kakatapos ko lang manood ng isang banyagang pelikula..pelikulang noon ko pa gusto panoorin akala ko kasi magugustuhan ko..nagustuhan ko naman yung kwento, yun lang hindi maganda reaksyon ng kokote ko..bakit ba sila gumagawa ng ganitong mga pelikula, mga pelikulang madalas masaya at maganda yung katapusan, yung mga pelikulang pakikiligin ka, paasahin ka. kwentong madalas gawa gawa lang, mga kwento siguro ng mga taong mga nangangarap ng ganitong kwento sa buhay nila..idealistic kumbaga..mga pelikulang makkatulong sayo na makatakas sa totoong mundo ng mga dalawang oras..depende sa haba ng istorya..
nakakainis yung mga ganitong pelikula, una tuturuan ka, tapos papaasahin ka, tapos hahayaan kang umasa na lang..maganda yung unang parte na tuturuan ka..bibigyan ka ng ibat ibang payo sa paraan ng pagkwento pero sa huli malalaman mo na imposible..dun lang mangyayari sa loob ng kwudradong yun nangyayari ang sobrang saya ng buhay..
siguro nga ganoon ang buhay, minsan nasa taas minsan nasa baba, at dapat ka maging handa, wag ka umasa na pag marami ka ng naranasang paghihirap eh tuloy tuloy na ang swerte o saya, nasa sa iyo din yan kung panu mo patatakbuhin ang script ng buhay mo, oo hindi natin alam ang mangyayari bukas..pero pwede naman natin pagplanuhan kahit konti man lang ang mga pwede nating gawin pag nagising pa tayo..
idealistic yung mga pelikula..bibigyan ka ng sapat ng lakas ng loob para umasa..yun lang yung pagasa na meron ka eh tulad din ata ng sa pelikula wala ng mangyayari hanggang dun ka na lang sa pagasa..hindi ka na aabot sa solusyon..
ano ang ngayon kundi ang kinabukasan ng kahapon?
No comments:
Post a Comment