Sunday, 20 September 2009

panahon

sampung buwan dalawangpung araw na hindi na ako nakakakuwi sa bahay namin, kilala pa kaya ako ng aso namin, nakakalungkot at nakakatuwang maalala ang mga memoryang nabuo sa munting tahanan namin, tatlong masayang bahay ang nasa loob ng apat na pader tatalong pamilya, masaya samasama, yun ang noon, unang bahay ang bahay ng mga lolo at lola araw araw masaya, agahan, tanghalian , at hapunan, walang kasing sarap na putahe ang inihahanda ni lola.."nanay" kung tawagin ko, araw araw merienda, bili at bigay naman ni lolo "tatay" naman kung tawagin, sa ngayon nakakalungkot isiping tahimik na ang bahay nila, araw araw nadadagdagan ang edad ni tatay at araw araw ay nanghihina, tahimik na ang tatay, wala na yung araw na araw na kwento niya tungkol sa buhay, ang nanay naman na parating may pasalubong sa aming magkapatid at napakaalaga samin ay hindi na rin daw tulad ng dati, panahon nga naman..
ikalawang bahay, ang bahay nila pinsan, pinsan kong napakalapit sakin na parang kapatid ko na din, araw araw din dun masaya, araw araw magkakasama magpinpinsan at magkakaibigan, walang sawang kwentuhan at lokohan, kasama pa nga namin parati si auntie "mommy" kung tawagin, maliwanag parati ang bahay na ito, maingay, laging nakasindi ang stereo o kaya naman yung tv, pero ngayong pinili nang tumira sa ibang bansa nina mommy sobrang tahimik na, nawala na din yung liwanag, nawala na ang stereo, tv at walang sawang kwentuhan, panahon nga naman...
ikatlong bahay, ang bahay mismo namin, salamat sa diyos puno pa rin ng buhay, ang maliit kong kapatid, dalaga na,hindi na marunong maglaro,ang mga magulang ko na salamat sa diyos ay pinagitbay pa din, andito na din daw parati ang "nanay" kasama nila, pero hindi pa rin tulad ng dati, wala na kasi yung dating gulo ng mga kaibigan ko, naming magpipinsan...

ang dating compound namin, na parating masaya noon lalo na sa panahong ito at magpapasko, tahimik na...mahirap ng maibalik ang dati lalot may kanya kanya ng buhay ang bawat isa, pero wala pa rin akong ikasisiya kundi yung pagdating ng araw na magkakaroon ulit kami ng walang sawang kwentuhan at ang pagliwanag ng mga dumilim na parte ng bahay..

sobrang bilis tumakbo ng panahon, hindi kayang habulin, dapat bawat araw namnamin, pero minsan hindi ko maiwasang isipin na para kong video game, paulit ulit, panay ang restart at hindi nakakausad sa susunod na level, dapat bawat araw pahalagahan, bawat araw maramdaman. araw araw may pagbabago, gusto mo man o hindi wala kang magagawa kundi tanggapin, eto ang buhay..

Monday, 7 September 2009

buhay nga naman

lagi ako nagiisip ng dahilan sa mga bagay ng nangyayari, ewan ko ba kasi naman sabi nga lahat ng bagya may dahilan, bakit nagising ka pa ng umagang to--isang araw na naman ang binigay sayo, bakit ka kumakain--syempre nagugutom, bakit ka naliligo--una bukod sa nakasanayan mo na siguro ayaw mong maamoy ang sarili mo o kaya naman e hindi ka talaga makatiis na hindi malinis ang katawan, bakit ka nagttrabaho--para kumita ng pera--bakit? para mabuhay sa mundo--bakit?yan ang hindi ko kayang sagutin.

kung may reincarnation man o wala ay hindi ko alam ang alam ko lang araw araw papalapit tayo ng papalapit sa finish line..oo finish line kung san lahat e mapupunta o sige gusto mo deretsahan, mamatay..para tayong video game, inistart at araw araw na kumikilos sa dahilang hindi din natin alam,at tulad ng video game may game over! pero kahit pa siguro basahin mo lahat ng mga sinulat na libro na nagsasabi kung ano at paano mo malalaman ang silbi mo dito sa mundo, malamang tulad ko hindi ka pa rin makukumbinsi, at kahit pa siguro paikot ikutin ko tong pagkwento ko ng walang kwentang bagay e hindi ko din alam kung ano ang dahilan at araw araw akong binibigyan ng pagkakataon, ang bawat paggising ko sa umaga ang pinaka ebidensya.salamat pa din.

trabaho ka ng trabaho, ipon ka ng ipon, imbak ka ng imbak, para kang langgam, pero sa huli gagastahin mo din naman hindi mo naman madadala sa hukay ang kayamanan mo, oo sabihin na nating naghahanda tayo sa sinasabing FUTURE, pero minsan lang ang buhay, bakit mo iipunin ang lahat ng bagay na pwede mong gawin na ngayon, hindi lang ang pera pero ang bawat pagkakataon na sasabihin mong saka na lang o kaya ay bukas na lang, nakakapanghinayang paano kung huli na pala...

tulad nung estudyante ka pa lang, kailan mo gagawin ang thesis mo?bukas na lang kasi nakakatamad?kailan ka magpapasa ng proyekto mo??sa deadline na lang?kasi kaya nga may deadline?kailan ka kikilos para makapagtrabaho?saka na lang pag sawa ka na sa bakasyon?kailan ka naman magbabakasyon sa gitna ng trabaho?saka na lang pag marami ng ipon?kailan ka naman magiipon?saka na lang pag nabili mo na lahat ng gusto mo?kailan mo naman mabibili lahat ng gusto mo?saka na lang pag natugunan mo na lahat ng problema mo?kailan mo haharapin ang mga problema mo?pag nakapagisip ka na?anu ba nag dapat isipin?ano ba ang dapat gawin?kailan mo bibigyan ng importansiya ang mga bagay na importante sayo at ang mga taong mahal mo??pag wala na sila?o wala ka na?...o baka bukas na lang...kasi nagbabakasakali kang magigising pa....nga ba?

GAME OVER!!

Thursday, 3 September 2009

sama ng loob

mabilis maubos ang pasensiya ko simula ng gawing ko tong trabaho nato,por pabor santisima, hindi mo maintindahan ang mga pasahero sasagarin ang pasensiya mo, para bang sila yung nagtraining ng husto para masagad ang pasensiya mo at ibigay mo na ang gusto nila..ang sarap sigawan ng mga lintek na syempre hindi mo naman magawa...

utang na loob, bakit ka magdadala ng bagaheng hindi mo naman pala kaya bayaran..porpabaor kung wala ng bintana o pasilyo aba san kita iuupo..?bumili ka ng sarili mong eroplano, at kung maiiwanan ka na ng biyahe kasalanan ko ba kugn bakit hindi ka nakarating ng maaga, kasalanan ko bang sa dulo ka pa ng qatar nanggaling?, kasalanan ko bang hindi mo alam at hindi ka nagbabasa ng tiket mo?...pambihira..hindi ito bus..

eto pa tatawagin ka pang sister...aba magkapatid ba tayo?isa lang kapatid ko..at hindi mo ba maintindihan ang dalawang piraso nak ng kamote dalawa nga e tapos ipipilit mong tatlo..shet...shet na malagkit...

tatanda..tatanda at mamumuti..nuti kung mamumuti pero hindi..malalagas malalagas ang buhok ko at masisiraan ng bait kung hindi ko ibabahagi sanyo mga hinanaing ko sa trabahong pinili ko.

masaya ang trabaho, lalao pa kung matino ang mga ktrabaho, pero kung makikita mong ikaw lang ang nagttrabaho, di ba ang sarap pagbabambuhin ng mga artistang to..minsan kong pinangarap ang posisyon na to..nagtuloy tuloy salamat sa diyos, masaya pa rin ako kahit na ganyan ang araw araw na nakakaharap ko, natanung ko nga sarili ko pano ko pala nagagwang kausapin sila, mga pasaherong pasaway hindi mo maintindihan kung ano gusto, ultimo plastic bag sayo hihingin..aba grocery ba ko??...

pero salamat pa din..salamat sa diyos at isa isa kong naabot ang dati ay kaya ko lang isipin...