Sunday, 19 April 2009

byaheng 352

sa katamaran, kapaguran at kaantukan ilang araw hindi ako nakapagkwento..nakakainis hindi ko nasunod ang araw na araw na pagkwento..pero eto sige ang byaheng 352..


nakakainis at nakakaubos pasensiya na naman tulad ng dating byaheng 344, hindi ko maintindhan kung bakit nilipat na nila sa gabi ang byaheng ito, ang alam ko lang nadagdagan ang problema ko, una sa hindi pagakkaintindihan, naisip ko minsan mas nakakaintindi pa pala ang byaheng 344, sila sa 352, pota wala kang pagasa,titigan ka lang, akala ko din yung isa ang may pinakamabigat na problema sa sobrang timbang ng bagahe, pero hindi, suskopo, eto ang pinakamahirap sa lahat saktuhin ba namang limang kilo ang sobra, hindi mo tuloy malaman kung paano mo sisingilin kasi apat na kilo pwede na pagbigyan at sa limang kilo nagsisimula ang pagsingil, susko ang hirap, higit pa minsan hindi mo maintindihan kinse kilo ang sobra, tapos sasabihin sayo tulungan mo siya, anak ng putakte naman, paano mo matutulungan ang taong hindi marunong sumunod sa rules at hindi marunong umintindi, please lang ng please sa harapan mo, santisimo ke horor!!ayoko na talaga...ang hirap umintindi, patawad po pero ubos sa sagdsagaran ang pasensya ko sa byaheng ito at talagang hindi na kayang ipinta ang itsura ng mukha ko, meron pa nga suhulan pa daw ako ng singkwenta riyal para sa pitong kilo..gusto ko sagutin ng "eto singkwenta!lumayas ka sa harapan ko parang awa mo na!!"

hindi ko din sila masisi, dahil hindi sapat ang kaalaman nila, nakipagsapalaran din sila sa bansang ito para makasuporta sa kanya kanyang pangangailangan, pero naman, parang awa na, paano ka tutulong sa taong, ang gusto niya lang ang iginigiit at hindi ka maintindan, nakakaiyak sa kabwisitan..

No comments:

Post a Comment