Monday, 26 October 2009

blanko

isang buwan na naman ang nakalipas, ang dami na namang tumakbo sa isip ko, gusto ko ilagay lahat dito pero sa dami hindi makakasabay ang kamay ko sa pagtipa ng mga letra o kahit pa pagsulat, hindi ko kaya sabayan ang utak ko sa dami ng naiisip.
bukas isang taon, diretsong isang taon nako wala sa pilipinas, sa bahay namin, masaya dahil isa na naman sa mga nakalista sa chekclist ko ang napagtagumpayan ko, naalala kong una ang maging aktibo sa kolehiyo, ang makapagtapos ng pagaaral ng hindi lumilipat ng kurso, magkaroon kaagad ng trabaho pagkababa ng entablado, makuha nag pinapangarap na trabaho, makuha ang pangarap na trabaho sa ibang bansa, ngayon nandito nako, naubos na yung checklist ko, nawala na hindi ko na alam ang susunod, isang taon, nastuck na ata ko, ganito ba talaga epekto ng kapaligiran ata tao dito?wala namang dapat sisihin natural, pero nakakalungkot at nakakainis isipin na hindi ko na maisip san ang susunod na pintong papasukan ko, noong nakaraang taon, disidido at pursigido akong makalabas ng pilipinas ngayong nandito na, anong susunod..

nalabanan ko na noon to, pero eto na naman , noon bago tumuntong ng kolehiyo sinigurado kong maayos ang kababagsakan ko, maayos naman, pero kulang pala ang preparasyon, dahil naabot ko na to, hindi ko na alam kung ano pa ang susunod, sigurado akong ayokong magkaposisyon sa trabaho, hindi ko tinarget yon, hindi ko yun nararamdaman na gagawin ko, ayokong magaya sa mga namumuno ngayon.

minsan ko ding naisip bakit kailangang seryosohin ng husto ang buhay, isang pagkakataon lang to, dapat namnamin, samantalahin pero sa walong roas na trabaho, malayo sa pamilya at kung titingnan e malayo sa matinong sibilisasyon sa paanong paraan ko malalaman ang totoong buhay, ang problema ko sa sarili ko, hindi ako marunong magsabi ng problema, gusto ko ako lang may alam hanggang hindi ko alam kung pano susulusyonan, sa pagkakataon ngayon hindi ko na sinunod ang sarili, hindi ko naman kasi alam kung saan patutungo, bente dos, yung iba nagaaral pa, yung iba may anak at pamilya na, ako hindi ko pa din alam san pupulutin....

blanko.hirap.