Thursday, 13 August 2009

the past the present and the future

nakakasuka pala ang sobrang pagiisip..sino ba naman kasi may sabing magisip ng magisip ng isang bagay na hindi naman ata dapat isipin... wala akong makuhang advice na matino kahit kanino, ang gulo..

proud ako sa sariling nakalimutan na kita, hindi kita nakalimutan pero ang sakit--wala na, andiyan ka pa din pero hindi mo na ko naapektuhan kaya na nga kitang pasalamatan, ang dami kong natutunan sayo, natuto ako maging matatag, maging matalino sa pagdedesisyon, maging masaya sa simpleng bagay, at natutunan ko din na makalimutan lahat ng hindi magandang emosyon na naramdaman ko, natutunan ko din na masanay sa pagalis mo sa buhay ko, kasabay nito natutunan ko din ata maging bato.

hindi lang ako ang nakapansin nung una, pero napupuna ko, wala na yung dating ako, parang kong pader hindi matinag, wala ng maramdaman, pader ako sa bangin na kahit ilang bese at sa kahit anong paraan ihulog ay hindi mahulog hulog, minsan gusto ko na tumalon, pero hindi lapat na lapt ang pagkakonkreto ko sa lupa.

ang hirap pala matutong maging marunong at maging matatag para sa sarili, hindi mo na alam ang totoong pakiramdam ng pagmamahal, wala kang maramdamang kilig, sa sarili hindi mo tuloy maintindihan kung manhid ka ba talaga o sadyang wala kang maramdaman sa taong to, alam mo at nararamdaman mong gusto mo ang taong ito pero bakit ayaw lumagpas sa puntong mahal mo na..araw araw mong nararamdamang aparang haggang pagkagusto lang talaga ang nararamdaman mo.

kung pakakawalan mo ang taong ito dahil marahil nalapit mo ng masiguro na wala kang pagmamahal, paano sa susunod?..sa susunod kayang magtangka ay ganito pa din ang maramdaman mo?blanko, hindi alam ang susunod na gagawin..walang espesyal na pakiramdam parang isnag mahabang mahabang kalsada lang na walang patutunguhan.

umalis ka at natapos tayo pero anu tong huling bagay na tinuro mo sakin..

No comments:

Post a Comment