Friday, 24 July 2009

mga pagaakala at mga memorya

naalala ko lang ang ilang memories, pinatugtog ko kasi ang dati kong paboritong playlist na gustong gusto ka pa din, ibang pakiramdam ang daming magandang memorya,
una na ang apartment namin , isang kama kaya namin pagkasyahin ang anim na tao, na komportable pa rin ang pagtulog, naging tambayan ng lahat, masaya, 4am gising paisa isa para maligo at maghanda para pumasok, ala sais, nagmamadali na pumasok, matapos ang duty alas dose, patagong uuwi ng bahay para makapagpahinga, magigising na lng para mg time out, hahaha, well ayan binulgar ko na sikreto namin..pagbalik galing sa trabho simula na ng masayang patayan at ubusan ng oras, apat kami minsan lima anim, o higit pa, kanya kanyang pwesto habang tumutugtog ang radyo na iisa ang istasyon sa loob ng bente kwatro oras, bilib din ako s aradyo na to, binaha na ta lahat tugtog pa rin..at ang mga tugtog sa istasyon na to siya ring playlist ko sa celphone na pinapatugtog ko pag nasa labas kaming magkakaibigan..
kanya kanyang pwesto, may maglalaba, magluluto, maglilinis, mamalengke, kakain, meron din matutulog na lang dahil may sama na naman ng loob..
iba iba ng napagsamahan namin sa apartment nato, dito ko natutunan ang magtiwala sa kaibigan at magkaroon ng totoong kaibigan, malaman kung sino ang kaibigan at ang nagpapanggap lang.

playlist, ang daming memorya, ibat ibang araw, ibat ibang tao, dito ko naalala ang mga taong akala ko ay totoo sakin, akala ko yun ang pagkakataong nakakilala ako ng totoo, pero hindi, sa huli, nasa huli, hindi naman ang pagsisisi dahil walang pagsisisihan pero nasa huli ang konklusyon na tama pa din pala ko..hindi lahat ng tao kaya magbago, dapat ginusto niya.

sa mga taong nakasama ko sa *bahay ni manang* maraming salamat, ang dami kong natutunan, kahit ganoon kalala kasama si manang, it was the best i have experienced..!

Sunday, 19 July 2009

imsickandtired

imsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredimsickandtiredmsickandtired when im finished helping out everybody, after giving all my best for my love ones, accompanying everybody who needs company, replacing someone who needs replacement, doing a task for somebody who wont be able to do it, after using every bit of emotion and energy i have, will there a be someone for me to do same thing, and will someone be there as i faint and lose all the energy that i have?

Friday, 17 July 2009

KWENTUHAN

ibang lahi1:
"ISANG BESES PA LANG AKO NAKAPUNTA SA PILIPINAS, PERO GRABE, SA GABI MAAAWA KA SA MGA TAO, NATUTULOG SILA SA KALSADA, MGA BATANG MALILIIT SA KALSADA NATUTULOG, WALA SILANG BAHAY"
ibang lahi2:
"TALAGA GRABE..BUTI PA PALA SA BANSA NAMIN MAS MAAYOS, PERO GUSTO KO PA DIN BISITAHIN ANG PILIPINAS MAGANDA DAW ANG MGA BEACH NILA DOON"


kwentuhan sa harap naming dalawang filipino, oo sa harap mismo namin, kasi kasama kami sa kwentuhan, noong una maganda ang kwentuhan, tipong pinagmamalaki pa namin ang magagandang destinasyon sa sariling bansa, sabi nga kasi pa nung isa kong nakausap isa pitong libong isla sa bansa niyo, lahat naman pang turista, maganda..yan ang madalas kong marinig sa mga ibang lahing gustong makita ang mga isla ng pilipinas, pero sa unang unang pagkakataon narinig kong sa pilipinas mo makikita ang sobrang pagkakabukod ng mamayan, mula sa maayos ang buhay,mayaman sobrang yaman at sobrang hirap din. gusto ko pa sanang ipagtangggol ang sarili kong bayan, tahanan, pero wala na akong nagawa, magaling siya, maggaling siyang pumuna ng mga talaga namang kapansin pansing bagay, hindi siya matatawag na turista, ang turista panay magaganda ang napapansin sa isang bansa, nakita niya ang kanbulukan ng isang parte ng pilipinas, nakakahiya, pero walang magagawa, yun ang katotohanan, wala na kong masasabi pa para ipagtanggol ang isang bagay lalot kitang kita ang mali. anu pa kaya ang susunod na maririnig ko..maririnig natin... lahat naman tayoy patay malisya lang..kibit balikat..

Sunday, 12 July 2009

what have you learned lately?

what have you learned?...
i have learned a lot,
i have learned that its easy to make friends but hard to find friends, people come and go in our lives and well only realize how important to us once we lose them.friends will always be with you at all good times, true friends will always be with you no matter where you are, they will literally always be there for you.
i have learned that i cant explain love, and nobody can, you wont be able to explain it, you wont be able to say that this is love finally, love doesnt make you blind but makes you accept the flaws of your love ones, the love of your family to you cannot be compared to the love of your partner nor your friend to you, these are three different things.
i have learned that change is the only constant thing in this world, you grow old, you make mistakes, you move on with life, you get a new job, a new mobile no, even new shoes, but contrary to the constant change not everybody can change, a person can only change for himself, not for anybody else, for that change would just be temporary.sooner or later youll end up being your old self again.
i have learned that if youll start your morning bright youll have a pleasant day, no matter what happens on that day, youll have that smile on your face.
i also learned that i have patience, i may say that i dont have, but i found out for the people i love most my patience is more than my pride,i have found out i can control my tears if you give me a glass of water and if you see me that im about to cry, dont ask me, leave me alone.
i have learned that the only person you can trust when you are outside your home is yourself, read between the lines, do not talk to strangers.
i have learned a lot more than this, but still everyday i wake up knowing, this is a nother day thank god, new things and lessons to be learned..

Saturday, 11 July 2009

EMOSYON

dadating at dadating ang araw, kahit gaano ka kasaya, kahit lahat ng pangarap mo naabot mo na, mararamdaman mong may kulang sayo,anung kulang, hindi mo din masabi, ann n hig hirap tukuyin, akala mo yun na hindi naman pala, lalo na kung ikaw ang tipong laging tagapagalaga sa mga tao sa paligid mo, parang magsasawa ka at mararamdaman mong kelan naman yung araw na ikaw naman ang aalagaan.yun na pala yun.

minsan akong nasabihan ng isang tao na masyado daw ako naghahanap ng pagmamahal at pagaalaga, natawa ako, hindi niya kasi siguro alam kung ang ang pakiramadam.wala akong pakialam sa mga taong kung ano ano ang iniisip at sinasabi tungkol sa kin, dahil hindi yun importante sakin, yun ang tingin nila at higit kong kilala ang sarili ko.

pero..

paminsan minsan aaminin kong napanghihinaan din ako ng loob lalo na pag nararamdaman kong may mga matang pumupuna sakin, hindi ako perpekto, walang taong perpekto kailan gan nating tanggapin yun, ginawa tayo na mayroong kanya kanyang karakter para magkaroon ng sariling karakter.pero madalas takot ako, takot akong mapuna sa kapitasang maaring nakikita ng lahat, pero nagpapasalamt sa mga taong naging kaibigan na natanggap ako at lubos ang tiwala sakin, pero paano na lang ang hindi pa nakakakita ng kapintasan ko, paano kundi nila matanggap??..tulad ng dati, kalimutan at magpatuloy na lang ulit..

Thursday, 9 July 2009

ang hirap

ang hirap ng araw na mararamdaman mong magisa ka, oo may kaibigan may pamilya, hindi momaintindihan kung sang luapalop nanggaling ang ganitong klaseng pakiramdam, wala ka namang problema pero para kang pingsakluban ng langit at lupa, parang pasan mo ang mundo sa bigat ng pakiramdam mo, wala kang gana kumain, kumilos, makipagusap kahit kanino, lumabas ng bahay ang gusto mo lang matulog dahil baka sa paggising mo lumipas na ang pakiramdam na nararamdaman mo.

nakuha mo lahat ng pangarap mo sa mundo, halos lahat, halos makumpleto mo na yung iba abot kamay mo na, pero ano bigla mong mararamdamang may kulang, lalo na kung hindi mo kasama nag pamilya at hindi mo na gingawa ang mga nakagisnan..ang hirap, para kang nasa gitna ng labang hindi mo alam kung sususgod ka pa o aatras, gusto mo sumugod dahil sayang ang mga abot kamay mo ng pangarap, gusto mong umatras dhil pagod ka na at hindi mo na din makita kung anu ang susunod pang mangyayari, pagod ka na..

nastuck ka na sa gitna, hindi mo alam ang aggawin, anu bang purpose mo? bakit ka ba andito sa mundo?anu pa ba ang mga bagay na pwede mong gawin?..pag ginawa mo ba tong desisyon an to magiging masaya ka?pero ang kasiyahan mo lang ba nag ikkonsedera mo paano ang pamilya at ang ibang taong maapektuhan?

ang hirap..kailangan ko ng tubig...

the more water you drink, the less youll cry..