Tuesday, 31 March 2009

HAY BUHAY ABROAD TALAGA

i received this thru e-mail..and its really nice because its soooo true, not just in dubai..abudhabi,doha,jeddah or wherever you are if you are abroad and is one of the so-called "bagong bayani" of our homeland im sure you could relate to this..


A friend named "Maeng Ni" posted this.Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo, tiyak makakarelate ka.

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa DUBAI ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madamikang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash pinadala sa pinas, kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.

Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.

Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!

Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Dubai kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!

Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa DUBAI lalong dumarami.

Akala nila masarap sa DUBAI di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.

Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!

Akala nila masarap sa DUBAI kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito!
Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa dubaimaglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mo dito sa dubai .. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng RTA Bus or Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa dubai .. madami mga indianao, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka paskitani na taxi driver na rapist pa!

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Burj Al Arab, Desert Safari, mall of emirates, Atlantis, Al Mamzar Beach, at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture para mapadala mo sa mga mahal mo sa buhay.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dirham na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, perodirham din ang gastos mo sa dubai . Ibig sabihin ang dirham mong kinita sa presyong dirham mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas AED3.00 sa Dubai , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, saDubai AED 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa Mashreq ,HSBC o CITIbank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!

Madaming naghahangad na makarating sa Dubai . Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Dubai madaming outlet ng stress mo !kasi walang bawal!!! .Hindi ibig sabihin dirham na angsweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansangpinagsilangan at malungkot iwanan angmga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulotang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi akonaninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?
Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.
Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.
Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!

Monday, 30 March 2009

dahil may sweldo na..pabile nga!

pagibig pagibig..lagi na lang pagibig..eto ang pinaka mahirap na problema para sa iba pero pinaka madali na ata para sakin ngayon sabi ng kaibigan ko, tipong hinahayaan na lang..sabi ng kaibigan ko siguro nasagad ka na nung huling beses..kaya ayan para kang tanga..manhid ka ba??

ako manhid??"sensitive" nga ako eh..siguro sawa nako mamroblema ng ganyan..anu nga ba yang pagibig na yan?

nakakain ba yan?
nahahawakan?
san nakakabili?
makabili ng limang sako...

panick buying nako!!!

Sunday, 29 March 2009

alliwantisyourlove




yeah you gave your love to me..
but its half empty..
when will that time be..
that ill be the priority..

days and months has passed..
cant believe i still last..
i feel tired..
and willing to give up..

but why is it like this..
youre so hard to diss..
maybe ill just have to wait..
for you in my mind and heart to fade..

1310

pagpasok nakita ko ung isa sa mga "newly found friend" ko..syempre masaya.."tawag ako sayo"..
upo sa pwesto..
antay ng tawag..
krrring....kriiing..
AKO:"halu?"
NFF:"hoy..uuwi nako"
AKO:"huh?adik ka na naman..bakit"
NFF:........................................

pribadong kwento...

ang punto..nalulungkot ako..hindi lang ako pati ang iba pa samin na pag natuloy nga mawawala na ang isa sa mga kasamahan namin dito sa banyagang bansa nato..nakakalungkot hindi lang din naman siya kasamahan.."NFF" nga..isa siya sa matatawag kong pinakamatino at masayang kasama kahit pa paminsan minsan eh wala rin siya sarili..bangag at tuliro kumbaga..pero kewl..isa din siya sa mga cook ng batch..

lahat kami gulat kasi ang plano isang taon diretso..pero dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari na sana any maayos agad at gabayan ng diyos ay kailangan niya na bumalik sa bansang pinaggalingan..

nakakalungkot..
nakakahinayang..
pero "Wag ka magaalala baka isa ito sa mga dapat mong gawin at baka isa ito sa paraan ng diyos"

mahirap makahanap ng kaibigan lalo sa panahon ngayon, ako pa lam ko bibihira kaibigan ko kasi ako ang tipong pag ayoko hindi ko ipipilit, at siguro kakaunti din kasi ang nakakasakay sa topak ng kokote ko..masaya ko isa siya sa nakasakay kahit sa saglit na panahon salamat..iilang buwan...
mahirap at biglang desisyon, kaya mo yan..pero sa totoo kami..syempre gusto pa din namin na kung sakasakali ay makasama ka pin namin sa susunod..

sa susunod na roster..magkshift na tayo..
ingat ka lagi..
magiging maayos ang lahat..para sating lahat..

Friday, 27 March 2009

labhan mo!

krisis na mundo..maraming kumpanyang nagsarado..maraming nawalan ng trabaho..nagtaas ang bilihin..masyado nang magulo..
sino dapat sisihin?ang bansa?ang gobyerno?ang presidente?ang mayayamang business tycoon?ang mayor niyo?boss mo?nanay mo?tatay mo?..
kung ordinaryo kang mamamayan, d bat magtatrabaho ka para sa pamilya mo, sa ikabubuhay mo, kung matino kang magulang o nilalang isa ka sa mga taong gagawin ang lahat ng mabuting paraan para makaraos ka at ang mga taong mahal mo sa mundo..

kilala ang pinoy sa pagiging matiyaga, masipag, un bang kahit anung trabaho at kahit san mo dalhin yan kaya niya, diyan kilala ang pinoy.
pero sympre tulad ng ibang tao sa mundo hindi tayo perpekto..isa sa sakit, numero unong sakit ng pinoy ang magreklamo, aminado ako...mareklamo din ako.. mga pinoy, pag mainit reklamo, malamig reklamo, konting santing lang reklamo agad, kaya diyan nauso ang rally dito rally sa doon..

ayos lang ang magrally at ilabas ang nasa sa loob mo at galit sa kung kanino man, pero isipin mo uunahin mo ba yun kesa gumawa ng paraan para sa pamilya mo na nagugutom na siguro sa bahay niyo..o kaya naman eh kung nawalan ka ng trabaho, maghanap ka pagsumikapan mo, wag ka manisi ng ibang tao..dahil hindi lang ikaw ang may problema sa mundo..may iba na may mas mabigat na problema pa..

gumising ka, kumilos ka at patunayan mo una sa sarili mo na mas magaling ka sa sumusukong katauhan mo at namumunang lipunan sayo..

wag ka puro reklamo..patunayan mo ang pinoy matalino, masipag, matiyaga at hindi sumusuko, wag ka padadala sa sa lumulubog na barko, pilitin mong matutong lumangoy, kung makahanap ka ng salbabida mas mabuti, gamitin mo at pagkatapos yung ibang pasahero naman ang tulungan mong wag malunod..

isipin mo din halimbawa madumi ang damit mo anung gagawin mo magrereklamo ka na lang ba???labhan mo!!

Thursday, 26 March 2009

wala

sa sobrang kaguluhan ng buhay ko ngayong araw na to wala ata ako makkwento kundi ang buhok ko na mayat maya ko tinitingnan kahit pa may pasahero pinipilit ko magsalamin..bad hair day nga ayaw sumunod sa ayos..hindi naman kami nakakain sa oras dahil sa tambak ng pasahero na halos ikaiyak ko na sa sobrang pagkapikon na yung mga kalahi nila nakakain na at kami intindihin daw namin ang sitwasyon..o sige iintindihin ko ang sitwasyon.. siguro yung kalahi kasi nila hindi makaintindi o hindi nila kaya magpaintindi, sige siguro nga, sumunod pa dito ang pagkaexcite kong bumili ng strawberry cheesecake muffin sa costa reward ko sana sa sarili ko na nalaman ko na wala pala.. ubos na..what a day..its not my day at all..

Wednesday, 25 March 2009

bunso

i have a little sister..well now shes not little coz maybe shell even grow taller than me..she was named after me just one letter different we have 9 years of age gap and i took care of her since she was a baby and i mean a lot..were like ordinary sisters who fights and drags about every little thing we can fight about at home..tv channel, a piece of chocolate, slippers, bags, even just on which side of the bed she should be.. she cant sleep alone, since the last time i saw her.

i got to chat with her and my mom this afternoon and i miss them so much i didnt get to see them so clearly on the cam it was too bright but i heard their voices thankz to ym..i heard her grown voice."nagbibinata" kumabaga..hahaha..

she was telling her graduation will be on the 1st of april..im so proud of her..good grades excellent extraco-curicular activities ..shes very independent, she studies by herself she knows when to play and when to study..shes young and she knows her priorities..she thinks like a grown up and shell understand you even if you dont explain..but of course she still has that young heart that cries when you scold her of her mistakes..
(im actually starting to cry now..haha)

shell be in highschool this coming school year i hope she does good as ever..i cant wait to see her and go shopping with her..itll be the dream i have always dreamt of bonding and having fun times with a sister of my own..i cant wait for her to grow up..im actually excited for her..

im excited for the time that well go shopping together..go out together..talk about everything and even give advice to each other..and especially plan her debut party..thatll be a blast!haha..

i miss her so much though we fight often..thats why were sisters..i miss our fights..haha
time flies so fast..yesterday i was just changing her diapers..
my little sister is now starting to grow up into a beautiful lady...i know shell make guys cry...

Tuesday, 24 March 2009

not

"dont listen to your mind telling you that im a snob, im not im just really shy" --how i described myself on my plurk page and all other accounts i have..homaygad i swear im not a snob..im just really quiet and shy at the first time im not used to greeting first..i dont know im just shy..thats me..

i cant start a really good conversation unless youll talk to me..but of course i try..but then at the end "me" still comes..haha..
its just me..if you dont greet me or dont want to talk to me its ok with me..im not bothered at all..but that doesnt mean i wont ever talk to you..i really want to have a lot of friends its just that im not really a good starter of conversations..haha..i may have boosted up a bit of my confidence during college but this part of my shyness is still at me..

so..of course i want to be friends with you..
its always good to have a lot of friends..

Monday, 23 March 2009

angel sophia

last night i was feeling so weird..confused..lonely..left out..sum it all out i feel depressed but not up to the point of crying..i was so bored i started viewing my friend on friendster and i saw the new uploaded pictures of my closest cousin..new pictures of her baby.."oh my god" i thought when i saw the cute pictures i started to laugh and giggle..the pictures were so cute it lightened up my oh so boring and depressing day..
so what i did was i saved the cutest pictures of my cutest niece..hehe and used it as wallpaper..shes such an angel..maybe babies are really like that just have a look at them and your bad day is over...theyre such angels..beautiful angels..when they smile..they giggle..they play and even when they cry they make these reactions that really touches our heart..i cant wait to see my niece when we get back home..
they are cute little angels that gives us just a smile and our bad day is over..


Sunday, 22 March 2009

pelikula

kakatapos ko lang manood ng isang banyagang pelikula..pelikulang noon ko pa gusto panoorin akala ko kasi magugustuhan ko..nagustuhan ko naman yung kwento, yun lang hindi maganda reaksyon ng kokote ko..bakit ba sila gumagawa ng ganitong mga pelikula, mga pelikulang madalas masaya at maganda yung katapusan, yung mga pelikulang pakikiligin ka, paasahin ka. kwentong madalas gawa gawa lang, mga kwento siguro ng mga taong mga nangangarap ng ganitong kwento sa buhay nila..idealistic kumbaga..mga pelikulang makkatulong sayo na makatakas sa totoong mundo ng mga dalawang oras..depende sa haba ng istorya..

nakakainis yung mga ganitong pelikula, una tuturuan ka, tapos papaasahin ka, tapos hahayaan kang umasa na lang..maganda yung unang parte na tuturuan ka..bibigyan ka ng ibat ibang payo sa paraan ng pagkwento pero sa huli malalaman mo na imposible..dun lang mangyayari sa loob ng kwudradong yun nangyayari ang sobrang saya ng buhay..

siguro nga ganoon ang buhay, minsan nasa taas minsan nasa baba, at dapat ka maging handa, wag ka umasa na pag marami ka ng naranasang paghihirap eh tuloy tuloy na ang swerte o saya, nasa sa iyo din yan kung panu mo patatakbuhin ang script ng buhay mo, oo hindi natin alam ang mangyayari bukas..pero pwede naman natin pagplanuhan kahit konti man lang ang mga pwede nating gawin pag nagising pa tayo..

idealistic yung mga pelikula..bibigyan ka ng sapat ng lakas ng loob para umasa..yun lang yung pagasa na meron ka eh tulad din ata ng sa pelikula wala ng mangyayari hanggang dun ka na lang sa pagasa..hindi ka na aabot sa solusyon..

ano ang ngayon kundi ang kinabukasan ng kahapon?

344

gusto ko mag-give up kanina..magunder time kahit mapagalitan at pilit na umuwi sa sobrang sakit ng ulo.."ayan kasi kagagahan ng nagiipit na basa pa yung buhok"..
literal nga na inumpog ko tlga ulo ko sa..hindi ko lam kung anu tawag dun..pero sobra talgang sakit..samahan mo pa ng amoy ng mga pasaporte at bagahe ng mga pasaherong sasakay sa biyaheng 344..

"shit!"--yan lng marereact mo..pagkatapos kasi pipigilan mo na na huwag huminga..

anu ba nmn tong mga taong to..wala atang proper hygeine..hindi naman sa nagmamalinis ako o kung anu..pero anu man lang yung maligo araw araw at matututo magsipilyo..susko..napapabilis ang pagproseso ko sa isang pasahero kung silang klase nila ang nakapila..
ang hirap pa..hindi din sila nakakaintindi..hirap ng hindi mo maintindhan kung maawa ka ba sa kanila o mababwisit ka sa kanila..

nako..pasensiya pasensiya..tapos pabango pabango na lang ang option mo para makasurvive..
wag mo na lamin kung anung amoy ang meron sila at baka maduwal ka lng..tulad bg nangyari sakin kanina..

Saturday, 21 March 2009

kumukulong mantika

2415 +3gmt..well maybe around that time..super madali kami nitong friend kong si majo lumabas dahil baka maiwan kami ng coach pauwi..paglabas nmin ng airport..

silence..
tulala..
weird facial expression..

"shit ang init san galing yun??",,nagsisimula na daw ang summer sa qatar...init na hindi mo lam kung san galing..madaling araw sing init ng tanghaling tapat..walang hangin..umaabon pa nga pero para kang nasa tapat ng kumukulong mantika...

sakay sa coach...tapat sa aircon..
baba sa coach..init na naman..
akyat sa flat..
salamat sa umimbento ng aircon..

whats with the l-o-v-e?

ano nga ba meron sa love..pagibig..pagmamahal..pagsintang irog??anu pa ba..

done a few research...and just picked the ones that i could relate to..

L-O-V-E
**Love means to have strong feelings for someone that can be close friends, family or even someone in a romantic relationship.

**Love is a strong feeling that represents affection toward someone dear to you heart. Being in love usually is used in a romantic sense when you meet your significant other transforming a normal relationship into a deeper one without further interest in others.

**Love means that you trust the person, would do anything for the person, know that person is with you through thick and thin, isn't afraid to be seen with you. make sure they treat you right.

**Love isn't blind or deaf or dumb - in fact it sees far more than it will ever tell. It is going beyond yourself and stretching who you are for someone else. Being in love entails seeing someone as you wish they were: to love them is to see who they really are and still care for them. Love isn't bitter, but you can't have love without pain: sacrifice is the hallmark of love , the coin of love.

**Love is when both of you realizes to call it quits because its not working but your remain friends.

love is hard to define..youll never know the meaning of love..hwen would we know??..can it be really defined..or we just feel it..how do we feel it..whats the feeling..was that really love..how did we know that it was love if we just felt it...

Friday, 20 March 2009

matalinghagang hinanakit

ang alam niya sa sarili niya madali siya magpatawad pero hindi marunong makalimot..kaya parang akala mo lang napatwad ka niya..pero hindi niya lam sa sarili niya..pag dating sa taong yun kaya pala niya pagsabayin ang pagpatawad at paglimot ng hindi niya napapansin..

hanggang kailan sila ganoon?..dadating pa kaya yung araw na matauhan siya..lagpas isan daang beses na ata niyang sinabi sa sarili na tama na..wala ka ng mapapala pa at wag ka ng umasa na magbabago pa yung sitwasyon na kinalalagyan niyo..pero sige pa rin siya..isang matigas na ulong nilalang na pilit pinapalakas ang loob sa araw araw..tila namanhid na nga daw siya at alam na ang magiging resulta..tanggap na ang kahihitnan..pagkatalo at pagkabigo pero may maliit na bahagi pa rin sa puso niya daw na nagdadasal at umaasa na baka magiba ikot ng mundo at sa pagiba ng ikot na iyon..siya naman ang magiging masaya..


Forgiving a cheater is putting up with it, and starts a vicious cycle. That person who cheated may lose respect for you and might continue to cheat-because they know they can get away with it, because you'll continue to take them back.

the ram

aries: "You're in for some good news today! Things are finally starting to come into focus for you at work or school, so you can expect to make a great deal of headway today. There is a huge wave of positive energy coming into your heart. A major conviction that 'you can do this' is cresting in your brain. You've never been as sure of yourself as you are right now. You have the drive to tackle tasks head on, and you have the energy to perservere until everything is finished."

i dont know about the good news..but today was fine..relaxed and just steady..im full of energy and not so tired and used up at the counter..hahaha..maybe coz of the so--positive energy coming form my heart as what my horoscope says...

positive energy from heart--where did this come from..from which side of my heart?which article or ventricle..haha..maybe i just had a good start today even if i woke up a bit late and didnt refer an rp going to beirut..haha..goodluck for me...

what is today but yesterdays tomorrow...

Thursday, 19 March 2009

missin my birthplace

while working i felt envy..envy of these passengers going home..getting their bags tagged and getting their boarding passes..waaah...i envy them so much..i cant wait to get my leave..6 months and counting..i can do this..hahaha

i miss..
i miss my mama..and cooking for her..
i miss my papa..and sharing spicy century tuna with him..
i miss my little sister..and fighting over which side of the bed she should be..
i miss my lola..and her oh so superb adobo...
i miss my lolo..and his stories...
i miss our dog..who knows what time he should be home..
i miss our couch..where all of my friends fall asleep while watching tv..
i miss our big garage..and our time spent there with my lola chatting...
i miss our neigbors..they know me but i dont know them..lol

part of me that i left last october...
cant wait to see them again on december..(fingerscrossed)

Wednesday, 18 March 2009

sagot..ang drama ko noh?

ito ang trabahong linya ng pinag-aralan ko..
trabahong gusto ko...
trabahong bihasa ako...
trabahong masaya ako...
trabahong pinangarap ko pa nga..

pero bakit ngayon nandito ako..
nilalamon ng katamaran, kasawaan..
hindi na ba ko kontento...
ayos naman mga kasama ko...
ayos din naman yung sahod dito...

pero parang may kulang pa din...
kulang yung dati kong bahay...
dati kong kasamahan...
dati kong ginagawa...
kulang yung kinagisnan...

araw araw na lng...
pinipilit yung sarili na bumangon...
magayos at maging masaya sa pagpasok...
nararamdaman ko din naman yung "excitement" "thrill"..
pero di tulad dati na araw araw may gana sa trabaho...

mas madalas na yung pakiramdam na parang ayoko na..
pero alam ko sa sarili ko na hindi naman ako agad susuko..
ito yung pinili ko..
dapat maging masaya at makuntento..
siguro ganito lang talaga...

paminsan minsan magulo..
at hindi pwedeng araw araw masaya at perpekto...

automatic

when your inner self and conscience finds out that you did your part and did your best yourself

learns and automatically stops pursuing that something you really really want and hoped for for

years..you just stop and feel numb and dont care anymore at all..which is actually good...youll be

ready to take a new and burdenless path now..

Tuesday, 17 March 2009

wasted

naaksaya ang ilang oras ko na pagpunta sa airport just to find out na hindi tuloy ang scheduled briefing at hindi ata mkkcount as overtime ang pagpunta namin..

what a waste...

Monday, 16 March 2009

since when

kailan pa..pinagbawal sa kahit anung klaseng trabaho ang kumain?,,sobra nakakaubos ng pasensiya na wala ka namang gagawin sa post mo kundi tumunganga pagkatapos ayaw ka pa pakainin..tipong walang dahilan para hindi kumain..

alas tres ang pasok mo alas otso y medya na ang dami mo na nagawa, hihingi ka ng kalahating oras para kumain ang isasagot sayo walang kakain dahil normal lang yun..

kailan pa naging normal ang hindi kumain??lalot pagod na pagod sa trabaho dahil sa klase ng trabaho mo sabay sabay ang paggamit mo ng lahat ng senses mo..

hay nako..pasensiya..pasensiya...

Sunday, 15 March 2009

elimination

the new roster is out and of course as expected i have the same schedule since i was deployed..

my shiftmate are new again but i was very excited when i found out that two of my bestfriends are with me on the new roster..well be starting and finishing the jungle rush all at the same time which is good 'cause ill be enjoying it being with them...
the sad thing is no more going out..everybody is on night shift..

si manong driver

isang beses ng sumakay ako sa jeep…ako lang sakay ni manong..nagsalita bigla si manong: "hirap talagang pumasada, lalo na kapag ganito..bihira sumasakay" sabi ko.."opo nga eh" sabay tanong niya: "nagmahal ka na noh?" sa isip ko: "koneksyon?!" sabay dugtong niya.."hirap talagang pakawalan ang taong sobrang mahal mo, lalo na kapag ipinangako mo na sa sarili mo na siya na talaga hanggang sa huli..sumagot ako:"ah ganun ho ba?"..sabi niya "mahal na talaga" "ah oo!magtataas nga ulet pamasahe" sagot ko…sabay sabi niya:" ganito yan ang gas, jeep at ang mismong daan ay parang pagibig, ang driver ay ikaw ang pasahero ay siya, minsan kahit anong ayos ang daan, kahit full tank ka o ok ang jeep mo, kapag gusto na bumababa ng pasahero mo, wala ka magagawa, minsan ipagkatiwala mo manibela mo sa taas..malay mo sa pagpasada mo ulet siya pa rin ang pumara at sumakay"..

Saturday, 14 March 2009

ang password

nakaonline si anak..mayamaya nakita ni anak na nag online si ina..

anak: ina??!!
ina:
anak: buzz!
ina:buzz!
anak:asan ka??
ina:
anak:buzz!
anak:buzz!
anak:buzz!
anak:buzz!
ina:
(30 mins hindi pa rin sumasagot si ina)

kinabahan ngayon si anak at natakot na baka ibang tao na ang gumagamit ng account ng kanyang ina..sa kaba nakialam itong si anak at binago ang password ni ina..pagkachek ni anak ay hindi na nga nakaonline ang kanyang ina kaya nakahinga na siya ng maluwag at nakumbinsi ang sarili na ibang tao nga ang gumamit ng account ng kanyang ina..kaya tinext niya si ina..

anak: ina!nakaonline ka ba kanina kasi may gumagamit ata ng account mo..pinalitan ko na yung password mo ng ******* baka kasi kung sino gumagamit eh daming ganun ngayon..
ina: oo online ako bakit mo binago password ko.?? hindi lang ako nakakasagot kasi may ginagawa pa ko..nalog out tuloy ata..
anak: (natawa sa sarili )

Friday, 13 March 2009

hindi pagkakaintindihan

dito sa pinagttrabahuhan ko minsan maiisip mo na ayos din pala ang may ibat ibang lengwahe ang bawat bansa..sa ganitong paraan pag naiinis ka sa katabi mo at iba and lahi niya pwede mo pa rin sabihin sa kanya na "nakakainis ka" ng nakangiti, syempre hindi niya yun maiintindihan, yun nga lang umasa ka siyempre na ganoon din sila sayo pag badtrip sila sayo..

pwede ka rin magreact sa pasahero mo na hindi ka maintindhan na naasar ka na sa kanya dahil hindi mo maipaliwanag sa kanya ang gusto mo sabihin "anu ba naman to..hindi makaintindi"..umasa ka ganun din naman siya sayo sa lenguwahe niya "lalalalrararalalajahsbabaa"..

yun lang pag kailangang kailangan mo ipaintindi sa kanila ang gusto mo sabihin at hindi ka nila maintindhan..goodluck sayo..tumwag ka na ng kahit na sinong pwede mo gawing interpreter sa "lalalalrararalalajahsbabaa"..