eto na naman ako, tulala, di na naman ako mapakali, isip daw ako ng isip ng komplikasyons sa buhay, ok sasabihn ko sanyong ang entry na to ay walang happy ending. wala itong happy ending dahil ni hindi ko nga alam kung saan ko gusto mapadpad o kung saan man ako papunta. bata pa raw ako sabi ng mga nakakatanda para masyadong magisip ng mga masyadong seryosong bagay sa buhay, ienjoy ko daw ang pagiging bata, lasapin ko daw ang sarap ng buhay habang kaya ko pa, pero ako sa sarili ko takot ako maubusan ng panahon, ngayon pa lang gusto ko planado na lahat, hindi ako perfectionist pero ayoko ng kapalpakan! lahat inilisista ko sa totoo lang mga pangarap taon-taon, mga lugar na gusto mapuntahan, sayang ang oras dapat lahat mapakinabangan ang daling sabihin ang hirap gawin.
isang araw maiisip ko na umalis na lang kaya ako sa trabahong mayroon ako o kaya naman magnegosyo, o kaya bahala na si batman ang daming tumatakbo sa isip ko na hindi ko malaman kung ano ang kaya kong tuparin. minsan nagdadasal na lang ako na sana naman ipkaita na sakin ni lord ang sign kung ito ba talaga ang kahihinatnan ng buhay ko, dahil hindi ko na alam!
para saan ba ako?saan ba ako papunta at ano ba ang mararating ko
No comments:
Post a Comment