Saturday, 6 June 2009

tamad na workaholic

minsan nagtataka din ako sa sarili ko, may sakit ata ko sa pagiisip, pero dahil inamin ko na malamang magaling nako ngayon, pansin ko sa sarili ko ang karakter ko ang tipong kasalungat ng isa pang meron ako, (ayoko man magdescribe ng sarili ito ay obserbasyon lamang po), ayoko sa tamad, pero aminado ako may panahong akala mo talaga pingsakluban ako ng langit at lupa sa katamaran, at pag naman nagkatrabaho at nahypher ako, sobrang sigla ko, gutso ko ng maraming kaibigan gusto ko lahat kaya ko maging kakawentuhan ako ang mahirap lang sadyang mahiyain ako, oo nawala na o nabasawan na ang ganyang karakter ko at masasabi kong kahit paano ay malakas na ang loob ko, pero andun pa din ang panahong, kahit 4 na oras na tayo magkatabi,kung hindi mo ko kikibuin hindi talaga kita kakausapin, sa madaling salita hindi ako magaling magsimula ng magandang usapan, ayoko ng magulo pero may panahong, ubod ko din ng gulo, ayoko ng mayabang may panahong hindi ko din mapigilana ng karakter na yan pero totoo namang hindi dapat maging mayabang, lahat ng ugaling meron ako kasunod agad ang kasalungat nito...kung iisipin balanse pala, normal din pala siguro??

No comments:

Post a Comment