Friday, 27 March 2009

labhan mo!

krisis na mundo..maraming kumpanyang nagsarado..maraming nawalan ng trabaho..nagtaas ang bilihin..masyado nang magulo..
sino dapat sisihin?ang bansa?ang gobyerno?ang presidente?ang mayayamang business tycoon?ang mayor niyo?boss mo?nanay mo?tatay mo?..
kung ordinaryo kang mamamayan, d bat magtatrabaho ka para sa pamilya mo, sa ikabubuhay mo, kung matino kang magulang o nilalang isa ka sa mga taong gagawin ang lahat ng mabuting paraan para makaraos ka at ang mga taong mahal mo sa mundo..

kilala ang pinoy sa pagiging matiyaga, masipag, un bang kahit anung trabaho at kahit san mo dalhin yan kaya niya, diyan kilala ang pinoy.
pero sympre tulad ng ibang tao sa mundo hindi tayo perpekto..isa sa sakit, numero unong sakit ng pinoy ang magreklamo, aminado ako...mareklamo din ako.. mga pinoy, pag mainit reklamo, malamig reklamo, konting santing lang reklamo agad, kaya diyan nauso ang rally dito rally sa doon..

ayos lang ang magrally at ilabas ang nasa sa loob mo at galit sa kung kanino man, pero isipin mo uunahin mo ba yun kesa gumawa ng paraan para sa pamilya mo na nagugutom na siguro sa bahay niyo..o kaya naman eh kung nawalan ka ng trabaho, maghanap ka pagsumikapan mo, wag ka manisi ng ibang tao..dahil hindi lang ikaw ang may problema sa mundo..may iba na may mas mabigat na problema pa..

gumising ka, kumilos ka at patunayan mo una sa sarili mo na mas magaling ka sa sumusukong katauhan mo at namumunang lipunan sayo..

wag ka puro reklamo..patunayan mo ang pinoy matalino, masipag, matiyaga at hindi sumusuko, wag ka padadala sa sa lumulubog na barko, pilitin mong matutong lumangoy, kung makahanap ka ng salbabida mas mabuti, gamitin mo at pagkatapos yung ibang pasahero naman ang tulungan mong wag malunod..

isipin mo din halimbawa madumi ang damit mo anung gagawin mo magrereklamo ka na lang ba???labhan mo!!

No comments:

Post a Comment