Monday, 7 September 2009

buhay nga naman

lagi ako nagiisip ng dahilan sa mga bagay ng nangyayari, ewan ko ba kasi naman sabi nga lahat ng bagya may dahilan, bakit nagising ka pa ng umagang to--isang araw na naman ang binigay sayo, bakit ka kumakain--syempre nagugutom, bakit ka naliligo--una bukod sa nakasanayan mo na siguro ayaw mong maamoy ang sarili mo o kaya naman e hindi ka talaga makatiis na hindi malinis ang katawan, bakit ka nagttrabaho--para kumita ng pera--bakit? para mabuhay sa mundo--bakit?yan ang hindi ko kayang sagutin.

kung may reincarnation man o wala ay hindi ko alam ang alam ko lang araw araw papalapit tayo ng papalapit sa finish line..oo finish line kung san lahat e mapupunta o sige gusto mo deretsahan, mamatay..para tayong video game, inistart at araw araw na kumikilos sa dahilang hindi din natin alam,at tulad ng video game may game over! pero kahit pa siguro basahin mo lahat ng mga sinulat na libro na nagsasabi kung ano at paano mo malalaman ang silbi mo dito sa mundo, malamang tulad ko hindi ka pa rin makukumbinsi, at kahit pa siguro paikot ikutin ko tong pagkwento ko ng walang kwentang bagay e hindi ko din alam kung ano ang dahilan at araw araw akong binibigyan ng pagkakataon, ang bawat paggising ko sa umaga ang pinaka ebidensya.salamat pa din.

trabaho ka ng trabaho, ipon ka ng ipon, imbak ka ng imbak, para kang langgam, pero sa huli gagastahin mo din naman hindi mo naman madadala sa hukay ang kayamanan mo, oo sabihin na nating naghahanda tayo sa sinasabing FUTURE, pero minsan lang ang buhay, bakit mo iipunin ang lahat ng bagay na pwede mong gawin na ngayon, hindi lang ang pera pero ang bawat pagkakataon na sasabihin mong saka na lang o kaya ay bukas na lang, nakakapanghinayang paano kung huli na pala...

tulad nung estudyante ka pa lang, kailan mo gagawin ang thesis mo?bukas na lang kasi nakakatamad?kailan ka magpapasa ng proyekto mo??sa deadline na lang?kasi kaya nga may deadline?kailan ka kikilos para makapagtrabaho?saka na lang pag sawa ka na sa bakasyon?kailan ka naman magbabakasyon sa gitna ng trabaho?saka na lang pag marami ng ipon?kailan ka naman magiipon?saka na lang pag nabili mo na lahat ng gusto mo?kailan mo naman mabibili lahat ng gusto mo?saka na lang pag natugunan mo na lahat ng problema mo?kailan mo haharapin ang mga problema mo?pag nakapagisip ka na?anu ba nag dapat isipin?ano ba ang dapat gawin?kailan mo bibigyan ng importansiya ang mga bagay na importante sayo at ang mga taong mahal mo??pag wala na sila?o wala ka na?...o baka bukas na lang...kasi nagbabakasakali kang magigising pa....nga ba?

GAME OVER!!

No comments:

Post a Comment