ulit kami ng walang sawang kwentuhan at ang pagliwanag ng mga dumilim na parte ng bahay..

sobrang bilis tumakbo ng panahon, hindi kayang habulin, dapat bawat araw namnamin, pero minsan hindi ko maiwasang isipin na para kong video game, paulit ulit, panay ang restart at hindi nakakausad sa susunod na level, dapat bawat araw pahalagahan, bawat araw maramdaman. araw araw may pagbabago, gusto mo man o hindi wala kang magagawa kundi tanggapin, eto ang buhay..

Monday, 7 September 2009

buhay nga naman

lagi ako nagiisip ng dahilan sa mga bagay ng nangyayari, ewan ko ba kasi naman sabi nga lahat ng bagya may dahilan, bakit nagising ka pa ng umagang to--isang araw na naman ang binigay sayo, bakit ka kumakain--syempre nagugutom, bakit ka naliligo--una bukod sa nakasanayan mo na siguro ayaw mong maamoy ang sarili mo o kaya naman e hindi ka talaga makatiis na hindi malinis ang katawan, bakit ka nagttrabaho--para kumita ng pera--bakit? para mabuhay sa mundo--bakit?yan ang hindi ko kayang sagutin.

kung may reincarnation man o wala ay hindi ko alam ang alam ko lang araw araw papalapit tayo ng papalapit sa finish line..oo finish line kung san lahat e mapupunta o sige gusto mo deretsahan, mamatay..para tayong video game, inistart at araw araw na kumikilos sa dahilang hindi din natin alam,at tulad ng video game may game over! pero kahit pa siguro basahin mo lahat ng mga sinulat na libro na nagsasabi kung ano at paano mo malalaman ang silbi mo dito sa mundo, malamang tulad ko hindi ka pa rin makukumbinsi, at kahit pa siguro paikot ikutin ko tong pagkwento ko ng walang kwentang bagay e hindi ko din alam kung ano ang dahilan at araw araw akong binibigyan ng pagkakataon, ang bawat paggising ko sa umaga ang pinaka ebidensya.salamat pa din.

trabaho ka ng trabaho, ipon ka ng ipon, imbak ka ng imbak, para kang langgam, pero sa huli gagastahin mo din naman hindi mo naman madadala sa hukay ang kayamanan mo, oo sabihin na nating naghahanda tayo sa sinasabing FUTURE, pero minsan lang ang buhay, bakit mo iipunin ang lahat ng bagay na pwede mong gawin na ngayon, hindi lang ang pera pero ang bawat pagkakataon na sasabihin mong saka na lang o kaya ay bukas na lang, nakakapanghinayang paano kung huli na pala...

tulad nung estudyante ka pa lang, kailan mo gagawin ang thesis mo?bukas na lang kasi nakakatamad?kailan ka magpapasa ng proyekto mo??sa deadline na lang?kasi kaya nga may deadline?kailan ka kikilos para makapagtrabaho?saka na lang pag sawa ka na sa bakasyon?kailan ka naman magbabakasyon sa gitna ng trabaho?saka na lang pag marami ng ipon?kailan ka naman magiipon?saka na lang pag nabili mo na lahat ng gusto mo?kailan mo naman mabibili lahat ng gusto mo?saka na lang pag natugunan mo na lahat ng problema mo?kailan mo haharapin ang mga problema mo?pag nakapagisip ka na?anu ba nag dapat isipin?ano ba ang dapat gawin?kailan mo bibigyan ng importansiya ang mga bagay na importante sayo at ang mga taong mahal mo??pag wala na sila?o wala ka na?...o baka bukas na lang...kasi nagbabakasakali kang magigising pa....nga ba?

GAME OVER!!

Thursday, 3 September 2009

sama ng loob

mabilis maubos ang pasensiya ko simula ng gawing ko tong trabaho nato,por pabor santisima, hindi mo maintindahan ang mga pasahero sasagarin ang pasensiya mo, para bang sila yung nagtraining ng husto para masagad ang pasensiya mo at ibigay mo na ang gusto nila..ang sarap sigawan ng mga lintek na syempre hindi mo naman magawa...

utang na loob, bakit ka magdadala ng bagaheng hindi mo naman pala kaya bayaran..porpabaor kung wala ng bintana o pasilyo aba san kita iuupo..?bumili ka ng sarili mong eroplano, at kung maiiwanan ka na ng biyahe kasalanan ko ba kugn bakit hindi ka nakarating ng maaga, kasalanan ko bang sa dulo ka pa ng qatar nanggaling?, kasalanan ko bang hindi mo alam at hindi ka nagbabasa ng tiket mo?...pambihira..hindi ito bus..

eto pa tatawagin ka pang sister...aba magkapatid ba tayo?isa lang kapatid ko..at hindi mo ba maintindihan ang dalawang piraso nak ng kamote dalawa nga e tapos ipipilit mong tatlo..shet...shet na malagkit...

tatanda..tatanda at mamumuti..nuti kung mamumuti pero hindi..malalagas malalagas ang buhok ko at masisiraan ng bait kung hindi ko ibabahagi sanyo mga hinanaing ko sa trabahong pinili ko.

masaya ang trabaho, lalao pa kung matino ang mga ktrabaho, pero kung makikita mong ikaw lang ang nagttrabaho, di ba ang sarap pagbabambuhin ng mga artistang to..minsan kong pinangarap ang posisyon na to..nagtuloy tuloy salamat sa diyos, masaya pa rin ako kahit na ganyan ang araw araw na nakakaharap ko, natanung ko nga sarili ko pano ko pala nagagwang kausapin sila, mga pasaherong pasaway hindi mo maintindihan kung ano gusto, ultimo plastic bag sayo hihingin..aba grocery ba ko??...

pero salamat pa din..salamat sa diyos at isa isa kong naabot ang dati ay kaya ko lang isipin...

Sunday, 30 August 2009

guhit tuwid na guhit

gustuhin ko mang may maramdaman, wala, wala talaga, masama naman siguro kung pipilitin hindi ba

Thursday, 13 August 2009

the past the present and the future

nakakasuka pala ang sobrang pagiisip..sino ba naman kasi may sabing magisip ng magisip ng isang bagay na hindi naman ata dapat isipin... wala akong makuhang advice na matino kahit kanino, ang gulo..

proud ako sa sariling nakalimutan na kita, hindi kita nakalimutan pero ang sakit--wala na, andiyan ka pa din pero hindi mo na ko naapektuhan kaya na nga kitang pasalamatan, ang dami kong natutunan sayo, natuto ako maging matatag, maging matalino sa pagdedesisyon, maging masaya sa simpleng bagay, at natutunan ko din na makalimutan lahat ng hindi magandang emosyon na naramdaman ko, natutunan ko din na masanay sa pagalis mo sa buhay ko, kasabay nito natutunan ko din ata maging bato.

hindi lang ako ang nakapansin nung una, pero napupuna ko, wala na yung dating ako, parang kong pader hindi matinag, wala ng maramdaman, pader ako sa bangin na kahit ilang bese at sa kahit anong paraan ihulog ay hindi mahulog hulog, minsan gusto ko na tumalon, pero hindi lapat na lapt ang pagkakonkreto ko sa lupa.

ang hirap pala matutong maging marunong at maging matatag para sa sarili, hindi mo na alam ang totoong pakiramdam ng pagmamahal, wala kang maramdamang kilig, sa sarili hindi mo tuloy maintindihan kung manhid ka ba talaga o sadyang wala kang maramdaman sa taong to, alam mo at nararamdaman mong gusto mo ang taong ito pero bakit ayaw lumagpas sa puntong mahal mo na..araw araw mong nararamdamang aparang haggang pagkagusto lang talaga ang nararamdaman mo.

kung pakakawalan mo ang taong ito dahil marahil nalapit mo ng masiguro na wala kang pagmamahal, paano sa susunod?..sa susunod kayang magtangka ay ganito pa din ang maramdaman mo?blanko, hindi alam ang susunod na gagawin..walang espesyal na pakiramdam parang isnag mahabang mahabang kalsada lang na walang patutunguhan.

umalis ka at natapos tayo pero anu tong huling bagay na tinuro mo sakin..

Friday, 24 July 2009

mga pagaakala at mga memorya

naalala ko lang ang ilang memories, pinatugtog ko kasi ang dati kong paboritong playlist na gustong gusto ka pa din, ibang pakiramdam ang daming magandang memorya,
una na ang apartment namin , isang kama kaya namin pagkasyahin ang anim na tao, na komportable pa rin ang pagtulog, naging tambayan ng lahat, masaya, 4am gising paisa isa para maligo at maghanda para pumasok, ala sais, nagmamadali na pumasok, matapos ang duty alas dose, patagong uuwi ng bahay para makapagpahinga, magigising na lng para mg time out, hahaha, well ayan binulgar ko na sikreto namin..pagbalik galing sa trabho simula na ng masayang patayan at ubusan ng oras, apat kami minsan lima anim, o higit pa, kanya kanyang pwesto habang tumutugtog ang radyo na iisa ang istasyon sa loob ng bente kwatro oras, bilib din ako s aradyo na to, binaha na ta lahat tugtog pa rin..at ang mga tugtog sa istasyon na to siya ring playlist ko sa celphone na pinapatugtog ko pag nasa labas kaming magkakaibigan..
kanya kanyang pwesto, may maglalaba, magluluto, maglilinis, mamalengke, kakain, meron din matutulog na lang dahil may sama na naman ng loob..
iba iba ng napagsamahan namin sa apartment nato, dito ko natutunan ang magtiwala sa kaibigan at magkaroon ng totoong kaibigan, malaman kung sino ang kaibigan at ang nagpapanggap lang.

playlist, ang daming memorya, ibat ibang araw, ibat ibang tao, dito ko naalala ang mga taong akala ko ay totoo sakin, akala ko yun ang pagkakataong nakakilala ako ng totoo, pero hindi, sa huli, nasa huli, hindi naman ang pagsisisi dahil walang pagsisisihan pero nasa huli ang konklusyon na tama pa din pala ko..hindi lahat ng tao kaya magbago, dapat ginusto niya.

sa mga taong nakasama ko sa *bahay ni manang* maraming salamat, ang dami kong natutunan, kahit ganoon kalala kasama si manang, it was the best i have experienced..!

Sunday, 19 July 2009

imsickandtired

imsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredmsickandtired when im finished helping out everybody, after giving all my best for my love ones, accompanying everybody who needs company, replacing someone who needs replacement, doing a task for somebody who wont be able to do it, after using every bit of emotion and energy i have, will there a be someone for me to do same thing, and will someone be there as i faint and lose all the energy that i have?

Friday, 17 July 2009

KWENTUHAN

ibang lahi1:
"ISANG BESES PA LANG AKO NAKAPUNTA SA PILIPINAS, PERO GRABE, SA GABI MAAAWA KA SA MGA TAO, NATUTULOG SILA SA KALSADA, MGA BATANG MALILIIT SA KALSADA NATUTULOG, WALA SILANG BAHAY"
ibang lahi2:
"TALAGA GRABE..BUTI PA PALA SA BANSA NAMIN MAS MAAYOS, PERO GUSTO KO PA DIN BISITAHIN ANG PILIPINAS MAGANDA DAW ANG MGA BEACH NILA DOON"


kwentuhan sa harap naming dalawang filipino, oo sa harap mismo namin, kasi kasama kami sa kwentuhan, noong una maganda ang kwentuhan, tipong pinagmamalaki pa namin ang magagandang destinasyon sa sariling bansa, sabi nga kasi pa nung isa kong nakausap isa pitong libong isla sa bansa niyo, lahat naman pang turista, maganda..yan ang madalas kong marinig sa mga ibang lahing gustong makita ang mga isla ng pilipinas, pero sa unang unang pagkakataon narinig kong sa pilipinas mo makikita ang sobrang pagkakabukod ng mamayan, mula sa maayos ang buhay,mayaman sobrang yaman at sobrang hirap din. gusto ko pa sanang ipagtangggol ang sarili kong bayan, tahanan, pero wala na akong nagawa, magaling siya, maggaling siyang pumuna ng mga talaga namang kapansin pansing bagay, hindi siya matatawag na turista, ang turista panay magaganda ang napapansin sa isang bansa, nakita niya ang kanbulukan ng isang parte ng pilipinas, nakakahiya, pero walang magagawa, yun ang katotohanan, wala na kong masasabi pa para ipagtanggol ang isang bagay lalot kitang kita ang mali. anu pa kaya ang susunod na maririnig ko..maririnig natin... lahat naman tayoy patay malisya lang..kibit balikat..

Sunday, 12 July 2009

what have you learned lately?

what have you learned?...
i have learned a lot,
i have learned that its easy to make friends but hard to find friends, people come and go in our lives and well only realize how important to us once we lose them.friends will always be with you at all good times, true friends will always be with you no matter where you are, they will literally always be there for you.
i have learned that i cant explain love, and nobody can, you wont be able to explain it, you wont be able to say that this is love finally, love doesnt make you blind but makes you accept the flaws of your love ones, the love of your family to you cannot be compared to the love of your partner nor your friend to you, these are three different things.
i have learned that change is the only constant thing in this world, you grow old, you make mistakes, you move on with life, you get a new job, a new mobile no, even new shoes, but contrary to the constant change not everybody can change, a person can only change for himself, not for anybody else, for that change would just be temporary.sooner or later youll end up being your old self again.
i have learned that if youll start your morning bright youll have a pleasant day, no matter what happens on that day, youll have that smile on your face.
i also learned that i have patience, i may say that i dont have, but i found out for the people i love most my patience is more than my pride,i have found out i can control my tears if you give me a glass of water and if you see me that im about to cry, dont ask me, leave me alone.
i have learned that the only person you can trust when you are outside your home is yourself, read between the lines, do not talk to strangers.
i have learned a lot more than this, but still everyday i wake up knowing, this is a nother day thank god, new things and lessons to be learned..

Saturday, 11 July 2009

EMOSYON

dadating at dadating ang araw, kahit gaano ka kasaya, kahit lahat ng pangarap mo naabot mo na, mararamdaman mong may kulang sayo,anung kulang, hindi mo din masabi, ann n hig hirap tukuyin, akala mo yun na hindi naman pala, lalo na kung ikaw ang tipong laging tagapagalaga sa mga tao sa paligid mo, parang magsasawa ka at mararamdaman mong kelan naman yung araw na ikaw naman ang aalagaan.yun na pala yun.

minsan akong nasabihan ng isang tao na masyado daw ako naghahanap ng pagmamahal at pagaalaga, natawa ako, hindi niya kasi siguro alam kung ang ang pakiramadam.wala akong pakialam sa mga taong kung ano ano ang iniisip at sinasabi tungkol sa kin, dahil hindi yun importante sakin, yun ang tingin nila at higit kong kilala ang sarili ko.

pero..

paminsan minsan aaminin kong napanghihinaan din ako ng loob lalo na pag nararamdaman kong may mga matang pumupuna sakin, hindi ako perpekto, walang taong perpekto kailan gan nating tanggapin yun, ginawa tayo na mayroong kanya kanyang karakter para magkaroon ng sariling karakter.pero madalas takot ako, takot akong mapuna sa kapitasang maaring nakikita ng lahat, pero nagpapasalamt sa mga taong naging kaibigan na natanggap ako at lubos ang tiwala sakin, pero paano na lang ang hindi pa nakakakita ng kapintasan ko, paano kundi nila matanggap??..tulad ng dati, kalimutan at magpatuloy na lang ulit..

Thursday, 9 July 2009

ang hirap

ang hirap ng araw na mararamdaman mong magisa ka, oo may kaibigan may pamilya, hindi momaintindihan kung sang luapalop nanggaling ang ganitong klaseng pakiramdam, wala ka namang problema pero para kang pingsakluban ng langit at lupa, parang pasan mo ang mundo sa bigat ng pakiramdam mo, wala kang gana kumain, kumilos, makipagusap kahit kanino, lumabas ng bahay ang gusto mo lang matulog dahil baka sa paggising mo lumipas na ang pakiramdam na nararamdaman mo.

nakuha mo lahat ng pangarap mo sa mundo, halos lahat, halos makumpleto mo na yung iba abot kamay mo na, pero ano bigla mong mararamdamang may kulang, lalo na kung hindi mo kasama nag pamilya at hindi mo na gingawa ang mga nakagisnan..ang hirap, para kang nasa gitna ng labang hindi mo alam kung sususgod ka pa o aatras, gusto mo sumugod dahil sayang ang mga abot kamay mo ng pangarap, gusto mong umatras dhil pagod ka na at hindi mo na din makita kung anu ang susunod pang mangyayari, pagod ka na..

nastuck ka na sa gitna, hindi mo alam ang aggawin, anu bang purpose mo? bakit ka ba andito sa mundo?anu pa ba ang mga bagay na pwede mong gawin?..pag ginawa mo ba tong desisyon an to magiging masaya ka?pero ang kasiyahan mo lang ba nag ikkonsedera mo paano ang pamilya at ang ibang taong maapektuhan?

ang hirap..kailangan ko ng tubig...

the more water you drink, the less youll cry..

Monday, 22 June 2009

the walkway

as we grow up we meet different people, some we gain them as friends but eventually lose the connection some will become our best friends and will still be there for you no matter what change happens, there will be times in your life that you will have all this friends that also wants to do what you want to do, you jive at everything, you like what he/she likes and also the other way around, you get attached, you treat him/her like a sibling you get concern and hope that you will be together till you meet the end.and so you go on together with life.
change is the only constant thing in this world,we grow old, people change their dream as they accomplish the first one, people change to make it short.in your walkway through life there will always be a person who will go along walking woth you, but you should understand that there will come a time that this person will choose a different path to leave you, for whatever definite reason they have, some will even ask you to leave them behind becasue they have a reason, dont be too harsh on yourself or them and force them to stay for you because for sure on somebody elses walkway you also left and took the path you wanted.
there life seems to be fair after all.

Friday, 19 June 2009

mama

ako at ang nanay ko hindi kami gaano kalapit sa isat isa, noon hidni kami madalas magkwentuhan noong nasa elementarya ko kahit iisa nag bahay namin hindi kami halos nagkikita dahil madalas sila sa trabaho, pagdating ng sekondarya hindi rin kami ganoon kalapit sa isat isa hindi din kami masyado naguusap pero alam ko sa sarili kogn gusto kong mapansin niya ako..pinilit lahat ng pwede ko gawin, pero naramdaman kong parang balewala sa kanya ang lahat ng papaskita ko, dahil una bata pa ang kapatid ko at kailangn ng atensyon, ikalawa nasa gitna kami ng kalagayang kailangan naming makaraos nung panahon na yon, pagdating ng kolehiyo oo madalas na kami magusap pero madalas hindi maganda usapan namin, bangayan at pagtatalo, pero nasa sa loob ko pa din ang pagpupursigeng magpasakita, inayos ko ang marka ko sa klase, kahit hindi pinakamataas masasabing kaya ko pa din ipagmalaki, lahat ng kaya ko gawin ginawa ko, ipinasa ko ang scholarship na akala ko wala akong pagasa dahil buong mundo ang kaagaw ko, pero wala hindi ako napansin, pagkatapos ng kolehiyo, pasok sa trabaho, tila lalo kami nagkaroon ng puwang sa isat isa, madalas ko siyang iwasan dahil pakiramdam ko wala pa rin kahit isa sa ginagawa ko ang importante para sa kanila, pero hindi hindi ako papatalo mapapansin ako..
ngayong nasa ibang bansa nako nararamdaman kong talgang importante siya sakin, bukod sa natural na katotohanang siya ang nagluwal sakin, iba na kami ngayon, nararamdaman kong nagtutulungan na kami, nararandaman ko ang pangungulila sa kanya..
sobra pa sa malaki ang pasasalamat ko sa kanya, ngayon ko nararamdaman na lahat ng ginawa ko ay pinagmalaki niya, lahat ng ginawa niya ay para sa amin, at lahat ng gagawin ko ngayon ay para sa kanya, para sa kanila.
ngayon ko hinahanap ang lahat ng klase ng luto niya, walang makakapantay, ang pagaalala na may kasamang sermon, ang pangungulit at ang walang kapares na pagaalaga niya sakin, ngayon natutuwa akong lahat ng bagay ay kaya ko na sabihin sa kanya lahat ay kaya ko na ikwento ng walang pagpipigil..
laking pasasalamt ko sa diyos sa siya ang nanay ko..
hindi nako makapaghintay pa..

Saturday, 13 June 2009

bentedos

dadating talaga yung araw na gusto mo bilisan, galingan at ayusin lahat ng problemang sa palagay mo ay dapat ng masolusyonan, pero pagkatapos ng araw maiisip mo pa din hindi ganuon kadali, wag ka magmadali, kung suko ka na ibigay mong lahat sa diyos lahat ng problema mo yun naman talaga ang gusto niya magtiwala ka sa kanya, hindi ka niya bibigyan ng problemang alam niyang hindi mo kaya solusyonan, ang buhay hindi lagi masaya, kailangan may iba pang rekado, magkaroon ng mahabang pasensiya at matibay na pagtitiwala sapagkat lahat ay mangyayari sa tamang panahon sa perpektong panahon niya, huwag mainip, isa isa lang, kaya mo yan!

Sunday, 7 June 2009

sundaypanaman

hindi ko alam kung ano dahilan bakit laging may ganitong araw yung pakiramdam na parang sirang sira arw mo pero hindi mo naman maalala kung ano dahilan??

Saturday, 6 June 2009

tamad na workaholic

minsan nagtataka din ako sa sarili ko, may sakit ata ko sa pagiisip, pero dahil inamin ko na malamang magaling nako ngayon, pansin ko sa sarili ko ang karakter ko ang tipong kasalungat ng isa pang meron ako, (ayoko man magdescribe ng sarili ito ay obserbasyon lamang po), ayoko sa tamad, pero aminado ako may panahong akala mo talaga pingsakluban ako ng langit at lupa sa katamaran, at pag naman nagkatrabaho at nahypher ako, sobrang sigla ko, gutso ko ng maraming kaibigan gusto ko lahat kaya ko maging kakawentuhan ako ang mahirap lang sadyang mahiyain ako, oo nawala na o nabasawan na ang ganyang karakter ko at masasabi kong kahit paano ay malakas na ang loob ko, pero andun pa din ang panahong, kahit 4 na oras na tayo magkatabi,kung hindi mo ko kikibuin hindi talaga kita kakausapin, sa madaling salita hindi ako magaling magsimula ng magandang usapan, ayoko ng magulo pero may panahong, ubod ko din ng gulo, ayoko ng mayabang may panahong hindi ko din mapigilana ng karakter na yan pero totoo namang hindi dapat maging mayabang, lahat ng ugaling meron ako kasunod agad ang kasalungat nito...kung iisipin balanse pala, normal din pala siguro??

butas

nakakabwisit na magagandang kanta na nakakapagpaalala sayo ng hindi magagandang nagyari sa buhay mo, ayan naguguluhan ka na naman tuloy hindi mo alam kung kelan ka na naman magiging masaya o ano, ang gulo kasi, magagandang kanta paborito pa nga pero pambihirang flashback.

Saturday, 30 May 2009

1256midnight and still thinking

its when you have a lot of things in mind and would want to express it but you dont know how to, its like yod just want to keep it to yourself to your head but your effin mind is going to blow up!

Saturday, 23 May 2009

lucky kid!

TO ALL THE KIDS WHO WERE BORN IN THE
1950's, 60' s, 70's and early 80's !!First, some of us s urvived being born to mothers who did not have an OB-Gyne and drank San Miguel Beer while they carried us.
While pregnant, they took cold or cough medicine, a te isaw, and didn't worry about diabetes.

Then after all that trauma, our baby cribs were made of hard wood covered with lead-based paints, pati na yung walker natin, matigas na kahoy din at wala pang gulong.

We had no soft cushy cribs that play music, no disposable diapers (lampin lang), and when we rode our bikes, we had no helmets, no kneepads , sometimes wala pang preno yung bisikleta.

As children, we would ride in hot un-airconditioned buses with wooden seats (yung JD bus na pula), or cars with no airconditioning & no seat belts (ngayon lahat may aircon na)

Riding on the back of a carabao on a breezy summer day was considered a treat. (ngayon hindi na nakakakita ng kalabaw ang mga bata)

We drank water from the garden hose and NOT from a bottle purchased from 711 ( minsan straight from the faucet or poso)

We shared one soft drink bottle with four of our friends, and NO ONE actually died from this. Or contacted hepatitis.

We ate rice with star margarine, drank raw eggs straight from the shell, and drank sofdrinks with real sugar in it (hindi diet coke), but we weren't sick or overweight kasi nga......

WE WERE ALWAYS OUTSIDE PLAYING!!

We would leave home in the morning and play all day, and get back when the streetlights came on. Sarap mag patintero, tumbang preso , habulan at taguan.

No one was able to reach us all day ( di uso ang cellphone , walang beepers ) . And yes, we were O.K.

We would spend hours building our wooden trolleys (yung bearing ang gulong) or plywood slides out of scraps and then ride down the street , only to find out we forgot the brakes! After hitting the sidewalk or falling into a canal (seweage channel) a few times, we learned to solve the problem ourselves with our bare & dirty hands .
We did not have Playstations, Nintendo's, X-boxes, no video games at all, no 100 channels on cable, no DVD movies, no surround stereo, no IPOD's, no cell phones, no computers, no Internet, no chat rooms, and no Friendsters. ...... ...WE HAD REAL FRIENDS and we went outside to actually talk and play with them! We fell out of trees, got cut, broke bones and teeth and there were no stupid lawsuits from these accidents. The only rubbing we get is from our friends with the words..masakit ba ? pero pag galit yung kalaro mo,,,,ang sasabihin sa iyo..beh buti nga ! We played marbles (jolens) in the dirt , washed our hands just a little and ate dirty ice cream & fish balls. we were not afraid of getting germs in our stomachs. We had to live with homemade guns " gawa sa kahoy, tinali ng rubberband , sumpit , tirador at kung ano ano pa na puedeng makasakitan. .pero masaya pa rin ang lahat. We made up games with sticks ( syatong ), and cans ( tumbang preso )and although we were told they were dangerous, wala naman tayong binulag o napatay.paminsan minsan may nabubukulan lang. We walked, rode bikes, or took tricycles to a friend's house and knocked on the door or rang the bell, or just yelled for them to jump out the window! Mini basketball teams had tryouts and not everyone made the team. Those who didn't pass had to learn to deal with the disappointment. Wala yang mga childhood depression at damaged self esteem ek-ek na yan. Ang pikon, talo. Ang magulang ay nandoon lang para tignan kung ayos lang ang mga bata, hindi para makialam at makipag-away sa ibang parents. That generation of ours has produced some of the best risk-takers, problem solvers, creative thinkers and successful professionals ever! They are the CEO's, Engineers, Doctors and Military Generals of today. The past 50 years have been an explosion of innovation and new ideas. We had failure, success, and responsibility. We learned from our mistakes the hard way. You might want to share this with others who've had the luck to grow up as real kids. We were lucky indeed. And if you like, forward it to your kids too, so they will know how brave their parents were. It kind of makes you wanna go out and climb a tree, doesn't it?!
--source: forwarded electronic mail

Friday, 22 May 2009

pitong buwan aking natutunan

matutunang makipagusap sa taong hindi mo alam kung maiintindahan ka
magmura ng pagkalutong lutong sa sobrang kabwisitan
makalimutan ang nakaraan
magimbento ng kung anu anung ulam
magayos, maginternet, magluto sabay sabay
magbilang sa ibang lenggwahe
natuto ng kaunting ibang lenggwahe
magpigil ng paghinga sa loob ng limang minuto dahil ikamamatay ko kung hinde
magpigil ng antok sa loob ng sampung oras dahil uuwi ako ng pinas kung hinde
madali magkaroon ng bagong kakilala pero hindi bagong kaibigan
natutunan kong maiksi pala talaga ang aking pasensiya
sa bansang ito talagang iiksi ang pasensiya mo
matutong kumain magisa
maggrocery magisa
tumunganga sa bahay magisa..kulang na lang kausapin ang sarili na magisa
kaya ko pala mgpasaya ng iba kahit nalulungkot ako
magtipid dahil matapos ang isang araw na sweldo, isang buwan na naman akong walang pera
magsinungaling
makipagplastikan sa mga kupal na kasamahan--na ayokong ayoko gawin
kapwa mo kabayan aabusuhin ka
sukdulan ang inggitan
matulog sa umaga magising sa gabi
huwag kumain ng isang buong araw dahil walang oras at panahon
ang pinakamahirap ang malayo sa sariling bahay at pamilya

Tuesday, 19 May 2009

di lang totoo, tunay pa.

mahirap maghanap ng tunay na kaibigan, marami diyan akala mo kaibigan mo yun pala ang totoo nagpapanggap lang..maswerte na siguro ko na kahit iilan at kahit paano nakahanap ako ng mga totoong tao para maging tunay na kaibigan, laking pasasalamat ko..

matatawag mong kaibigan ang isang tao kung handa ka sabihin lahat ng sikreto mo at buo ang pagtitiwala mo sa kanya na hindi ka niya bibiguin sa pagtago niya ng mga sikreto mo,
sila din yung mga taong kahit anu pa mangyari andiyan pa din sila para sayo, hindi ka nila bibigyan ng payo, pero sasabihin nila sayo ang dapat mong gawin at kung ano ang nakikita nilang totoong nangyayari, masaktan ka man sa sinabi nila, alam niya na matatauhan ka din, hindi mo na siya kailangang tanungin kung pwede mo ba siya kausapin dahil lagi siyang may oras para sayo, pag may problema ka kahit nasa gitna ng date yan iiwan niya yan para sayo, humanda ka nga lang dahil sesermunan ka muna niya tungkol sa date niya bago ka tanungin kung ano ba nangyare sayo, pag nagbihis ka at nakita niyang hindi bagay, sasabhin niya sayong "hindi bagay ok!" "iba na lng suotin mo"..di tulad ng iba sasabihin sayo "hmm...ok lang". murahin ka man niyan alam mo at mararamdaman mong may pagmamahal ang bawat salita niya at panenermon sayo, itututring ka niyang kapatid at hindi siya papayag basta basta kung saan ka na lang pulutin sa mundo, kung nagmumuka ka ng tanga hindi sasabihin na "muka kang tang", sasabihin niya sayo "ang tanga mo, tumugil ka na",pag may problema ka hahayaan ka niya dumaldal ng dumaldal hanggang magsawa ka at pag tapos ka na ihanda mo dapat ang tenga mo..

ang tunay na kaibigan hindi natatakot magpakatotoo sayo at sabihn kung dapat mo ng ituwdi utak mo dahil paliko-liko ka na, parte sila ng buhay, isa sa pinakaimportantent karakter sa buhay natin, kung wala sila sino na lang magsesermon sayo kung mukha ka na palang tanga sa ginagawa mo..kaya pahalagahan ang bawat tunay na kaibigang meron ka..minsan lang yan, wag pabayaan.

Sunday, 17 May 2009

relak

isa sa pinakamasarap kakwentuhan ay yung mga may edad na, mga sanay na sa buhay, sila yung pag nagkwento o nagsalita at nagbigay payo para kang batang manlalaki mata, elibs ka agad, isa sa pinakamagandang payong natutunan ko sa kanila,
"ineng relak lang wag ka magmadali, lahat ng gusto mo makukuha mo sa tamang oras, kundi man baka mas maganda pa sa gusto mo ang ibigay sayo.."
mapapaisip ka bakit ka nga ba magmamadali sa buhay na makuha lahat ng gusto mo, mamadalain mo ang araw ng hindi mo na napapansin ang mga nangyayari sayo sa mga oras nato, tipong nabalewala na yung isang buong araw dahil masyado mong hinihigit yung oras makarating ka lang sa bagay na gusto mo nang mangyari, hindi mo naisip, minsan lang mabuhay, isang pagkakataon lang ito, namnamin mo na, kung kanina maganda ang sikat ng araw at hindi mo napansin baka bukas maulan na..wala ka dapat madaliin dahil ang bawat araw dapat ikasiya mo, hindi mo masasabi kung mamaya sa pagtulog mo eh hindi ka na pala makakabangon ulit, masama man isipin pero hindi natin alam, namnamin ang bawat pagkakataon at bigyang importansiya ang bawat araw at pangyayari sa buhay, walang dahilan para magmadali, lahat may tamang panahon, bakit ka ba magmamadali sigurado naman na hindi ka pa handang makarating sa tunay na katapusan.

Friday, 15 May 2009

stat

status messages that i would like to put on my status on yahoo messenger all at the same time..
*i f only i could*PART1
my link on this site
"suplado"
"kung dalawa mahal mo, piliin mo yung pangalawa dahil hindi ka naman hahanap ng iba kung talagang mahal mo yung una"
"wala sa ginagawa natin ang makapagsasabi ng sapat kung sino tayo dahil lagi tayong higit sa kaya at hindi natin kaya gawin"
"parang elevator lang yan, bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung alam mong puno na, may hagdan naman ayaw mo lang pansinin"
"youre like my personal brand of heroine"
"i dont have the enough strenght to stay away from you"
"all i want is your love"
"pls define: OK LANG"
" i miss you dearly"
"bakit ako na lang lagi"
"what an effin life..still love it anyway"
"im not a good starter of conversation, especially if im not interested which means youll now know why i talk to you.."
"dont believe your mind telling you that im a snob..im not..im just shy..^_* "
"..the hopeless romantic is nothing but hopeless.. "

Tuesday, 12 May 2009

NAIA and DIA

NAIA: aerobridges DIA:stairs and cobus
NAIA:everybody leaves their hometown DIA: everybody goes to their hometown
NAIA: immigration somehow knows the use of visa DIA: is contented with checking the exit permit
NAIA: easy to restart conveyor belts DIA: goodluck with restarting
NAIA: i love people here DIA: i love SOME of the people here
NAIA: home of customer service DIA: home of civil transactions
NAIA: sleepy before duty DIA: sleepy all time during duty
NAIA: security checks your passes by themselves DIA: you go to security so the they can check your pass
NAIA: WOW resto good true food DIA: STERLING..be contented with the fries
NAIA: announcers are chosen DIA: whoever
NAIA: rules are rules DIA: if the powered says go..GOW!
NAIA: passengers only DIA: the whole town is in
NAIA: no passport no ticket no entry DIA: GOW!
NAIA: right parking space DIA: park anywhere anytime
NAIA: everybody is knowledgeable DIA: well until they can cope up.
ok enough of that NAIA isnt perfect too i know..im bias i know..there are also a lot of good things at DIA..but what can i say..NO PLACE LIKE HOME

Friday, 8 May 2009

call it a boring life...boring life...

gising.ligo.ayos
luto.kain.ayos
pasok.trabaho.uwi
kain.tulog.
balik sa "gising"
yan ang ginagawa ko sa araw araw..o sige lagyan mo ng pagiinternet sa pagitan ng lahat ng yan..
pero eto mga highlight araw-araw sa trabaho:
walo hanggang sampung oras kang dadal sa harap ng tao ng walang pahinga at kainan dahil mahaba ang pila..
aawayin ka ng pasahero dahil hindi daw maganda ang serbisyo mo dahil hindi mo siya mabigyan ng upuan sa tabi ng bintana, kung gusto niya ilagay ko siya sa labas ng bintana..
hirap na hirap kang magpapaliwanag sa taon hindi mo alam kung naiintindihan ka niya dahil titig lang ang gagawin niya sayo..
susuhulan ka ng kung magkano ang hindi niya alam gusto mo na lang siya bigyan ng doble ng suhol niya wag mo lang makita pagmumuka niya..
hindi ka na makahinga sa baho ng tao sa harap mo..
aawayin ka ng kabayan mo at sasabihin sayong maigi pang matanggal ka na din sa trabho dahil hindi mo siya matulungan, maigi pa ang hindi niya kalahi..
magbubuhat ka ng bagahe na marerealize mong mabigat pala nung naibaba mo na..
makikiusap ka sa pasahero habang nakikiusap din siya sayo, parang hostage situation, tingnan niyo kung sino unang bibigay..
mabibwisit ka sa minsang katangahan mo at katangahan ng kasamahn mo
ang pinakapaborito kong highlight pagpatak ng 12.00am

LIVE.love.LAUGH

be thankful that you still woke up today, for this day is another chance given to you by GOD, to enjoy his wonderful creations.

LIVE. live to the fullest, it doesnt mean you have to party all night. do what you do best and improve on those flaws, youll never know when will be your last.

LOVE. love everyday and everybody, forgive your enemies and forget those pains. love is a wonderful gift, let go of the past, hug the present and welcome the wonderful future.

LAUGH. smile at everybody, chit-chat with your friends and giggle those jokes out, spending time with your family and friends or even meeting new ones will be so much fun. remember laughter is the best medicine.

every frown you make is a minute put to waste..

i am therefore thankful for this day and so as you should be..

Wednesday, 6 May 2009

late.reaction.syndrome.

bakit hindi mo ko pinigilan?...tumatakbo sa isip: "wala na ata akong pakialam"

iba talaga ang magic ng distansiya at trabaho, makakalimot ka sa lahat ng bagay dahil marami kang gingawa, wala ka nang pakialam, kaya sige go lang ng go..ang mahirap pag dinalaw ka ng late reaction syndrome..

eto yung pakiramdam na may gusto ka pa palang gawin, na dapat ito pala ang ginawa mo, dito mo magagamit ang salitang nasa huli pala ang pagsisisi, pero wala na late reaction nga eh, matapos ang ilang buwan ngayon mo lang mararamdaman na tanga ka pala..

ang masama pa diyan ngayon mo pa naramdaman na sumuko na rin siya para sayo, wala ka ng pagasa dahil nung panahong binitiwan ka niya at hinayaan mo siyang malaglag ay may nakasalo pala sa kanya...

magdusa ka na lang diyan sa panghihinayang dahil talagang nasa huli ang pagsisi, anu pa ba ang kaya mong gawin..

Tuesday, 5 May 2009

masarap bang mag two-time?

**this i got from FS b.board, this is how i actually think as of this moment**
masarap mag two time dba ?..yung tipong dala- dalawa sila... tatlo-tatlo.. minsan sampu- sampu pa nga e dba?!pero minsan naiisip ba ntin kung ano epekto nito sa mga nasasaktan ntin??masarap magtwo time...pag natapos ka sa isa..lilipat ka naman sa isa..tpos sa iba nman hanggang sa mag-sawa ka, tpos iiwanan mo lng..kase may nkita kang mas gwapo o mas mas maganda sa knya...minsan pag nag away kau ng number one mo damay-damay pati yung 2nd..3rd..and so forth..kawawa nmn sila noh?samantalang wala nmn silang gngwa sau kung di ang intindihin ka at mahalin lang...
bakit nga kya masarap mag two time???
kse hindi ka marunong makuntento sa kung anong meron ang gf/bf mo?
kase meron mas better sa present mo...?
kase SELFISH ka! ayaw mong ilet-go yung present mo.

its for your own sake khit nasasaktan mo na siya?kase ano?
ano? kase sarili mo lang ang iniisip mo...
pano kung gawin sau yun?
sa tingin mo makakaya mo?
sa tingin mo okey lang sau?
ano?.....ano?
dba masakit din? tsaka mo malalaman na mahal
mo pala tlga siya pag may mahal na syang
iba..pag hindi na ikaw ang mahal nya...tsk..tsk..tsk..

PeePz...masarap magmahal at mahalin..sana lang ..
MARUNONG TAYONG MAKUNTENTO SA IBINIGAY SATIN...
TAYO-TAYO NA NGA LANG ANG NAG KAKAINTINDIHAN..
TPOS TAYO-TAYO PA ANG NAGTATALUHAN!!!!
HEY PEOPLE WAKE UP!!!!!
MAHALIN NYO MGA GF/BF NYO!!!!!!BE LOYAL!!!
soweee sa mga natamaan ko po....=(

ginigicing ko lng kayo sa matagal nyong
pagkakatulog....bka ksi pag gising nyo WALA NA

YUNG TAONG NAGMAMAHAL SA INYO NG TOTOO...
from my cuz: moonbabefairy

Monday, 4 May 2009

almost.but.not.quite

got this from email..so true..


Parang Kayo, Pero Hindi. She is a 24-year old copywriter. He is an architect. They met and became lovers in college. They broke up last year but remained to be "friends." They send sweet text messages and he calls her often to make sure she's okay. They still date. They still have sex. They don't see anyone else. It is obvious that they still love each other but when asked about their situation, she doesn't know the real score. Even her friends are in the dark. "Parang sila, pero hindi."

She works in a telecom. He is reviewing for the board. They are in the same barkada. They talk on the phone till 4 am. He gives her chocolates, flowers and CDs even when there is no occasion. Their friends are suspecting something. Bakit sila nagsosolo kapag may overnight inuman? Why does he hold her close on the dance floor? Bakit sila magkaholding hands lagi? Sila kaya? "He hasn't admitted anything," she rants. "But I let him hug and kiss me. Parang kami, pero hindi."


They work together in an ad agency. After office, they would watch movie, have dinner and stroll at Glorietta. She gave him Harry Potter books for his birthday in exchange for posing as her boyfriend to make an ex jealous. They made out during the company outing in Subic and never talked about it. He said "I love you" once but she wasn't sure if she heard him correctly because they were both drunk then. But one thing she is sure of is her feelings for him. She likes him. And she's assuming that with what he's doing to her and with her, he likes her, too. There's just one hitch: he has a girlfriend!


She is a 28-year-old virgin. He's a 35-year-old bachelor. Both mountaineers, they became close during their climbs. After a few dates in posh restaurants, he brings her to his condo where they would make out. They have been doing this for months. She wants to believe that "sila na" but then she's not really sure about it. "We don't talk about it but it doesn't really matter," she'd tell her friends. "What's important is I am enjoying this -- whatever it is." The "parang kayo, pero hindi" stage.


Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationships. Pseudo- boyfriends. Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers. Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi. This kind of "relationship" can happen at different stages for different reasons. It can happen after a break-up. You still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. A nd for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan. It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang. Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo --usually the guy --may ka-relasyon na. Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa kasi "hindi naman kayo." This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng "kalaro." Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba't ibang dahilan. Puwedeng for fun lang. Puwedeng "buti na iyan kesa w ala" or puwede na iyang "pantawid-gutom." Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian. For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. It would be fun, if all you are after for is that "kilig" feeling.

Aminado naman ako na once upon a time, may mga pseudo-relationships din ako. No commitments involved. For the simplest reason that they couldn't commit, because they were either committed to someone else, or that they weren't ready to commit. My rationalization, "okay na iyun, kesa wala." Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko. Iyong merong ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the real thing, puwede na itong pagtiyagaan. But then I learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi. Una, you can't ask him to commit. Since it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his life. You can't expect him to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos? Pangalawa, what if you fall deeply in love with him? You can't be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell him you love him, you can't. Because you're not sure if he'll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all. Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man hasn't? What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls? Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. When a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang pinanghahawakan. Kasi sa pseudo-relationship, there is no "us." Meron lang "you and me," hindi "us." Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo- relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else. Ang h irap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you'd end up hurting yourself in the process. Pero puwede naman maiwasan ang pain eh. Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences. But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing. When I was younger and in a pseudo-relationship with an unavailable guy, a friend told me, "Sige, kung ayaw mong magpapigil, bahala ka.

Magpakasaya ka. Pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita." Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang "parang kayo pero hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang siya ...


almost, but not quite.

Saturday, 2 May 2009

ayokongtaongtamad

i hate lazy people although there are times that i also feel lazy, i dont know, why cant you just put on some effort and stretch out your bones..use your brains! whats wrong with you, they were given to you so that you can use it not for display..

i hate lazy people and im confident enough that i am hardworking, i maybe sleepy..but yes im hardworking..

i hate people who passes their jobe unto others,its your responsibility! what you dont trust yourself?..
i hate those people who i need to push fisrt in order to move...arrrghh..

people..

Friday, 1 May 2009

p.a.n.i.c.k.

ang swine flu na nagsimula sa mexico at kumalat sa ibat ibang parte pa ng mundo ay nasabing nasa middle east na (hindi ko alam ang source), hirap na hirap akong magtrabaho ng dahil sa araw-araw kaming naka N95 na mask (prang nokia N series lang) na may lagpas isang daang libong piraso ang binili ng kompanya para protektahan, ang mga empleyado (magandang punto) pero sa palagay ko, mauuna ko pang ikakamatay ang dahilan ng hindi maayos na paghinga dahil sa mask bago pa man mapatunayang andito na ang virus.

malungkot na kasiyahan=kabaliwan?

no man is an island, walang taong kakayaning magisa, kaya nga kailangan natin ng kasama, katawanan, kaiyakan, kahit pa sa kalokohan, kaya nga tayo nagkaroon ng kapamilya, kaibigan, kaklase, kasamahan at kahit pa simpleng kakilala lang.

hindi masaya ang maging magisa, masaya ang maraming kaibigan..KAIBIGAN, hindi ka-ibigan, pero natural lang na kasama din yan sa kasiyahan ng isang tao sa mundo. pero nakakalungkot isipin na sa lahat ng klase ng relasyong meron sa mundo, lahat may sari-sariling pagsubok, may mga nareresolbang nakakapagpatibay ng relasyon at meron din namang sa kasamaang palad ay natanim na at hindi na nagawan ng paraan at nakuha sa maayos na usapan.

nakakapanghinayang.

Tuesday, 28 April 2009

pasensiya hindi ako si nobody!

isip..isip...takbo..takbo..hindi makatulog kailangan ko magsulat..magtype pala..

nobody is perfect..perpekto daw si nobody, hayaan mo na sa ganyang paraan ko siya gusto gamitin, pasensiya na hindi ako si nobody ibang tao ako..hindi perpekto, madalas magkamali pero hindi ako ang taong mariringan mo ng "pasensiya na tao lang"..bakit may mas mataas na uri pa bang nilikha ang diyos bukod sa tao na perpekto na hindi maari magkamali kaya ka nahihiya na tao ka lang..?..lahat tayo nagkakamali mula sa pagkakamaling naiwanan ang company id kaya hindi makapasok hanggan sa paggawa ng malalaking desisyon, ang importante matuto tayo..

sa lahat ng bagay na gagawin mo kailagan lagi kang handa, hindi maaring lagi ka sa positibong aspeto nakatingin, oo magandang may positibo kang pananaw sa buhay pero tandaan hindi laging gawa yang kalsadang yan at baka kung minsan ay gawin yan at ma detour ka, kailangan handa ka, pag maganda resulta salamat at maganda, kung hindi dapat mong malaman paano ka kikilos upang maayos ang kinalabasan o kung ano ang dapat sanang gawin mo pa..

hindi perpekto ang buhay, lahat may paghihirap, ibat ibang klase man, lahat tayo may kanya kanya dapat gawin, kailangan handa ka..wag ka pumunta sa eskwela ng walang dalang bolpen, exams pa naman..

habang tumatagal tayo sa mundo pabigat ng pabigat ang mga desisiyong nagagawa at kailangan nating gawin, kaya naman dapat dalawa lagi ang sagot..dapat hindi sarado sa oo at hindi ang sagot mo sa lahat ng sitwasyon..dapat laging may kasunod,kung,kaya,dahil..

kung ikaw ay magkakamali, gamitin mo na lang itong aral, parte ng klase mo upang matuto dito sa mundo..

tulad ko..hindo ako si nobody..ibang tao ako..pasensiya..ipakilala mo ako kay nobody para matutunan ko ang teknik niya sa buhay..

__blank__and__empty__

sa mga nakakaalam at nakakakilala sakin...just two words can sum up all the things i want to say,

BLANK & EMPTY

with all the thoughts running in my mind, i just camt simply put it altogether to share my araw araw na kwento ko...

Monday, 27 April 2009

hate.this.sick.of.it.

ever felt so alone?..powtek..i F**KING hate that feeling, well im not actually alone, i have friends..and a lot of them, but there are just those times that you feel sad..once a friend told me, its part of maturity..shet ang maturity na yan..anu super mature nako??!

anyhow..maybe im just not that contented with where i am, yes im happy, a bit fulfilled with a career im planning to feed to grow..pero iba talaga ang pakiramdam ko..para kong naluge..hindi hindi naluge ang tamang term, parang nabuhusan ng kape tong laptop ko..oo ganun, since ito ang pinaka priced possesion ko ngayon..oo parang natapunan ng kape ang laptop ko at hindi ko alam ang gagawin..parang walang bagay na makakapagsabi sakin na ok lang yan kasi hindi ok..

ang kulet pa naman ng kokote ko as many of my close friends know..grabe imagination ko..a simple old music from the 80's can convert the looks around me into the 80's and just thinking of a ghost a couple of times scares the hell out of me..kaya ayoko ng nababakante ko..

i want to be occupied all the time, kasi kung hindi hala takbo-takbo-takbo..dont get me wrong im not a schezo ok, its just that i think the "mind over matter" has a lot to do with it, ang lakas ng ganyang powers ko..which sucks at times...like right now..

gusto ko na umuwi ng pilipinas..anung gagawin ko dun..gusto ko dito kasi may trabaho..aba puro trabaho na lang ba..shet i suck at this...

before graduation i have the list.."to do" list..all may goals..and here i am with that checklist again..last on that list is having this job..then i plan to make another again..now i cant think of any plans..what is this..im blank??!hell that cant be..

im an independent person.,independent na nagiisa..hindi naman loner pero ok lang sakin magisa..kasi i grew up that way, i can survive alone..dont get me wrong, no man is an island..pero i can live with that kaya siguro when i have my friends i really treasure them..the worst part i somehow get attached..one reason that when it ends..the friendship ends.. i get so low...

even with the simple reason of losing the conversation and contact..


powtek..

Sunday, 26 April 2009

halo.halo.sago.gulaman

mixed ideas.diffrent concept.no whole story.friendster.boredom.plurk.facebook.doha.tatak ofw.language barrier.blasted arabo.no reactiong pana.excess baggage.love.kras.uwi ng pinas.makipagchikahan.maggive up.career.savings.gadgets.sick.homesick.traffic.rush.pinoys.dumb ass.new friends.new boyfriend.exit.ex relationship.grandpa.grandma.family.videos.laklak.thinking of making video.come fast.boredom.redundancy.insomniac.nucturnal.bitterbitteran.blogging.moymoypalaboy.DLSUD.college.college friends.around the world.hongkong.bangkok.male.seychelles.paris.stuck in this career.travel the world.new career.moving on.new love.long lost love.

i have all the ideas..running running...cant make it a story cos something is f**cking bothering me..grrrr

Friday, 24 April 2009

shockproof

ibat ibang lahi, ibat ibang lengwahe, ibat ibang amoy at bagahe, yan, yan ang araw araw na nakakaharap ng mga taong naghahanapbuhay sa paliparan..mahirap akala mo madali, may nagsabi napakadali ng trabaho sa paliparan di tulad niya sa ospital..sinagot siya ng oo madali talaga..madali oras..dahil pagupo mo sa trabaho dire-diretso ka..isip, salita,paliwanag, pakiusap, paliwanag,ngiti,ngiti,gutom,ngiti,pagod ngiti..para kang nasa call center yun lang live ang customer mo, minsan pa hawak mo na pala ang pasaporte at tiket, hihingin mo pa din..robot effect..

ibat ibang lahi-- andiyan ang indiano,pakistani,benggali, filipino,pranses,amerikano,inlges,hapon..buong mundo makakaharap mo..minsan pa magugulat ka at ang kartoon na madagascar pala ay totoong bansa..isla to..at ang mga tao dito ay proud sa nasabing kartoon..

ibat ibang amoy..pasintabi na lang sa maseselan, lahat ng klase ng amoy malalanghap mo..daig pa palengke, iwasan banggitin ang mga lahi ng kung anung amoy, may amoy kusina,araw,nakulob na damit,napaihi sa pantalon,panis na laway, hindi nagsabon nung naligo..lahat na..pero dito pwede mo maipagmalaki ang pinoy, may ibang lahi kasing nagsabi bakit daw ang mga pinoy parating mabango..isang simpleng sagot :"marunong kasi maligo"..marunong hindi lang basta ligo..

ibat ibang lenggwahe, hindi kayo magkakaintindihan, nakatunganga sayo pasahero mo, makipagsenyasan ka na lang..kinakausap ka sa lengwahe niya aba kausapin mo din sa lengwahe mo hanggang sa halos magaway na kayo, pero dahil tinawag na customer service ang trabaho mo..pipigilan mo ang sarili at maghahanap ka na lang ng translator--porter.

shockproof--ibat ibang bagaheng may sampung beses tata binalutan ng tali akalain mong may lambat..ang bagelya..kumot..

iba iba man sa kung anu anung bagay sa mata ng diyos iisa tayo, sa bansang to lahat nakipagsapalaran upang makaraos ang sarili at ang pamilya sa mundo..
kung anu pa man ang lahi mo, lahi niya, kung anu tingin mo sa kanya at tingin niya sayo..pare-pareho tayo..pinakamataas na uring nilikha ng diyos sa mundo...

RESPETO

highlight ng biyernes ko?---pitong go-show,piton association ng ticket, pitong APD..gising ang diwa ko..

isa kang feeling, at ako ay peeler..gusto mong balatan kita??

matauhan ka nga..natauhan na nga..
gising na..kanina pang umaga..
tapos na pantasya mo..kahapon pa alam ko na yan..

matapos makasama ng taong pinakagusto mo sa lahat na sa tingin mo eh sukdulan ng bait naman at naging maayos ang trato sayo, akala mo agad may something special na..mabait lang siguro talaga yung tao at kasi nga marami din siyang kaibigan..
d b nung isang araw na ndi ka na pinansin nautahan ka na sa katotohan..

hes just not that into you...live with it honey..

Thursday, 23 April 2009

love..love pa wala na nga makain..

(if roadfill may or may not allow me to use his dialog..which wala na siyang magagawa dahil ginawa ko ng title..pero i give respect kaya ayan..dito nako hihingi ng permission, with all due respect pahiram lang po ..at warning ulet..this entry may contain harmful words..)

love..sus..kung inlove ka malamang hanggang tenga o baka lagpasan batok na ang ngiti mo marinig mo pa lang ang salitang to,pero kung bigo ka..nakupo lahat na lang ng marinig mong lovesong at related sa love pakiramdam mo kinakanta para sayo, lahat ng bitter bitteran na kowt sa text at sa kung saan man super agree ka..at lahat ng makita mong may jowa reaction mo "woooh..maghihiwalay din yan!!"..asus natawa ka no..totoo naman kasi..

mga panahong bitter bitteran ang magbestfriend, pareho kasing bigo, nagtext si bru kay bru ng kowt...ang highlight ng kowt "tangnang pagibig yan nauso pa!"..ang nakabasang bestfriend, bigo din, so super agree sa kowt..
love is everywhere..all around.. its in the air..naks ang korny na, san nga ba nagsimula yan?..aba hindi ko din alam kaya nga ako nagtatanong..kung may sagot pacomment na lang..

ang love daw conquers all, love is blind---hindi ako naniniwala diyan, marunong tayo lahat magmahal pero sana lahat sa tamang tira..tira-pasok kumbaga, wag pabigla bigla, tandaan mo hindi ka man niya mahal at nasasaktan ka dahil dun paniguradong may tao din na mahal ka at hindi mo mahal na nasasaktan din..o kwits na kayo ng mundo..wag ka na masuklam sa mundo..
wag mo sisihin ang love..masaktan ka man o maligayahan panigurado may natutunan ka naman,dati hindi ka marunong maligo, ngayon may iniirog ka na natuto ka na magpabango..dati hindi ka napasok sa iskwela ngayon may dahilan ka na..yung cellphone mong pang games mo ng snake nagyon nagagamit mo ng pantext at pantawag..

ibig sabihin gawin mo na lang itong inspirasyon, wag na wag mong gamiting pansamantala ang salitang love, makakasakit ka panigurado at bihado mararanasan mo din ang ginawa mo..bilog lang ang mundo..

puso o utak ang tanong??..bakit hindi mo subukan gamitin pareho, kaya ka nga biniyayaan ng pareho di ba..sina jack at rose sa titanic, kundi ba naman mga tanga, kung ginamit ang utak sana nagsalitsalitan na lang sila e d sana walang nalunod..pagsabayin ang pagamit..UMISIP ng solusyon sa problema..gamitin ang utak.ang puso pangpump ng blood...ay pareho pala..ang puso pangbalense, pakiramdaman mo anu bang kahihinatnan ng naisip mong solusyon..

o sha tama na hindi ako love doctor..rush lang kasi kanina sa trabaho kaya kung anu anu naisip ko..
love is the reason why we are all breathing in this world..

kung ndi nagkaroon at nauso ang love, hindi ako mabubuo sa mundo..ibig sabihin walang magsusulat ng ganitong kalokohan, at tulad sakin wala ka rin, na magiging tagabasa ng kalokohan ko..

Wednesday, 22 April 2009

paborito.ko.to.

isang beses ng sumakay ako sa jeep…akp lang sakay ni manong..nagsalita bigla si manong: "hirap talagang pumasada, lalo na kapag ganito..bihira sumasakay" sabi ko.."opo nga eh" saby tanong niya: "nagmahal ka na noh?" sa isip ko: "koneksyon?!" sabay dugtong niya.."hirap talagang pakawalan ang taong sobrang mahal mo, la.o na kapag ipinangako mo na sa sarili mo na siya na talaga hanggang sa huli..sumagot ako:"ah ganun ho ba?"..sabi niya "mahal na talaga" "ah oo!magtataas nga ulet pamasahe" sagot ko…sabay sabi niya:" ganito yan ang gas, jeep atang mismong daan ay parang pagibig, ang driver ay ikaw ang pasahero ay siya, minsan kahit anong ayos ang daan, kahit full tank ka o ok ang jeep mo, kapag gusto na bumababa ng pasahero mo, wala ka magagawa, minsan ipagkatiwala mo manibela mo sa taas..malay mo sa pagpasada mo ulet siya pa rin ang pumara at sumakay"..

katotohanan laban sa pantasya

(paalala: kung bata ka pa, at hindi ka sanay sa "bad words" wag mo na basahin, ayoko maging masamang impluwensya, subalit gusto ko lang ikwento ng buo at eksakto ang mga pangyayari)

huwaw filipinong filipino..kalalim ng title..
eto ang kwento ko ngayong araw..

gumising ako..at tinamad pumasok..
pero bago pumasok may kakaibang nangyari..basta kakaiba..
at pagkatapos ng pangyayaring yun, aba ang ngiti ko ba haggang batok..kasi adik ako..yun na yun, maghapon, ako nakangiti at masa mood magtrabaho..pero pagkatapos ng ilang oras, tila natauhan ako..para kasi kong tanga di ba..

ah basta para kong tanga, sabi nga ng kaibigan ko: "hindi parang, tanga ka na talaga..adik pa potah!" at kailangan madiin na may H ang pota niya..
pinagtatawanan niya ko kasi nga adik ako..

ngayon tatapusin ko tong kwento na to, na naligayahan ngayong araw at hindi na aasa pa kalokohan at sa dahilang matawag akong tanga ng sarili kong kaibigan..

patawad.."its just that im highly inlove..today..just today"

Tuesday, 21 April 2009

peter pan

i think im need of peterpan..sabi nila..haha..

we are one day closer to death than yesterday, love like there is no tomorrow, and if tomorrow comes..LOVE AGAIN.

Sunday, 19 April 2009

byaheng 352

sa katamaran, kapaguran at kaantukan ilang araw hindi ako nakapagkwento..nakakainis hindi ko nasunod ang araw na araw na pagkwento..pero eto sige ang byaheng 352..


nakakainis at nakakaubos pasensiya na naman tulad ng dating byaheng 344, hindi ko maintindhan kung bakit nilipat na nila sa gabi ang byaheng ito, ang alam ko lang nadagdagan ang problema ko, una sa hindi pagakkaintindihan, naisip ko minsan mas nakakaintindi pa pala ang byaheng 344, sila sa 352, pota wala kang pagasa,titigan ka lang, akala ko din yung isa ang may pinakamabigat na problema sa sobrang timbang ng bagahe, pero hindi, suskopo, eto ang pinakamahirap sa lahat saktuhin ba namang limang kilo ang sobra, hindi mo tuloy malaman kung paano mo sisingilin kasi apat na kilo pwede na pagbigyan at sa limang kilo nagsisimula ang pagsingil, susko ang hirap, higit pa minsan hindi mo maintindihan kinse kilo ang sobra, tapos sasabihin sayo tulungan mo siya, anak ng putakte naman, paano mo matutulungan ang taong hindi marunong sumunod sa rules at hindi marunong umintindi, please lang ng please sa harapan mo, santisimo ke horor!!ayoko na talaga...ang hirap umintindi, patawad po pero ubos sa sagdsagaran ang pasensya ko sa byaheng ito at talagang hindi na kayang ipinta ang itsura ng mukha ko, meron pa nga suhulan pa daw ako ng singkwenta riyal para sa pitong kilo..gusto ko sagutin ng "eto singkwenta!lumayas ka sa harapan ko parang awa mo na!!"

hindi ko din sila masisi, dahil hindi sapat ang kaalaman nila, nakipagsapalaran din sila sa bansang ito para makasuporta sa kanya kanyang pangangailangan, pero naman, parang awa na, paano ka tutulong sa taong, ang gusto niya lang ang iginigiit at hindi ka maintindan, nakakaiyak sa kabwisitan..

Thursday, 16 April 2009

made.old

bente dos..bente dos nako...hindi pa naman ako panick buying sa lovelife..meron naman ako..
buhol-buhol nga lang..in short magulo..
sa mga panahon ngayon hindi naman pa ako worried sa mga ganyang bagay dahil pakiramdam at pakiwari koy nagsisimula pa lang ako sa buhay..tipong ngayon ko pa lang nagagawa ang mga gusto ko sa sarili kong desisyon, at ultimo sarili kong fulus..
ang kaso kinabahan naman ako ng malaman ko dito sa trabaho na may mga dalagang..may edad na rin eh dalaga pa rin..
lalo ako natauhan na ayoko magtagal sa bansang to..siguro dalawa-tatlong taon na nag pinakamatagal o bahala na SIYA kung ano ang balak NIYA sa landas ko..
gusto ko pa rin syempre ang trabahong ito pero ndi sa lugar nato, oo mahirap magsimula ulit, bagong pakisama, bago na naman lahat..pero kung ginusto mo naman ang isang bagay walang problema..
sa ngayon nagsisimula ako, mabuhay sa mundo ko na ako ang may hawak sa gusto kong tahakin, na syempre may gabay NIYA..

kaya nasa sa KANYA na kung anu ang susunod..
basta alam ko hindi ako panick buying, pero wala akong balak tumanda ng magisa sa mundo..wakoko

Wednesday, 15 April 2009

lungayngay

walo hanggang siyam na oras sa loob ng walong araw..sa wakas isang araw na lng makakapagpahinga na ko..dahil para nakong bouncing ball araw araw..im so f*cking tired..

give me a break people..

Tuesday, 14 April 2009

no.name.

mga sikat na nilalang sa DIA:

angelina--paborito saktan ng lahat
teletubbies--paborito upakan ng lahat
lolo--paborito ng lahat kasi mapagbigay sa pagkain
eyebags--paboritong pagtgauan ng lahat
gremlin--paboritong pagkutuwaan ng lahat kahit mataas ang pwesto
bestfriend ni aica--hindi nagpapakain, bestfriend din ni anne
bestfriend ni majo--marunogn naman magpakain, sa piling oras nga lang
kintab--pakialamera
landi--juwa ni panga
panga--juwa ni landi
chikito--pinagtripan nina anne
burger--kaisturya ni janice tungkol sa burger
bestfriend ni jam--basta bestfriend ni jam.

additional

mashonda--bestfriend namin lahat, busangot kasi siya


wala nako maisip..
pasintabi na lang po at patawad na rin..pawang katuwaan lang po at pagiwas sa lantarang pagbanggit ng pangalan upang makaiwas sa kaguluhan..

Monday, 13 April 2009

this one-liner made my day..

taena..ahlove this kowt!!
wahaha...

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

oo nga naman..duh..

Sunday, 12 April 2009

pagpatak ng scrapbook

pang limang beses ko na ata nakitang umulan sa doha, pero ito yung pinaka malakas..ang sarap..parang nasa pinas lang..ang lamig, simoy bagyo na nga..nakakaaliw, nakakarelaks...
pero balik na naman ang sakit ko ata sa kokote at emosyon na pag umuulan apektado ako..ang lungkot, flashback lahat..

rewind...
flashback..
rewind...
flashback..

ang pangit, ang lungkot, hindi naman sa puro malungkot ang naalala ko, may mga masaya din..yun nga lang yung mga masayang memories ang mas nakakalungkot kasi natapos na, mahirap na maulit, hangang memory na lang, kung pwede ngang ivideo o kunan ng picture lahat ng nangyayari aba why not kunan para lahat may souvenir..pero hindi, hangang memorya na lang yung lahat na parang hindi nangyari..

mga alaala na hindi na mauulit, at bukas bubuo ulit..

Saturday, 11 April 2009

shukranmyfriend

People come into your life for a reason, a season or a lifetime. When you know which one it is, you will know what to do for that person. When someone is in your life for a REASON, it is usually to meet a need you have expressed. They have come to assist you through a difficulty, to provide you with guidance and support, to aid you physically, emotionally or spiritually. They may seem like a godsend and they are. They are there for the reason you need them to be. Then, without any wrongdoing on your part or at an inconvenient time, this person will say or do something to bring the relationship to an end. Sometimes they die. Sometimes they walk away. Sometimes they act up and force you to take a stand. What we must realize is that our need has been met, our desire fulfilled, their work is done. The prayer you sent up has been answered and now it is time to move on Some people come into your life for a SEASON, because your turn has come to share, grow or learn. They bring you an experience of peace or make you laugh. They may teach you something you have never done. They usually give you an unbelievable amount of joy. Believe it, it is real. But only for a season.

LIFETIME relationships teach you lifetime lessons, things you must build upon in order to have a solid emotional foundation. Your job is to accept the lesson, love the person and put what you have learned to use in all other relationships and areas of your life. It is said that love is blind but friendship is clairvoyant . Thank you for being a part of my life, whether you were a reason, a season or a lifetime.

Friday, 10 April 2009

avrildyes

Jealousy is an emotion experienced by one who perceives that another person is giving something that s/he wants (typically attention, love, or affection) to a third party.
source: http://www.best-quotespoems.com/jealousy-quotes.html

eh ano ngayon? wala kang karapatan..karapatan mo man magkagusto sa isang tao at pwede mo pa ngang siyang mahalin pero kung wala kayong koneksyon, relasyon o kung anu pa man, wala kang magagawa, dahil wala kang karapatan magselos, sorry ka na lang, hindi ikaw, siya..


Men are the cause of women not loving one another.
A.W. Hare and J.C. Hare

Thursday, 9 April 2009

ang sementeryo sa umaga..gubat sa gabi..

kasumpa sumpa talaga ng huwebes sa klase ng trabahong ito..pagupo mo ng alas tres umasa ka na na hindi ka na makakatayo pwera na lang kung hahanap ka ng senior o bisor na siya ang makakatulong sayo at kung uuwi ka na..pambihira andiyan pa yung pilit mong gagawin lahat para maibigay mo pa din ang tinatawag na customer service pero hindi sukdulan ang sobrang bigat ng bagahe ng pasahero mo at aawayin ka pa dahil hindi mo mabigyan ng upuan na gusto niya..kung gusto niyo na puro bintana sumakay kayo sa jeep!at parang awa niyo na hindi namin kaya magbigay ng libreng sampung kilo sa bagahe..tayo kaya palit ng pwesto..pambihira..

andiyan pa yung sa sobrang pagod mo na mali mali na yung napapalitan ng upuan..susko..salamat na lang at hindi iisang flight ang bukas kundi yari ka na...

mauubos ang pasensya mo..sa pagod, gutom,at kakulitan ng pasahero na hindi alam na siyam na oras ka ng nagbibigay ng customer service..susko..buti pa tayo naiintindihan natin sila..ang hirap ng trabahong to..

lumipas ang siyam na oras na ganun ganun na lang..wala ka nang matatandaan sa siyam na oras na nagdaan..matatandaan mo lang ang pagpasok at pagalis sa trabaho..

abrilochodalawanglibosiyam

bukod sa tinatawag kong araw ko ang araw nato..hindi rin, nagkabulilyaso na nga nawalang pa kami ng internet connection..napakasayang kaarawan dito sa disyertong kaharian..

Tuesday, 7 April 2009

wala

wala ako masabi sa araw nato..siguro kasi naging maayos ang lahat..magaan yung araw walang problema at walang pabigat..masaya kami kahit sinamahan ko ang isang kaibigan sa ospital para magpacheck pagkatpos ay nagmalling saglit at kumain ng konte dahil bukas ay araw ko..pero bukas sa trabho malalaman ko kung talaga nga bang araw ko..

Monday, 6 April 2009

si manang na walang ****

lakad..lakad..hanap..tingin.."room for rent"..ayan maayos ang kuwarto, isang kama..king size siguro apat hangang lima pa nga ang kasya..rooftop ang pwesto, may garden set pa..mahangin, sa sobrang hangin iisipin mo nakasakay ka sa motor boat!isama mo pa ang takip ng lugar na trapal, ito ang pinaka bubong..masarap maliwas, libreng talong, libreng kalamansi, libreng sampaguita, libre kasi patago ang pagkuha..

"pakipatay ng toooobeeeeeeeggggggggggggggggg!!" ang hiyaw ni manag na walang ANO, etong si manang na maraming reklamo sa magagandang borders niya, marami daw bisita lagi, nagpapatulog ng ibang tao at inaangkin daw ang rooftop....

iski impyerno ang pakikipag away sa kanya ng mga border, pero siya ang nagbigay ng spice sa pagtira doon sa rooftop "baba na yung tubeeeeg sa hagdan!!" sigaw ng border na bwisit na bwisit sa kanya..

"saan ang punta niyo??"tanong ni manang na walang ANO "bible study po" sagot ng malokong empleyado ng paliparan..mga malolokong nilalang may edad na nga si manang pinagloloko pa, pano ba naman kasi to si manang lagi na lang pinagiinitin ang magagandang border!..

si manang na walang ANO..nagbigay kulay sa pagtira ng magkakaibigan sa may rooftop..papasok,magttrabaho,manananghalian,matutulog,papasok ulit,uuwi,matutulog,magmemerienda, matutulog, ang sarap at ang saya simpleng buhay na tulad noon, pero kailangan lakasan ang loob para makaraos sa buhay..

at hayaan na si manang, iwanan na si manang na sumigaw ng "pakipatay ng tooobbbeeeeggggg!"

Sunday, 5 April 2009

sagot mo sarili mo

sa mundong to mahirap magtiwala,nariyan ang pamilya, kaibigan, kasamahan sa trabaho, kakilala, sino sa kanila ang pwede mong pagkatiwalaan kung minsan nga sarili mong desisyon hindi mo mapagkatiwalaan? ang pamilya nandiyan sila para sayo kahit pa pagbalibaligtarin mo ang mundo, susuportahan ka hanggang sa huli, yun lang paano na kung hindi mo sila kasama? milya milya ang distansiya niyo..sino ang sasalo sayo? sino magpapayo? sinong magtatangol sayo??

lalo na kung sa trabaho na ang usapan, nasa ibang bansa ka ibang lahi ang mga kasama mo, mga ibang lahi na kung kadalasan ay hindi ginagamit ang tamang pagiisip.. ito yung mga taong ang maipilit lang..basta yun na yun..naipit ka sa isang sitwasyon, sinong sasalo sayo?..wala ka nang matakbuhan, salamat sa mga kaibigan mo na gumagawa ng paraan para matulungan ka sa sitwasyon, pero paano kung wala kang kaibigan, salamat sa kababayan mo na laging handa tumulong sayo, tutal pareho kayo wala sa bansa ninyo sino pa ba ang magtutulungan, pero paano kung sa mga oras na yon wala si kabayan?, salamat sa ibang lahi na ginawa ng diyos na may mabuti pa ring puso at maayos na pagunawa na andiyan na handa ka palang tulungan hangang sa huli, pero paano kung wala din?

paano ka?..sino na ang tatakbuhan mo?..pagdarasal na lang ang tangi mong panghahawakan para makaraos sa pagkakaipit na sitwasyon..

sa mundong to..mahirap..walang sasagot para sayo, lubos na pagiingat dapat, lubos na pagkamarunong, lubos na pagkamadiskarte..yan ang kailangan mo..isama na rin ang lakas ng loob at lakas ng pananalig at pagtitiwala sa taas na hindi ka NIYA pababayaan kahit anu pa man..

dahil sa mundong to..hindi parating may sasalo para sayo..sagot mo ang sarili mo..

Saturday, 4 April 2009

training

masaya ang training..ilang oras at ilang araw na maliligtas ka sa ipitan na trabaho sa paliparan..lalo na ngayon pag kumuha ka ng pwesto kulang na lang huwag ka huminga maibigay lang ang tama at mabilis na serbisyo sa pasahero..

naiintindihan natin sila..pero tayo sa ganitong larangan sinung iintindi?..sarili lang natin..tayo lang ang nakakaalam kung bakit masama ang araw natin dahil sa kung bakit hindi na natin kaya magtrabaho matapos ang pagupo ng walong oras..kung bakit hindi na natin kaya ngumiti sa mga susunod pang oras..at kung bakit hindi na natin maibigay ang tinatawag na customer service..

gusto ko ang trabahong to..pero tulad ng ibang nilalang na ginawa ng diyos sa mundong to tayong mga tao ay may buhay napapagod, naiinis at nauubos ang pasensiya..kailangan pang habaan ang pasensiya..san ba nakakabili para makapagbaon ng marami..

ang akala nila madali..walang madaling trabaho..kung magkaiba tayo ng trabaho..hindi ko kayang gawin yan tulad ng hindi mo rin kayang gawin ang trabaho ko..sapat na pagtitiyaga at pasensiya ang puhunan para matuto ng isang larangan..pero dapat isali din ang pagbibigay respeto..respeto sa sarili at sa bawat isa..

"we may be in the service industry but we are not their servants"

Thursday, 2 April 2009

nakakapagod

nakakapagod..maghanap buhay..ako pa naman yung taong gusto kumita ng pera pero ayoko mapagod.."hindi bale nang tamad hindi naman pagod" di ba??..
hirap maghanapbuhay..tapos na ang labing-limang taong pagaaral...labin-liman taong wala kang iintindihain kundi sarili mo..
noong kinder nga wala ka pa iniisip kundi ang maglaro, wala ka pakialam kung magaral ka o hindi..

elementary..dito mas maraming laro pero anim na taon to dadating na yung oras na unti unti ka ng matataunahan na kailangan mo magaral para makapasa at makakuha ng mataas na grade kasi nakakahiya sa crush mo pag bumagsak ka..andito na rin yung pagproblema mo sa mga ubod ng dami ng assignment mo at ang exam isang maghapon lang halos..galing natin nung elementary..

highschool..syempre mas may kokote ka na nito mas maarte ka na..mas concious ka na..mas marami ka ng crush..may nanliligaw na sayo o may nililigawan ka na..minsan tinatamad ka na pumasok pwera na lang kung may konsensya ka o maiingit ka sa mga kaklase mo na ggraduate na at kung saang collge o university sila papasok..

college..ang hirap pero masarap..ito na yung early adulthood, masaya ka your free to do anything you want basta syempre sagot mo sarili mo..you watch your own back! pag may bagsak ka magisip ka ng dahilan kung bakit ka magbaback subject..at magisip ka na rin ng dahilan kung bakit ka magshishift ng course pag tinatamad ka na sa unang napili mo..
kolehiyo..magisa ka na marami ka na natutunan..pagka nakapagtapos ka na..pwede na..
pwede ka na isabak sa totoong buhay..

unang araw pagtakatpos ng graduation eto ang mga problema ko:
**saan ako magapply?
**paano kung mapagiwanan ako?
**wala ng tutulong sakin
**wala nakong spokesperson
**wala ng summer vacation!!
**wala ng sem break!!
**wala ng xmas break!!
**wala ng "ma, pa, bili mo ko nun!"
**ibig sabihin good luck sayo!!

ang hirap din nga mga madadaanan mo bago ka magkaroon ng trabaho..papaimpress ka lagi..bebenta mo sarili mo..show them what youve got!

pag nagkatrabho ka na..sarap may sarili ka ng pera, sariling oras, wow grown up ka na, kaya mga problema mo pang grown up din, dati problema mo paano ka manunuod ng tv eh brownout, ngayon problema mo wala pang sweldo baka maputulan kayo ng kuryente, dati problema saan kaya maganda makaglamiyerda, ngayon problema mo, saan ka huhugot ng panahon para magpahinga..

iba na ngayon eto na totoong buhay..pero hindi mo naman dapat lagi seryosohin, maging masaya, ienjoy ang araw araw..may problema ka itawa mo lang masasawa din yan sayo, may mas mabigat pa na problema diyan..

wag mashado mamroblema..masaya mabuhay..minsan lang to..isipin mo mamomroblema ka ba sa mundong to eh wala namang nakalabas ng buhay dito..

live..love..laugh..

Wednesday, 1 April 2009

copied and pasted..jamil-leh

guys...i will miss u all...so sad pero maraming salamat sa understanding at napakalaking support...

ate bingkaye,di nako makakapagsumbong sau sa mga bestfriend kong ibang lahi...

shang...loko ka pinagpractisan moko ng tagalog lessons mo..

meann...pasensya na sa kakulitan ko tenk u kc d k napipikon sa pangaasar ko...

janice..."babaaaaayyyy"tenk u sa bonggang bonggang advice...

yvone,mami zen,jiniper...di ko man kau masyadong nakakasama,tenk u sa mga chismax at daldalan pag nagkikita tau...

juvy carla...wag kalimutan ang ating flat70 memories...ituloy mo ung pagiging lc ha...di man lang ako nakapagparelease ng seat o nakapagpaopen ng flight sau...

ging...magpaassign ka na sa c/in para di ka na nabuburaot sa mga taong matatalino at mababango...sabihin mo pareho lang ng system sa 5j ung sa rj kaya pwede ka maging dedicated dun..

april and days...salamat sa supply ng chichirya at chokolate sa break..

digma...hehe d.a. dir magiingat ka ha...gudlak sa inyong plans ni bf..nakakainis di na tau pinagsama ng shift

carisse...my dir...mamimisskita..magpapabili p naman sana ako sau ng hello kitty na laptop cover sa leave mo...wala na taung pagasa lumabas..

itel...wag masyado magSL...wala tau sa macro hehehe...peace!

shye..wag ka na maiinip ilang buwan nalang...konting konti nalang..saka magtipid ka anak...nanay??

erwin...ate,itigil mo na yang pagpaparami mo ng chinek in...dapat pag nyt shift mo gawin yan lalo na pag rush ewan ko lang kung umabot ka ng isang libo...dibale ng tamad di naman pagod!!!

anne,hay goodlak sa pagiging official mo...at karerin ang pagoother airlines...di natau nakapagpanderosa

aica...nakakaiyak tong blogmo..
http://kwentongmoonlight.blogs... .
mamimiss kita...sayang di ako nakapirma sa form na pinirmahan mo para makuha ang 3-11pm shift na pinakaaasamasam ko,,isipin mo nalang yayaman k sa ot...pasensya pasensya ang kailangan...

majo...pag naisipan mong lumipat sa room ko sabihin mona agad para may makasama si kat...tenku sa kulitan kahit sandali..

joi...isa kang mapalad na nilalang dahil kasama mo c chinching mo!!sayang sandali lang tau nagsama..

sam...nako naman di tau binigyan ng chance magsama...nakakainis...

at sa aking pinakamamahal na roommate na si kat na tumatangkilik sa mga niluluto kong hokuspokus...konting tiis nalang malapit ka na rin...hirap din ako umalis kc naiisip ko pano ka na..baka way to para maging magBFF kau ni landlady!!hehehe wag kang magpapapagod ha...ung likod at ulo mo...at saka wag kang tamarin kumain...sori tlga nid ko ng umalis...hayyy...di natin natapos ung pasalubong shopping everymonth...wag ka naman masyado magot baka naman mapadali ang paguwi mo dahil magkakasakit ka...

guys at sa lahat ng di ko na namention..super tenk u...mwaaaaahhhh...goodluck sa ting lahat!!alshallah!!

baysap

nakakalungkot talaga..
isiping aalis ka na..
saglit na panahon..
ating naipon..

salamat sa pastang masarap..
sa chocolate na laging meron ka..
sa glucose biscuit na laging tinatago..
at lalo ang mga moment sa counter..

sayo walang dull moment..
kahit pa nakatayo sa punishment..
kahit pa nakakatampo kayo..
dahil hindi niyo ko sinasama sa lakad niyo..

salamat sa oras..
at sa pagkakaintindi sa topak ko..
sa pagsakay sa pagpapansin ko..
ingat ka palagi..

magiging maayos ang lahat..
para sating lahat..

Tuesday, 31 March 2009

HAY BUHAY ABROAD TALAGA

i received this thru e-mail..and its really nice because its soooo true, not just in dubai..abudhabi,doha,jeddah or wherever you are if you are abroad and is one of the so-called "bagong bayani" of our homeland im sure you could relate to this..


A friend named "Maeng Ni" posted this.Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo, tiyak makakarelate ka.

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa DUBAI ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madamikang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash pinadala sa pinas, kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.

Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.

Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!

Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Dubai kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!

Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa DUBAI lalong dumarami.

Akala nila masarap sa DUBAI di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.

Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!

Akala nila masarap sa DUBAI kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito!
Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa dubaimaglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mo dito sa dubai .. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng RTA Bus or Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa dubai .. madami mga indianao, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka paskitani na taxi driver na rapist pa!

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Burj Al Arab, Desert Safari, mall of emirates, Atlantis, Al Mamzar Beach, at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture para mapadala mo sa mga mahal mo sa buhay.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dirham na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, perodirham din ang gastos mo sa dubai . Ibig sabihin ang dirham mong kinita sa presyong dirham mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas AED3.00 sa Dubai , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, saDubai AED 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa Mashreq ,HSBC o CITIbank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!

Madaming naghahangad na makarating sa Dubai . Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Dubai madaming outlet ng stress mo !kasi walang bawal!!! .Hindi ibig sabihin dirham na angsweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansangpinagsilangan at malungkot iwanan angmga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulotang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi akonaninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?
Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.
Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.
Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!

Monday, 30 March 2009

dahil may sweldo na..pabile nga!

pagibig pagibig..lagi na lang pagibig..eto ang pinaka mahirap na problema para sa iba pero pinaka madali na ata para sakin ngayon sabi ng kaibigan ko, tipong hinahayaan na lang..sabi ng kaibigan ko siguro nasagad ka na nung huling beses..kaya ayan para kang tanga..manhid ka ba??

ako manhid??"sensitive" nga ako eh..siguro sawa nako mamroblema ng ganyan..anu nga ba yang pagibig na yan?

nakakain ba yan?
nahahawakan?
san nakakabili?
makabili ng limang sako...

panick buying nako!!!

Sunday, 29 March 2009

alliwantisyourlove




yeah you gave your love to me..
but its half empty..
when will that time be..
that ill be the priority..

days and months has passed..
cant believe i still last..
i feel tired..
and willing to give up..

but why is it like this..
youre so hard to diss..
maybe ill just have to wait..
for you in my mind and heart to fade..

1310

pagpasok nakita ko ung isa sa mga "newly found friend" ko..syempre masaya.."tawag ako sayo"..
upo sa pwesto..
antay ng tawag..
krrring....kriiing..
AKO:"halu?"
NFF:"hoy..uuwi nako"
AKO:"huh?adik ka na naman..bakit"
NFF:........................................

pribadong kwento...

ang punto..nalulungkot ako..hindi lang ako pati ang iba pa samin na pag natuloy nga mawawala na ang isa sa mga kasamahan namin dito sa banyagang bansa nato..nakakalungkot hindi lang din naman siya kasamahan.."NFF" nga..isa siya sa matatawag kong pinakamatino at masayang kasama kahit pa paminsan minsan eh wala rin siya sarili..bangag at tuliro kumbaga..pero kewl..isa din siya sa mga cook ng batch..

lahat kami gulat kasi ang plano isang taon diretso..pero dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari na sana any maayos agad at gabayan ng diyos ay kailangan niya na bumalik sa bansang pinaggalingan..

nakakalungkot..
nakakahinayang..
pero "Wag ka magaalala baka isa ito sa mga dapat mong gawin at baka isa ito sa paraan ng diyos"

mahirap makahanap ng kaibigan lalo sa panahon ngayon, ako pa lam ko bibihira kaibigan ko kasi ako ang tipong pag ayoko hindi ko ipipilit, at siguro kakaunti din kasi ang nakakasakay sa topak ng kokote ko..masaya ko isa siya sa nakasakay kahit sa saglit na panahon salamat..iilang buwan...
mahirap at biglang desisyon, kaya mo yan..pero sa totoo kami..syempre gusto pa din namin na kung sakasakali ay makasama ka pin namin sa susunod..

sa susunod na roster..magkshift na tayo..
ingat ka lagi..
magiging maayos ang lahat..para sating lahat..

Friday, 27 March 2009

labhan mo!

krisis na mundo..maraming kumpanyang nagsarado..maraming nawalan ng trabaho..nagtaas ang bilihin..masyado nang magulo..
sino dapat sisihin?ang bansa?ang gobyerno?ang presidente?ang mayayamang business tycoon?ang mayor niyo?boss mo?nanay mo?tatay mo?..
kung ordinaryo kang mamamayan, d bat magtatrabaho ka para sa pamilya mo, sa ikabubuhay mo, kung matino kang magulang o nilalang isa ka sa mga taong gagawin ang lahat ng mabuting paraan para makaraos ka at ang mga taong mahal mo sa mundo..

kilala ang pinoy sa pagiging matiyaga, masipag, un bang kahit anung trabaho at kahit san mo dalhin yan kaya niya, diyan kilala ang pinoy.
pero sympre tulad ng ibang tao sa mundo hindi tayo perpekto..isa sa sakit, numero unong sakit ng pinoy ang magreklamo, aminado ako...mareklamo din ako.. mga pinoy, pag mainit reklamo, malamig reklamo, konting santing lang reklamo agad, kaya diyan nauso ang rally dito rally sa doon..

ayos lang ang magrally at ilabas ang nasa sa loob mo at galit sa kung kanino man, pero isipin mo uunahin mo ba yun kesa gumawa ng paraan para sa pamilya mo na nagugutom na siguro sa bahay niyo..o kaya naman eh kung nawalan ka ng trabaho, maghanap ka pagsumikapan mo, wag ka manisi ng ibang tao..dahil hindi lang ikaw ang may problema sa mundo..may iba na may mas mabigat na problema pa..

gumising ka, kumilos ka at patunayan mo una sa sarili mo na mas magaling ka sa sumusukong katauhan mo at namumunang lipunan sayo..

wag ka puro reklamo..patunayan mo ang pinoy matalino, masipag, matiyaga at hindi sumusuko, wag ka padadala sa sa lumulubog na barko, pilitin mong matutong lumangoy, kung makahanap ka ng salbabida mas mabuti, gamitin mo at pagkatapos yung ibang pasahero naman ang tulungan mong wag malunod..

isipin mo din halimbawa madumi ang damit mo anung gagawin mo magrereklamo ka na lang ba???labhan mo!!