Monday, 22 June 2009

the walkway

as we grow up we meet different people, some we gain them as friends but eventually lose the connection some will become our best friends and will still be there for you no matter what change happens, there will be times in your life that you will have all this friends that also wants to do what you want to do, you jive at everything, you like what he/she likes and also the other way around, you get attached, you treat him/her like a sibling you get concern and hope that you will be together till you meet the end.and so you go on together with life.
change is the only constant thing in this world,we grow old, people change their dream as they accomplish the first one, people change to make it short.in your walkway through life there will always be a person who will go along walking woth you, but you should understand that there will come a time that this person will choose a different path to leave you, for whatever definite reason they have, some will even ask you to leave them behind becasue they have a reason, dont be too harsh on yourself or them and force them to stay for you because for sure on somebody elses walkway you also left and took the path you wanted.
there life seems to be fair after all.

Friday, 19 June 2009

mama

ako at ang nanay ko hindi kami gaano kalapit sa isat isa, noon hidni kami madalas magkwentuhan noong nasa elementarya ko kahit iisa nag bahay namin hindi kami halos nagkikita dahil madalas sila sa trabaho, pagdating ng sekondarya hindi rin kami ganoon kalapit sa isat isa hindi din kami masyado naguusap pero alam ko sa sarili kogn gusto kong mapansin niya ako..pinilit lahat ng pwede ko gawin, pero naramdaman kong parang balewala sa kanya ang lahat ng papaskita ko, dahil una bata pa ang kapatid ko at kailangn ng atensyon, ikalawa nasa gitna kami ng kalagayang kailangan naming makaraos nung panahon na yon, pagdating ng kolehiyo oo madalas na kami magusap pero madalas hindi maganda usapan namin, bangayan at pagtatalo, pero nasa sa loob ko pa din ang pagpupursigeng magpasakita, inayos ko ang marka ko sa klase, kahit hindi pinakamataas masasabing kaya ko pa din ipagmalaki, lahat ng kaya ko gawin ginawa ko, ipinasa ko ang scholarship na akala ko wala akong pagasa dahil buong mundo ang kaagaw ko, pero wala hindi ako napansin, pagkatapos ng kolehiyo, pasok sa trabaho, tila lalo kami nagkaroon ng puwang sa isat isa, madalas ko siyang iwasan dahil pakiramdam ko wala pa rin kahit isa sa ginagawa ko ang importante para sa kanila, pero hindi hindi ako papatalo mapapansin ako..
ngayong nasa ibang bansa nako nararamdaman kong talgang importante siya sakin, bukod sa natural na katotohanang siya ang nagluwal sakin, iba na kami ngayon, nararamdaman kong nagtutulungan na kami, nararandaman ko ang pangungulila sa kanya..
sobra pa sa malaki ang pasasalamat ko sa kanya, ngayon ko nararamdaman na lahat ng ginawa ko ay pinagmalaki niya, lahat ng ginawa niya ay para sa amin, at lahat ng gagawin ko ngayon ay para sa kanya, para sa kanila.
ngayon ko hinahanap ang lahat ng klase ng luto niya, walang makakapantay, ang pagaalala na may kasamang sermon, ang pangungulit at ang walang kapares na pagaalaga niya sakin, ngayon natutuwa akong lahat ng bagay ay kaya ko na sabihin sa kanya lahat ay kaya ko na ikwento ng walang pagpipigil..
laking pasasalamt ko sa diyos sa siya ang nanay ko..
hindi nako makapaghintay pa..

Saturday, 13 June 2009

bentedos

dadating talaga yung araw na gusto mo bilisan, galingan at ayusin lahat ng problemang sa palagay mo ay dapat ng masolusyonan, pero pagkatapos ng araw maiisip mo pa din hindi ganuon kadali, wag ka magmadali, kung suko ka na ibigay mong lahat sa diyos lahat ng problema mo yun naman talaga ang gusto niya magtiwala ka sa kanya, hindi ka niya bibigyan ng problemang alam niyang hindi mo kaya solusyonan, ang buhay hindi lagi masaya, kailangan may iba pang rekado, magkaroon ng mahabang pasensiya at matibay na pagtitiwala sapagkat lahat ay mangyayari sa tamang panahon sa perpektong panahon niya, huwag mainip, isa isa lang, kaya mo yan!

Sunday, 7 June 2009

sundaypanaman

hindi ko alam kung ano dahilan bakit laging may ganitong araw yung pakiramdam na parang sirang sira arw mo pero hindi mo naman maalala kung ano dahilan??

Saturday, 6 June 2009

tamad na workaholic

minsan nagtataka din ako sa sarili ko, may sakit ata ko sa pagiisip, pero dahil inamin ko na malamang magaling nako ngayon, pansin ko sa sarili ko ang karakter ko ang tipong kasalungat ng isa pang meron ako, (ayoko man magdescribe ng sarili ito ay obserbasyon lamang po), ayoko sa tamad, pero aminado ako may panahong akala mo talaga pingsakluban ako ng langit at lupa sa katamaran, at pag naman nagkatrabaho at nahypher ako, sobrang sigla ko, gutso ko ng maraming kaibigan gusto ko lahat kaya ko maging kakawentuhan ako ang mahirap lang sadyang mahiyain ako, oo nawala na o nabasawan na ang ganyang karakter ko at masasabi kong kahit paano ay malakas na ang loob ko, pero andun pa din ang panahong, kahit 4 na oras na tayo magkatabi,kung hindi mo ko kikibuin hindi talaga kita kakausapin, sa madaling salita hindi ako magaling magsimula ng magandang usapan, ayoko ng magulo pero may panahong, ubod ko din ng gulo, ayoko ng mayabang may panahong hindi ko din mapigilana ng karakter na yan pero totoo namang hindi dapat maging mayabang, lahat ng ugaling meron ako kasunod agad ang kasalungat nito...kung iisipin balanse pala, normal din pala siguro??

butas

nakakabwisit na magagandang kanta na nakakapagpaalala sayo ng hindi magagandang nagyari sa buhay mo, ayan naguguluhan ka na naman tuloy hindi mo alam kung kelan ka na naman magiging masaya o ano, ang gulo kasi, magagandang kanta paborito pa nga pero pambihirang flashback.