Tuesday, 19 May 2009

di lang totoo, tunay pa.

mahirap maghanap ng tunay na kaibigan, marami diyan akala mo kaibigan mo yun pala ang totoo nagpapanggap lang..maswerte na siguro ko na kahit iilan at kahit paano nakahanap ako ng mga totoong tao para maging tunay na kaibigan, laking pasasalamat ko..

matatawag mong kaibigan ang isang tao kung handa ka sabihin lahat ng sikreto mo at buo ang pagtitiwala mo sa kanya na hindi ka niya bibiguin sa pagtago niya ng mga sikreto mo,
sila din yung mga taong kahit anu pa mangyari andiyan pa din sila para sayo, hindi ka nila bibigyan ng payo, pero sasabihin nila sayo ang dapat mong gawin at kung ano ang nakikita nilang totoong nangyayari, masaktan ka man sa sinabi nila, alam niya na matatauhan ka din, hindi mo na siya kailangang tanungin kung pwede mo ba siya kausapin dahil lagi siyang may oras para sayo, pag may problema ka kahit nasa gitna ng date yan iiwan niya yan para sayo, humanda ka nga lang dahil sesermunan ka muna niya tungkol sa date niya bago ka tanungin kung ano ba nangyare sayo, pag nagbihis ka at nakita niyang hindi bagay, sasabhin niya sayong "hindi bagay ok!" "iba na lng suotin mo"..di tulad ng iba sasabihin sayo "hmm...ok lang". murahin ka man niyan alam mo at mararamdaman mong may pagmamahal ang bawat salita niya at panenermon sayo, itututring ka niyang kapatid at hindi siya papayag basta basta kung saan ka na lang pulutin sa mundo, kung nagmumuka ka ng tanga hindi sasabihin na "muka kang tang", sasabihin niya sayo "ang tanga mo, tumugil ka na",pag may problema ka hahayaan ka niya dumaldal ng dumaldal hanggang magsawa ka at pag tapos ka na ihanda mo dapat ang tenga mo..

ang tunay na kaibigan hindi natatakot magpakatotoo sayo at sabihn kung dapat mo ng ituwdi utak mo dahil paliko-liko ka na, parte sila ng buhay, isa sa pinakaimportantent karakter sa buhay natin, kung wala sila sino na lang magsesermon sayo kung mukha ka na palang tanga sa ginagawa mo..kaya pahalagahan ang bawat tunay na kaibigang meron ka..minsan lang yan, wag pabayaan.

No comments:

Post a Comment