Friday, 17 July 2009

KWENTUHAN

ibang lahi1:
"ISANG BESES PA LANG AKO NAKAPUNTA SA PILIPINAS, PERO GRABE, SA GABI MAAAWA KA SA MGA TAO, NATUTULOG SILA SA KALSADA, MGA BATANG MALILIIT SA KALSADA NATUTULOG, WALA SILANG BAHAY"
ibang lahi2:
"TALAGA GRABE..BUTI PA PALA SA BANSA NAMIN MAS MAAYOS, PERO GUSTO KO PA DIN BISITAHIN ANG PILIPINAS MAGANDA DAW ANG MGA BEACH NILA DOON"


kwentuhan sa harap naming dalawang filipino, oo sa harap mismo namin, kasi kasama kami sa kwentuhan, noong una maganda ang kwentuhan, tipong pinagmamalaki pa namin ang magagandang destinasyon sa sariling bansa, sabi nga kasi pa nung isa kong nakausap isa pitong libong isla sa bansa niyo, lahat naman pang turista, maganda..yan ang madalas kong marinig sa mga ibang lahing gustong makita ang mga isla ng pilipinas, pero sa unang unang pagkakataon narinig kong sa pilipinas mo makikita ang sobrang pagkakabukod ng mamayan, mula sa maayos ang buhay,mayaman sobrang yaman at sobrang hirap din. gusto ko pa sanang ipagtangggol ang sarili kong bayan, tahanan, pero wala na akong nagawa, magaling siya, maggaling siyang pumuna ng mga talaga namang kapansin pansing bagay, hindi siya matatawag na turista, ang turista panay magaganda ang napapansin sa isang bansa, nakita niya ang kanbulukan ng isang parte ng pilipinas, nakakahiya, pero walang magagawa, yun ang katotohanan, wala na kong masasabi pa para ipagtanggol ang isang bagay lalot kitang kita ang mali. anu pa kaya ang susunod na maririnig ko..maririnig natin... lahat naman tayoy patay malisya lang..kibit balikat..

No comments:

Post a Comment