Tuesday, 9 November 2010

takot ka bang subukan, subukang maging masaya, subukang hindi maging safe, maging carefree, come what may as long as masaya ka...ang hirap kasi, pag nasaktan ka na, takot ka nang sumubok ulit, wala namang masama sabi nga di ba try and try until...until you die..kung ikaw ang papipiliin ano ang pipiliin mong desisyon, yung desisyong siguradong makakapagspasaya sayo o yung desisyon na sa palagay ng marami ay tama pero hindi ka naman masaya, ano ba talaga ang nakakapagsaya sa isang tao, pagpapayaman, pagibig, pakikipagkaibigan, pamilya, katayuan sa buhay? kung mas nasanay lang tayo sa simpleng buhay, madali ang buhay, kahit konti ang meron ka masaya ka dahil sanay ka sa simple ibig sabihin marunong ka makuntento, at dahil marunong ka makuntento, hindi ka na maghahanap ng iba, at dahil hindi ka na maghahanap ng iba alam mo na sa sarili mo na kung anong meron ka masaya ka na.

para daw maging masaya ka una, kailangan mo malaman kung ano ba talaga ang gusto mo, gusto mo ba yumaman? maging sikat? maikot ang mundo? maabot ang pangarap mo? manalo sa lotto? makasama ang pinakamamahal mo habang buhay? lahat ng tao gusto maging masaya, sino bang may ayaw? ang tanong, paano?sigurado ka na ba?kaya mo ba gawin ang lahat ng pwede, kaya at hindi kayang gawin makuha lang ang kasiyahan na gusto mo?

kailangan mo daw gawin ang lahat ng kaya kahit pa hindi mo kaya kung talagang gusto mong makuha ang gusto mo, ang kasiyahang hinahanap mo, ang tanung kaya mo nga ba?kaya mo bang subukan at mabigo, madapa, sumubsob, pagtakapos tumayo at pagpagin ang damit na nadumihan para ipagpatuloy ang paglakad, takbo, para makarating ka sa finish line? anu na bang napuhunan mo para makuha ang tsokolateng hindi mo makuhakuha dahil nakakandado pa sa ref?isipin mong mabuti dapat nga bang mapasayo yan?karapat dapat ka ba? aba wala ng libre ngayon sa mundo..hindi ko sinabing lahat ng bagay ay nabibili, pero hindi lahat nakukuha na parang sipon lang isang bahing lang ng katabi mo mamaya nahawa ka na, lahat pinaghihirapan, hindi ba halos duguin ka sa nerbyos bago mo nalagpasan ang interview mo sa trabaho, anim-pito labing apat pa nga minsan ang bilang ng araw na kailangan mo pagtrabahuhan para lang makakuha ka ng isang araw na pahinga, biruin mo sa labing apat na araw ka nagtrabaho isang araw lang pahinga mo!aba labag na yan sa 7 days na creation di ba on the 7th day, the last day, HE rested, pero wala yan kung tutuusin sa iba nga isang taon, dalawang taon araw araw dirediretso ang trabaho walang pahinga bago makakuha ng isang buwang pahinga. isa pa sa relasyon, relationships are real hard work sabi nga, iintindihin nyo ang isat isa, kahit gusto mo na upakan at patulan yung kagagahan ng kapareha mo, hindi, pigil lang intindihin mo, lahat ng paraan ng pag intindi gagawin nyo dahil mahal niyo ang isat isa. gusto mo subukang magmahal ulit, pero natatakot ka, gusto mo subukan pero hindi ka sigurado,handa ka bang pumusta?handa ka bang mahulog at kung sakasakali kung di inaasahan ay maaring walang sumalo sayo at magkabali bali na naman ang mga buto mo, pagkatapos bubuuin mo na naman, pagtatagpi tagpiin, kabisado mo na nga brand ng band aid kakabili, kakatagpi, pero gusto mo sumaya, kaya handa ka,magiging handa ka, sakripisyo, puhunan, kailangan yan, kapag may tiyaga may nilaga ika nga.

pagod, hirap, pawis at dugo, narating mo din ang milya milyang finish line, ang ngiti mo hanggang batok na, abot abot ang saya, naluto na ang nilaga..ang saraaaap! naabot ang pangarap, narating ang panaginip at nakasama ang iniibig, ang saraap! sa palagay mo lahat ng problema kaya mo na, matapos ang lahat, lubak, butas, bubog, humps, traffic, bagyo, baha, lahat yan pinilit mong malagpasan para makuha ang kasiyahan na gusto mo, ang sarap.panalo! pero hanggang kailan ganyan?paano pag napanis na ang nilaga?aasim na..hindi na masarap,maghahanap ka na ng iba, iisipin mo na sana adobo na lang ang niluto mo mas matagal ang buhay ng ulam na yon..hindi ba? pero hindi, hindi yun ganun, kung nung una pa lang adobo na ang gusto mo dapat una pa lang yun na ang niluto mo nang sa ganun pag nakuha mo na ang timpla at lasang mamakakapagpasaya sayo, alam mo rin kung pano mo patatagalin ang buhay nito, adobo mas ulit ulitin ang paginit mas sumasarap hindi ba? wag mo lang pabayaang masira, mapanis. masira, matapos ang lahat, dapat matuto kang alagaan ang trophy na nakuha mo tagumpay mo yan, kasiyahan, pangarap, minimithi, ayan na yun nasa iyo na pababayaan mo pa ba? madali sana maging masaya, kung marunong kang makuntento at magsakripisyo, maging masaya ng walang nasasaktan, maging masaya sa sarili, lubak, butas, bubog, humps, traffic, bagyo, baha, handa ka na ba?




No comments:

Post a Comment