ngayong araw na to natutunan kong sadyang talagang lahat tayo ay may kanya kanyang kahahantungang katapusan, una una nga lang yan sabi ng mga nakakatanda, sadyang mahirap maiwan dito sa mundo ng mga taong sadyang mahal natin sa buhay lalo pat naging napakalaki ng naging parte nila sa pagkatuto natin sa mundo.
una una lang yan, may bata, matanda, biglaan, sinubukang maging handa, kahit pa sa paanong paraan mararamdaman mo ang sakit na hindi mo na makakasama ang taong ito sa mundo, pero kailangan natin tanggapin, masakit lalo na kung bata pa siya pero kung matagal tagal na rin ang nilabi niya sa mundo at alam monh nahirapan din siyang makipagpatintero sa nanunundo sa kanya ay matatanggap mo at pasasalamatan din na natapos na ang kanyang paghihirap.
lungkot at luha, walang humpay na pagiyak, marahil hindi dahil sa naiwan ka dito sa mundo kundi sa dahilang may mga pagkakataon kang napalagpas na sana ay nasabi mo sa kanya o nagawa mo kasama siya, nasa huli ang pagsisisi ika nga.
anu pa man ang bagay na iyon at mga pagkakataong sana ay hindi natin binalewala, tayo ay nagbabakasakali na sa ngayong malaya na sila ay nararamdaman nila ang lahat ng nasa puso natin.
anu man ang dahilang hindi natin alam, kailangan natin tanggapin, tibayan ang loob, maging bukas ang isipan, oo mas madali sabihin kesa gawin, pero ito ang ikot ng mundo, una una lang yan...

tatay,
salamat sa lahat, hinding hindi kita makakalimutan at lahat ng aking natutunan, salamat..dasal ko ay masaya ka na ngayon at malakas tulad ng dati.
ako pa rin ang paborito mong apo at ikaw pa rin ang paborito kong lolo.
i love you tatay..
nov.09, 2009 r.i.p.
aica