Sunday, 20 September 2009

panahon

sampung buwan dalawangpung araw na hindi na ako nakakakuwi sa bahay namin, kilala pa kaya ako ng aso namin, nakakalungkot at nakakatuwang maalala ang mga memoryang nabuo sa munting tahanan namin, tatlong masayang bahay ang nasa loob ng apat na pader tatalong pamilya, masaya samasama, yun ang noon, unang bahay ang bahay ng mga lolo at lola araw araw masaya, agahan, tanghalian , at hapunan, walang kasing sarap na putahe ang inihahanda ni lola.."nanay" kung tawagin ko, araw araw merienda, bili at bigay naman ni lolo "tatay" naman kung tawagin, sa ngayon nakakalungkot isiping tahimik na ang bahay nila, araw araw nadadagdagan ang edad ni tatay at araw araw ay nanghihina, tahimik na ang tatay, wala na yung araw na araw na kwento niya tungkol sa buhay, ang nanay naman na parating may pasalubong sa aming magkapatid at napakaalaga samin ay hindi na rin daw tulad ng dati, panahon nga naman..
ikalawang bahay, ang bahay nila pinsan, pinsan kong napakalapit sakin na parang kapatid ko na din, araw araw din dun masaya, araw araw magkakasama magpinpinsan at magkakaibigan, walang sawang kwentuhan at lokohan, kasama pa nga namin parati si auntie "mommy" kung tawagin, maliwanag parati ang bahay na ito, maingay, laging nakasindi ang stereo o kaya naman yung tv, pero ngayong pinili nang tumira sa ibang bansa nina mommy sobrang tahimik na, nawala na din yung liwanag, nawala na ang stereo, tv at walang sawang kwentuhan, panahon nga naman...
ikatlong bahay, ang bahay mismo namin, salamat sa diyos puno pa rin ng buhay, ang maliit kong kapatid, dalaga na,hindi na marunong maglaro,ang mga magulang ko na salamat sa diyos ay pinagitbay pa din, andito na din daw parati ang "nanay" kasama nila, pero hindi pa rin tulad ng dati, wala na kasi yung dating gulo ng mga kaibigan ko, naming magpipinsan...

ang dating compound namin, na parating masaya noon lalo na sa panahong ito at magpapasko, tahimik na...mahirap ng maibalik ang dati lalot may kanya kanya ng buhay ang bawat isa, pero wala pa rin akong ikasisiya kundi yung pagdating ng araw na magkakaroon ulit kami ng walang sawang kwentuhan at ang pagliwanag ng mga dumilim na parte ng bahay..

sobrang bilis tumakbo ng panahon, hindi kayang habulin, dapat bawat araw namnamin, pero minsan hindi ko maiwasang isipin na para kong video game, paulit ulit, panay ang restart at hindi nakakausad sa susunod na level, dapat bawat araw pahalagahan, bawat araw maramdaman. araw araw may pagbabago, gusto mo man o hindi wala kang magagawa kundi tanggapin, eto ang buhay..

No comments:

Post a Comment