ako at ang nanay ko hindi kami gaano kalapit sa isat isa, noon hidni kami madalas magkwentuhan noong nasa elementarya ko kahit iisa nag bahay namin hindi kami halos nagkikita dahil madalas sila sa trabaho, pagdating ng sekondarya hindi rin kami ganoon kalapit sa isat isa hindi din kami masyado naguusap pero alam ko sa sarili kogn gusto kong mapansin niya ako..pinilit lahat ng pwede ko gawin, pero naramdaman kong parang balewala sa kanya ang lahat ng papaskita ko, dahil una bata pa ang kapatid ko at kailangn ng atensyon, ikalawa nasa gitna kami ng kalagayang kailangan naming makaraos nung panahon na yon, pagdating ng kolehiyo oo madalas na kami magusap pero madalas hindi maganda usapan namin, bangayan at pagtatalo, pero nasa sa loob ko pa din ang pagpupursigeng magpasakita, inayos ko ang marka ko sa klase, kahit hindi pinakamataas masasabing kaya ko pa din ipagmalaki, lahat ng kaya ko gawin ginawa ko, ipinasa ko ang scholarship na akala ko wala akong pagasa dahil buong mundo ang kaagaw ko, pero wala hindi ako napansin, pagkatapos ng kolehiyo, pasok sa trabaho, tila lalo kami nagkaroon ng puwang sa isat isa, madalas ko siyang iwasan dahil pakiramdam ko wala pa rin kahit isa sa ginagawa ko ang importante para sa kanila, pero hindi hindi ako papatalo mapapansin ako..
ngayong nasa ibang bansa nako nararamdaman kong talgang importante siya sakin, bukod sa natural na katotohanang siya ang nagluwal sakin, iba na kami ngayon, nararamdaman kong nagtutulungan na kami, nararandaman ko ang pangungulila sa kanya..
sobra pa sa malaki ang pasasalamat ko sa kanya, ngayon ko nararamdaman na lahat ng ginawa ko ay pinagmalaki niya, lahat ng ginawa niya ay para sa amin, at lahat ng gagawin ko ngayon ay para sa kanya, para sa kanila.
ngayon ko hinahanap ang lahat ng klase ng luto niya, walang makakapantay, ang pagaalala na may kasamang sermon, ang pangungulit at ang walang kapares na pagaalaga niya sakin, ngayon natutuwa akong lahat ng bagay ay kaya ko na sabihin sa kanya lahat ay kaya ko na ikwento ng walang pagpipigil..
laking pasasalamt ko sa diyos sa siya ang nanay ko..
hindi nako makapaghintay pa..
No comments:
Post a Comment