Wednesday, 15 February 2012

dasal

ano ba ang pagmamahal, paano mo ba malalaman na mahal mo na ang isang tao na siya na pala ang gusto mo makasama habang buhay. hindi nama ako NBSB, no boyfriend since birth, pero sa ilang beses na ko nasaktan hindi ko pa rin kaya sagutin yang tanong na yan. alam ko kapag may karelasyon ako masaya ako, magaan ang buhay, parating inspired, parating kinikilig, walang makakasira ng araw, yun na ba yung love? parang hindi naman kasi kung yan ang love dapat walang natapos na samahan hindi ba? walang nagkasakitan. pero may nasaktan . may natapos.paano mo na ngayon malalaman kung ang susunod na taong makakasalubong mo ay yung taong mamahalin mo? ang hirap di ba? paano mo malalaman na siya na pala. paano kung lumagpas yung pagkakataon na yun na makilala mo siya dahil hindi nyo naman nga alam na mamahalin nyo pala ang isat isa.
ang gulo pag love na pinaguusapan. ang dami kong tanong lalo na sa sarili. why it didnt work out? ako ba mali? may diperensya ba ko?was that suppose to happen? does it have to feel this way?bakit ang sakit?bakit ang sama ng ending?what the hell happened there??!
para akong teenager naiinis ako sa sarili ko. kung iisipin sa edad ko years way back marrying age na ko, saka lahat ata halos ng schoolmate, classmate ko may kanya kanya ng pamilya, pero ako ito inuulan at ginugulo ng mga tanong na to. sabi nila hintayin mo lang daw, e paano kung hinihintay ka rin niya??anak ng kamote maghihintayan na lang kayo forever?? hindi naman daw kasi dapat hinahanap di ba.?
hindi naman ako panic buying, ayoko lang maabutan ng finish line, in short ayokong tumandang dalaga gusto kong tumandang may kasama, yung may taong walang sawang makikinig sa mga kwento ko, madaldal ako eh, yung taong magtitiyaga sa kakulitan ko, makulit ako akala nyo lang hindi, yung taong sasama saking ikutin ang mundo, yan ang pangarap ko, sana pag dumating siya sa tamang panahon, timing, yan ang pinagdarasal ko araw araw, kahit minsan naiisip ko dadating pa ba siya after all ng napagdaanan ko, sabi nga habang may buhay may pagasa, meron nga dyan yung love story nila 25yrs in the making, meron diyan make or break ang relationship, i just want somebody who wouldnt let go of me that easy, somebody who would love me as i am with my flaws altogether, dahil alam kong ganyan ako magmahal.

Saturday, 11 February 2012

muni muni

eto na naman ako, tulala, di na naman ako mapakali, isip daw ako ng isip ng komplikasyons sa buhay, ok sasabihn ko sanyong ang entry na to ay walang happy ending. wala itong happy ending dahil ni hindi ko nga alam kung saan ko gusto mapadpad o kung saan man ako papunta. bata pa raw ako sabi ng mga nakakatanda para masyadong magisip ng mga masyadong seryosong bagay sa buhay, ienjoy ko daw ang pagiging bata, lasapin ko daw ang sarap ng buhay habang kaya ko pa, pero ako sa sarili ko takot ako maubusan ng panahon, ngayon pa lang gusto ko planado na lahat, hindi ako perfectionist pero ayoko ng kapalpakan! lahat inilisista ko sa totoo lang mga pangarap taon-taon, mga lugar na gusto mapuntahan, sayang ang oras dapat lahat mapakinabangan ang daling sabihin ang hirap gawin.

isang araw maiisip ko na umalis na lang kaya ako sa trabahong mayroon ako o kaya naman magnegosyo, o kaya bahala na si batman ang daming tumatakbo sa isip ko na hindi ko malaman kung ano ang kaya kong tuparin. minsan nagdadasal na lang ako na sana naman ipkaita na sakin ni lord ang sign kung ito ba talaga ang kahihinatnan ng buhay ko, dahil hindi ko na alam!

para saan ba ako?saan ba ako papunta at ano ba ang mararating ko

Tuesday, 2 August 2011

**buntung hininga**

sabi ni OGIE DIAZ "wag ka umiyak kung nabigo ka sa pagibig, bakit 80 yrs old ka na ba?" sabi naman sa twitter ni ITSTHINGSINLIFE "When you're important to someone, they will always find a way to make time for you. No excuses, no lies, and no broken promises" , sabi nung isa mong kaibigan, "ano ka ba!simple lang yan kaya mo yan!" sabi nung isa "intindihan mo na lang baka sadyang ganyan sya bigyan mo ng pagkakataon, everybody deserves a chance" e anak ng pambihira, lahat kontra sa isat isa hindi mo malaman kung ano ba ang tama sa mali, ang gulo na, may araw na ang lakas lakas ng loob mo, may araw na para kang natuping papel, tapos binulsa na lang. sabi nila para daw makapagdesisyon ka isipin mo, kung ano ang mas magaling sa dalawa, ang puso mo ba? ang isip, kung mas matalino ka, gamitin ang isip. kung mas mabuti kang tao, gamitin ang puso. e kung hindi mo alam?? ano na mangyayari, hayaan mo na lang, hahayaan mo na lang lumipas ang arawaraw, magdadasal gabi-gabi na sana makalimot, makalimot ng nararamdaman dahil naninikip na yung dibdib mo, yung tipong hindi mo maintindihan kung nagmarathon ka ba o aatakihin ka dahil hindi ka makahinga! in short may nakabara! buwisit! nagkamali ka na naman ba? kailan ka ba tatama, at kailan mo ba malalaman na tama na?..ano ba dapat mong gawin, ang sabi ng lahat, hayaan mo lanag, lilipas din yan, time will tell, time can heal, e anak sa paso, pano kung wala ng time, hindi ikaw ang tipo ng taong ipagpabukas na lang ang lahat, dahil alam mong nakakatakot na sa bawat pagtulog hindi mo alam kung magigising ka pa at mabibigyan ka pa ng pagkakataon, oo tama si ogie diaz hindi ka pa otsenta, pero pano kung di ka na abutin ng otsenta?? malas lang.
araw araw pag pasok ipanagdarasal mong sana matapos na ang araw, nakakatamad na..gusto mo na matulog, ayaw mo na magisip, pagdating mo naman sa bahay sana kamo may pasok na kasi ayaw mo mabakante aba hindi alam ng mundo san lulugar sayo, ano ba talaga gusto mo?
sa ngayon wala kang magawa kundi magpatuloy araw araw baliwalain ang naninikip na baga, puso at lalamunan umaasa, hindi na maayos ang lahat kundi umaasang matatapos din ang lahat, parang pinagdarasal mo na lang na sana masanay ka na agad ng matapos na!
bakit ba kailangang maghintay, pag gusto gusto, oo kung oo hindi kung hindi, minsan lang ang buhay, hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari. sana pagmulat ng mata wala ng nakabara.

Tuesday, 7 June 2011

heres to the loser who lost me..and to the lucky bastard whos going to know me

so ok..dedicated and blog nato sa mga kakilala kong nasaktan na, sa mga kaibigan kong nagdaan na rin dun at nasaktan pa rin, at kahit na dun sa hindi ko kakilala, pero marunong masaktan..at syempre lalo na sa sarili ko.lahat ng tao marunong masaktan, hindi ko lang maintindihan kung bakit ba walang kadala-dala. nasaktan na, matapos makabawi susugal at susugal pa rin, pero kung titingnan at iisipin mong mabuti matapang sila, handa silang masaktan para maging masaya, make life worth living ba, ang mga taong hindi mo talaga maiintindihan eh ung mga taong nakakapanakakit sayo, di mo malaman kung anung nakain nila, nalason ba sila kaya ka nila nasaktan, nabrain wash ba sila, o naapektuhan ng globa warming, maiisip mo na lang tengene ke..makakarma ka din! yun e sa palagay ko after 10 years yung tipong sawang sawa ka na sa pagiisip kung bakit kayo naghiwalay o kaya naman bakit ka niya iniwan..oo usapang LOVE to...wag ka na pumalag. can relate ka naman.

minsan pag naiisip ko at naalala ko ang taong halos hindi ko mapatawad natatawa na lang ako, kasi ngayon kaya ko na siya pasalamatan, nang dahil sa kagaguhang ginawa niya sa buhay ko natutunan kong mahalin ang sarili ko, biruin mo totoo pala yung look at the bright side! marami akong natutunan hindi sa pagbubuhat ng banGko, pero natuto akong maging handang tanggapin ang pinakamalalang pwedeng mangyari, everyday ba naman yun mangyari dati pag di pa naman ako naimmune, pero sa seryosong aspeto kahit masasabi kong wala kang konsensiya, puso, utak, damdamin o kampon ka ng kung ano pa man, salamat pa rin..natuto ako, natuto akong wag na magpakatanga sayo..pati na rin sa iba at bigyan importansiya ang sarili ko.sarili ko muna bago ang iba.

sa mga nagmamahalan, pangalagaan nyo sana nag isat isa, naway mapatuyan nyo sa mundo na hindi totoo ang buska ng mga inggitero at bitter sa mundo na "maghihiwalay din yan!!" , mga ampalaya!inggitero!

sa mga nasasaktan pa at hindi pa alam kung saan pupulutin ang nalaglag na puso o hind mahanap na kaluluwa, may awa ang dyos, kaya mo yan!life goes on cmon!hindi pa end of the world ate, kuya! go lang ng go!!pero sana wag naman na tayo magpakatanga sa susunod, wag magbulagbulagan, gamitin ang lahat ng natutunan, ang lahat ng tinuro ng nakaraan gawin mong armas para sa kasalukuyan at sa hinaharap ng sa ganun sa sususond na medyo tatanga tanga pa rin tayo eh medyo na lang...madali na tayo makakatayo sa pagkadapa.

sa mga niloko, wag naman sana kayo gumanti sa ibang tao, kawawa naman yung inosenteng walang kamalay malay masiyado ka pafall!tapos lolokohin mo lang e di isa ka na dun sa mga walang konsensya, puso, utak, atay, balunbalunan na yun!wag ganun!!pabayaan mo na sila kay god!

sa mga umaasa pa, sige lang go lang ng go, habang may buhay may pag asa wag lang masiyado patanga tanga baka naman umaasa ka sa wala e lakas mo rin noh!

lahat ng bagay sa mundo may dahilan , pero di ibig sabihin lahat kailangan mo maintindihan, may mga pagkakataong hahayaan mo na lang dahil kailangan, kailangang ganoon na lang yun maaring di pa tapos o tapos na nga doon, isipin mo na lang lahat may perpektong timing!lahat may tamang pasok! maaring hindi ngayon, maaring hindi siya, baka akala mo tapos na hindi pa rin pala, ang importante, natuto ka, life is one hell of a big classroom, you have to learn kahit tulog ang teacher..maraming tao ang babatok sayo pag mali na pinaggagawa mo, sila ang mga kaibigan mo. maraming manenermon sayo pag di mo sinnod ang mga pinapayao nila, sila nag pamilya mo, maraming taong pupuna, kokontra, pero anong paki nila. desisyon mo yan. nagmahal ka yun nga lang tandaan ang sabi ni nanay: HUWAG KANG UMIYAK!KASALANAN MO YAN! ;P


Friday, 3 December 2010

galit ka.malungkot.gusto mo magsisigaw.magwala.gusto mo ilabas lahat ng sama ng loob mo. pero pinigilan mo na naman.bakit?dahil inisip mo na naman ang ibang tao.inisip mo na naman na baka makasakit ka, baka isipin nila hindi na sila importante sayo o kaya ay hindi mo na sila mahal, o baka naman maisip nila na hindi mo na sila nirerespeto.pero teka nga muna, ikaw ba naisip mo kung nirerespeto ka nila, iniisip kaya nila yung kalagayan mo?kung paano ang hirap magisa, sandalan mo ang sarili mo pero pasan mo naman ang mundo.magisa, sabi nila, "hindi andito lang kami lagi sa tabi mo" para anu? tila baligtad ata dahil ikaw ang siyang laging andun sa tabi nila, konting kibot, konting ingit, hala sige lipad, takbo, abot ng tulong, ano ka superhero o bayani, magingat hindi na binubuhay ang mga bayani ngayon.
minsan gusto mo na bumigay, bitiwan ang lahat pero hindi, hindi pwede dahil kahit ganyang pasan mo ang mundo nagpapasalamat ka pa rin sa diyos na marami rami ring pagkakataon na pinapakita niya sayo kung gaano kasarap mabuhay.
global warming, cancer, volcanic eruption, drought,corruption,scarcity, ang daming problema ng mundo, hindi mo naman sagutin lahat ng yan, kaya buhay ka pa..kaya pa!ang mahirap lang kasi pag minsan gusto mong tumakbo, wala ka namang matakbuhan, ang mahirap pa yung alam mong dapat nandyan sa tabi mo parati ang siya pa lang absent pag talagang kailangan mo na ng suporta.balik ka tuloy sa sarili mong sandalan--ang sarili mo.

Tuesday, 9 November 2010

takot ka bang subukan, subukang maging masaya, subukang hindi maging safe, maging carefree, come what may as long as masaya ka...ang hirap kasi, pag nasaktan ka na, takot ka nang sumubok ulit, wala namang masama sabi nga di ba try and try until...until you die..kung ikaw ang papipiliin ano ang pipiliin mong desisyon, yung desisyong siguradong makakapagspasaya sayo o yung desisyon na sa palagay ng marami ay tama pero hindi ka naman masaya, ano ba talaga ang nakakapagsaya sa isang tao, pagpapayaman, pagibig, pakikipagkaibigan, pamilya, katayuan sa buhay? kung mas nasanay lang tayo sa simpleng buhay, madali ang buhay, kahit konti ang meron ka masaya ka dahil sanay ka sa simple ibig sabihin marunong ka makuntento, at dahil marunong ka makuntento, hindi ka na maghahanap ng iba, at dahil hindi ka na maghahanap ng iba alam mo na sa sarili mo na kung anong meron ka masaya ka na.

para daw maging masaya ka una, kailangan mo malaman kung ano ba talaga ang gusto mo, gusto mo ba yumaman? maging sikat? maikot ang mundo? maabot ang pangarap mo? manalo sa lotto? makasama ang pinakamamahal mo habang buhay? lahat ng tao gusto maging masaya, sino bang may ayaw? ang tanong, paano?sigurado ka na ba?kaya mo ba gawin ang lahat ng pwede, kaya at hindi kayang gawin makuha lang ang kasiyahan na gusto mo?

kailangan mo daw gawin ang lahat ng kaya kahit pa hindi mo kaya kung talagang gusto mong makuha ang gusto mo, ang kasiyahang hinahanap mo, ang tanung kaya mo nga ba?kaya mo bang subukan at mabigo, madapa, sumubsob, pagtakapos tumayo at pagpagin ang damit na nadumihan para ipagpatuloy ang paglakad, takbo, para makarating ka sa finish line? anu na bang napuhunan mo para makuha ang tsokolateng hindi mo makuhakuha dahil nakakandado pa sa ref?isipin mong mabuti dapat nga bang mapasayo yan?karapat dapat ka ba? aba wala ng libre ngayon sa mundo..hindi ko sinabing lahat ng bagay ay nabibili, pero hindi lahat nakukuha na parang sipon lang isang bahing lang ng katabi mo mamaya nahawa ka na, lahat pinaghihirapan, hindi ba halos duguin ka sa nerbyos bago mo nalagpasan ang interview mo sa trabaho, anim-pito labing apat pa nga minsan ang bilang ng araw na kailangan mo pagtrabahuhan para lang makakuha ka ng isang araw na pahinga, biruin mo sa labing apat na araw ka nagtrabaho isang araw lang pahinga mo!aba labag na yan sa 7 days na creation di ba on the 7th day, the last day, HE rested, pero wala yan kung tutuusin sa iba nga isang taon, dalawang taon araw araw dirediretso ang trabaho walang pahinga bago makakuha ng isang buwang pahinga. isa pa sa relasyon, relationships are real hard work sabi nga, iintindihin nyo ang isat isa, kahit gusto mo na upakan at patulan yung kagagahan ng kapareha mo, hindi, pigil lang intindihin mo, lahat ng paraan ng pag intindi gagawin nyo dahil mahal niyo ang isat isa. gusto mo subukang magmahal ulit, pero natatakot ka, gusto mo subukan pero hindi ka sigurado,handa ka bang pumusta?handa ka bang mahulog at kung sakasakali kung di inaasahan ay maaring walang sumalo sayo at magkabali bali na naman ang mga buto mo, pagkatapos bubuuin mo na naman, pagtatagpi tagpiin, kabisado mo na nga brand ng band aid kakabili, kakatagpi, pero gusto mo sumaya, kaya handa ka,magiging handa ka, sakripisyo, puhunan, kailangan yan, kapag may tiyaga may nilaga ika nga.

pagod, hirap, pawis at dugo, narating mo din ang milya milyang finish line, ang ngiti mo hanggang batok na, abot abot ang saya, naluto na ang nilaga..ang saraaaap! naabot ang pangarap, narating ang panaginip at nakasama ang iniibig, ang saraap! sa palagay mo lahat ng problema kaya mo na, matapos ang lahat, lubak, butas, bubog, humps, traffic, bagyo, baha, lahat yan pinilit mong malagpasan para makuha ang kasiyahan na gusto mo, ang sarap.panalo! pero hanggang kailan ganyan?paano pag napanis na ang nilaga?aasim na..hindi na masarap,maghahanap ka na ng iba, iisipin mo na sana adobo na lang ang niluto mo mas matagal ang buhay ng ulam na yon..hindi ba? pero hindi, hindi yun ganun, kung nung una pa lang adobo na ang gusto mo dapat una pa lang yun na ang niluto mo nang sa ganun pag nakuha mo na ang timpla at lasang mamakakapagpasaya sayo, alam mo rin kung pano mo patatagalin ang buhay nito, adobo mas ulit ulitin ang paginit mas sumasarap hindi ba? wag mo lang pabayaang masira, mapanis. masira, matapos ang lahat, dapat matuto kang alagaan ang trophy na nakuha mo tagumpay mo yan, kasiyahan, pangarap, minimithi, ayan na yun nasa iyo na pababayaan mo pa ba? madali sana maging masaya, kung marunong kang makuntento at magsakripisyo, maging masaya ng walang nasasaktan, maging masaya sa sarili, lubak, butas, bubog, humps, traffic, bagyo, baha, handa ka na ba?




Tuesday, 2 November 2010

m/v

posible kayang mamanhid ka na lang? mawalan ng pakiramdam? hindi sa aspetong pisikal pero sa aspetong parang hindi ka na marunong magmahal?
kung nasubukan mo nang magmahal noon at nasaktan ka, kaya mo pa kaya magmahal ulit tulad ng pagmamahal mo noon? paano kung sinubukan mo nga ulit pero naulit lang na nasaktan ka? aasa ka pa ba na mamahalin ka ulit ng taong ito o aasa ka na lang na dadating ang tamang tao sa tamang panahon para sayo?
paano kung napanatag ka nang magisa? paano mo malalaman na dumating na nga siya? paano kung sinabi mo na sa sarili mo na mahihirapan ka nang magtiwala ulit? paano mo ngayon paniniwalaan ang taong sumusubok pumasok sa buhay mo?
kinaya mong makalimot noong una, pero paano na ngayon, napanatag at natahimik ka na, kaya mo pa bang masimulang magmahal ulit, marunong ka pa kayang tumukoy ng totoo at hindi?
nagsisisi ka bang nakilala mo pa siya at nakilala ka niya dahil nasaktan ka? kung papipiliin ka ba mas nanaiisin mo pa bang sana hindi na lang kayo nagkakakilala o kung magkakilala man kayo ay gugustuhin mo bang sana sa ibang panahon, ibang pagkakataon, paraan at ibang katauhan na lang sana?
kung papipiliin ka o pagbibigyan ng pagkakataon, mas nanaisin mo bang sana hindi mo na lang naranasang magmahal nang sa ganoon ay di mo rin naranasang masaktan?