Wednesday, 15 February 2012

dasal

ano ba ang pagmamahal, paano mo ba malalaman na mahal mo na ang isang tao na siya na pala ang gusto mo makasama habang buhay. hindi nama ako NBSB, no boyfriend since birth, pero sa ilang beses na ko nasaktan hindi ko pa rin kaya sagutin yang tanong na yan. alam ko kapag may karelasyon ako masaya ako, magaan ang buhay, parating inspired, parating kinikilig, walang makakasira ng araw, yun na ba yung love? parang hindi naman kasi kung yan ang love dapat walang natapos na samahan hindi ba? walang nagkasakitan. pero may nasaktan . may natapos.paano mo na ngayon malalaman kung ang susunod na taong makakasalubong mo ay yung taong mamahalin mo? ang hirap di ba? paano mo malalaman na siya na pala. paano kung lumagpas yung pagkakataon na yun na makilala mo siya dahil hindi nyo naman nga alam na mamahalin nyo pala ang isat isa.
ang gulo pag love na pinaguusapan. ang dami kong tanong lalo na sa sarili. why it didnt work out? ako ba mali? may diperensya ba ko?was that suppose to happen? does it have to feel this way?bakit ang sakit?bakit ang sama ng ending?what the hell happened there??!
para akong teenager naiinis ako sa sarili ko. kung iisipin sa edad ko years way back marrying age na ko, saka lahat ata halos ng schoolmate, classmate ko may kanya kanya ng pamilya, pero ako ito inuulan at ginugulo ng mga tanong na to. sabi nila hintayin mo lang daw, e paano kung hinihintay ka rin niya??anak ng kamote maghihintayan na lang kayo forever?? hindi naman daw kasi dapat hinahanap di ba.?
hindi naman ako panic buying, ayoko lang maabutan ng finish line, in short ayokong tumandang dalaga gusto kong tumandang may kasama, yung may taong walang sawang makikinig sa mga kwento ko, madaldal ako eh, yung taong magtitiyaga sa kakulitan ko, makulit ako akala nyo lang hindi, yung taong sasama saking ikutin ang mundo, yan ang pangarap ko, sana pag dumating siya sa tamang panahon, timing, yan ang pinagdarasal ko araw araw, kahit minsan naiisip ko dadating pa ba siya after all ng napagdaanan ko, sabi nga habang may buhay may pagasa, meron nga dyan yung love story nila 25yrs in the making, meron diyan make or break ang relationship, i just want somebody who wouldnt let go of me that easy, somebody who would love me as i am with my flaws altogether, dahil alam kong ganyan ako magmahal.

Saturday, 11 February 2012

muni muni

eto na naman ako, tulala, di na naman ako mapakali, isip daw ako ng isip ng komplikasyons sa buhay, ok sasabihn ko sanyong ang entry na to ay walang happy ending. wala itong happy ending dahil ni hindi ko nga alam kung saan ko gusto mapadpad o kung saan man ako papunta. bata pa raw ako sabi ng mga nakakatanda para masyadong magisip ng mga masyadong seryosong bagay sa buhay, ienjoy ko daw ang pagiging bata, lasapin ko daw ang sarap ng buhay habang kaya ko pa, pero ako sa sarili ko takot ako maubusan ng panahon, ngayon pa lang gusto ko planado na lahat, hindi ako perfectionist pero ayoko ng kapalpakan! lahat inilisista ko sa totoo lang mga pangarap taon-taon, mga lugar na gusto mapuntahan, sayang ang oras dapat lahat mapakinabangan ang daling sabihin ang hirap gawin.

isang araw maiisip ko na umalis na lang kaya ako sa trabahong mayroon ako o kaya naman magnegosyo, o kaya bahala na si batman ang daming tumatakbo sa isip ko na hindi ko malaman kung ano ang kaya kong tuparin. minsan nagdadasal na lang ako na sana naman ipkaita na sakin ni lord ang sign kung ito ba talaga ang kahihinatnan ng buhay ko, dahil hindi ko na alam!

para saan ba ako?saan ba ako papunta at ano ba ang mararating ko