Sunday, 31 October 2010

kung ang lahat ng tao may konsensiya, madali ang buhay, magaan ang araw araw,mas lalong masarap mabuhay. konsensiya hindi lang sa konsepto ng pagpili ng masama o mabuti, kundi pati na rin sa lahat ng gagawain mo sa araw araw. simple lang, tulad na lang sa trabaho, paniguradong alam mo ang pakiramdam ng magutom, sobrang magutom dahil walang pumapalit sayo sa pwesto ng trabaho mo, dahil ang iba mong kasama sa trabaho pakapalan ng mukha at apog sa tagal magbreak, walang pakialam, walang pakundangan, HINDI MAN LANG INISIP ANG IBA, ayan nalipasan ka na ng gutom, samantalang ikaw pag sinabing trenta minutos lang, trenta minutos lang, dahil alam mong may iba pang kailangan kumain, sasabihin ng iba, "anu ka ba, sila nga ang tagal!", tama nga naman pero dahil kinonsidera mo ang pakiramdam ng nagugutom at pagod, saludo ako sayo, mabuti ka pa may konsensiya.
sa paligid mo, mga tao, tapon dito, tapon doon, aba iisa ang mundo hindi na yan mapapalitan tulad ng housing ng telepono mo, ingatan naman, magkaroon ka naman sana ng konsensiya na may mga susunod pang henerasyon na sayang naman kung hindi na nila makikita ang ganda ng mundo.
oo marami na ang tao ngayon na walang pakialam, bakit naman sasali ka pa sa kanila, kung bawat tao may pakialam, may konsensya at hindi makasarili, MAS LALONG MASARAP MABUHAY SA MUNDO.

No comments:

Post a Comment